Chapter 01

33 2 0
                                    


Chapter 01

Ngisi

"Jackylyn!"

"Ho, Ma?!" sigaw ko mula sa taas. Nasa pangalawa akong kasi palapag ng bahay.

"Bumangon ka na diyan at baka ma-late ka pa," rining ko na ang kalantsing ng gamit mula sa kusina sa baba. "Bumili na ako ng champorado sa labas."

Kinuha ko na ang uniform ko mula sa sampayan at agad na akong bumaba para makaligo na. Isa sa pinaka-kinaayawan ko ay ang kailangan gumising ng maaga para pumasok sa school. Gusto ko na lang maging panghapon kaso hindi ako makakapanood ng Eat Bulaga kapag nagpanghapon naman ako. Hayst ang gulo.

"May tanong ako," kinalabit ko si Kira na busy na naman sa notebook niya. Mahal na mahal niya siguro ang notebook niya, laging may lettering, e.

"Ano?" tinaasan niya lang ako ng kilay pero hindi siya tumingin sa akin.

"Kung meron akong sampung chocolate..." sabi ko kaya napatingin na siya sa akin. "At inalok kita ng apat, ilan na lang meron ako?"

"Tanga, anim," inilingan niya lang ako tapos binalik niya na ang atensyon niya sa kanyang notebook.

"Mali, tsk." umiling pa ako desmayadong paraan.

"Huh?" tinignan niya ulit ako kasama ng pagbaba ng ballpen niya. "'Di ba may Sampu kang chocolate tapos inalok mo ako ng apat. Ten minus four equals to six, ano'ng mali do'n?"

"Inalok lang naman kita hindi ibig sabihin no'n bibigyan talaga kita," humagalpak ako ng tawa habang si Kira naman ay inilingan lang ako at siniko ng bahagya.

"Ewan ko sa 'yo." ngumiti siya sa akin. "Sana ayos ka pa,"

"Kira!" malakas na sigaw ni Seb. Ang liit-liit ang tinis ng boses akala mo babae. "Si Nash, oh! Inaaway ako!"

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na!" tinanguan lang ni Kira si Seb.

Iba talaga ang klase ng pagkakaibigan nilang tatlo. Alam ko na medyo naiingit ako sa samahan na meron sila pero alam ko naman na hindi ako ipagpapalit ni Kira. Meron siyang ibang kaibigan bukod sa akin at meron din naman akong kaibigan bukod sa kanya kaya patas lang kami.

"Lyn?" kinalabit ko si Roselyn. "May nakita akong ukay-ukayan sa palengke kanina. Mura lang 'yong mga short!"

"Saan? Sa palengke?" tumango agad ako. "Bili tayo,"

Minsan kahit masungit iyan si Roselyn at iniintindi ko na lang dahil grabe rin ang pinagdaan niya. Kahit minsan alam ko na naiinis si Kira kay Roselyn ginagawa niya na ang ikalma ang sarili. Sobrang bait lang talaga ni Kira kaya hindi ko alam kung bakit maraming nanlalait sa kanya.

"Jacky," napaangat ako ng tingin ng biglang tumawag sa akin si Che.

"Oh?" tanong ko. Nakaupo kasi ako sa lapag sa labas ng room dahil hindi pa kami makapasok dahil nasa adviser namin ang susi ng room.

"Tabi tayo mamaya?" tinabihan niya ako niya ako sa lapag habang nakangiti siya sa akin. "Wala yata ngayon si Sarah." Ang kasama niyang transfer sa upuan niya.

"Lagi naman kasing absent 'yon, e." pagdadahilan ko. "Tuwing periodical exam lang pumapasok! Ang lupit!"

Tinawanan niya lang ako. Ewan ko ba roon kay Sarah, unang linggo ng pasukan nakompleto niya tapos sa kasunod na linggo tatlong beses na lang siyang pumasok hanggang sa isang linggo wala na siyang pinapasukan. Tamad talaga siyang pumasok.

"Aalis lang ako," ayan na naman si Sir-ang MSEP teacher namin na lagi na lang nagpapalista ng noisy tapos papaluin niya ng stick. "Secretary?"

"Sir!" sigaw ng secretary naming maliit. Magkasing-height lang siguro sila ni Seb-bagay sila.

Paper And Pen (Elementary Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin