"Mukhang sira talaga ang laptop mo Ryz," Puna ni Onix.

"Kabibili ko lang nito one month ago. Sigurado akong hindi sa laptop ko ang problema." Sambit ni Ryz na tumigil sa pagtitipa. Hinayaan na lang niya ang mabilis na pagtaas ng mga letra.

Natuon naman ang kanilang atensyon sa laptop ng tumigil iyon at lumabas ang dalawang salita sa monitor.

"F'ck you?" Basa ni Orio sa nakasulat sa monitor.

Sinubukan naman ni Ryz na ma-recover ang files pero wala na iyon. Tanging dalawang words na binasa ni Orio ang natira.

Nagkatinginan silang apat.

"Even her data is cursing," Komento ni Onix. 

"Suspicious," Tanging nasabi ni Manzo na sinang-ayunan ng tatlo.

...

...

...

Walang imik na nagtungo sina Hurricane at Primo sa kanilang silid matapos ang tanghalian. Kumuha muna si Hurricane ng mga kailangan sa kanyang kwarto bago pumunta sa silid ni Primo. Doon na rin niya inayos ang benda ng sugat sa tagiliran. Daplis lang iyon pero malaki ang naging sugat. Cream tube dress ang dinala niyang damit na may haba below the knee. Mas mabilis iyon isuot para hindi na rin siya mahirapan dahil sa kadena. Mabuti inalis na 'yung na sa paa nila, kung hindi mahihirapan talaga siyang magbihis tulad nung una kahit customize ang mga damit. Hindi niya alam kung paano ginawa iyon, pero malaki ang tulong n'on para maayos niyang isuot ang damit kahit may kadena. Itinali na lang niya ang buhok into a messy bun. 

Nakapagtataka naman na hindi nagmamadali sa labas ng bathroom si Primo, pero mabuti na rin iyon dahil nakakarindi ito.

"Ikaw na," sambit niya paglabas sa bathroom.

Bahagya itong sumulyap sa kanya. Mabilis lang ang ginawa nito pero nakita niya ang paghagod ng tingin nito sa katawan niya bago pumasok sa bathroom.

Nagkibit balikat na lang siya at naghintay sa labas ng pinto. Iniisip niya na magiging ganito pala ang senaryo nilang dalawa dahil sa suot na kadena. Mabuti sana kung palagi silang tahimik at hindi nagtatalo, matitiis pa niya iyon. Pero kapag inatake ng kasungitan ang isang 'yun tapos sasabayan pa ng init ng kanyang ulo, talagang hindi sila matatahimik at palaging magkakagulo. 

Tinitigan niya ang chain. Mukhang ordinaryo lang iyon pero may lihim pala itong tinatago. Maaaring bawat isa ay may lihim pero humahanga na rin siya sa nag-imbento nito. Buong buhay niya tanging ang kanyang Ina lang ang kilala niyang napakahusay sa kahit anong imbensyon ng armas. Maybe, namana niya iyon pero hindi kasing husay nito. Ngunit ngayon nakita niya ang isang kahanga-hangang imbensyon na hindi ginawa ng kanyang Ina.

Sino kaya ang na sa likod nito? 

Napansin naman niya ang suot na singsing. Isa rin ito sa nagpapagulo sa kanyang isip. Anong meron sa singsing na ito at hindi maalis sa kanyang daliri? Kung totoong wedding ring ito, maaari kayang sa asawa ito ni Primo kaya ganoon na lang galit nito sa kanya?

"Oh my Gracious! Sa asawa niya ito?" sambit niya ng marealize ang lahat. Bakit hindi niya agad naisip 'yon? Kaya pala akala ni Drevon ay asawa niya si Primo dahil doon. Pero magkakilala sina Drevon at Primo, kaya siguradong kilala nito ang asawa ni Primo.

"Aist! Ang sakit sa ulo mag-isip!" Reklamo niya.

"Because your head is brainless,"

Lumingon siya kay Primo ng marinig ang boses nito. Handa na siyang sigawan ito dahil sa sinabi sa kanya pero bigla siyang namula ng makitang wala itong pang-itaas na damit. Mabilis siyang umiwas ng tingin.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now