From: Matmat

nag-dinner ka na ba?

I had eaten a meal with Axel, yet I still feel hungry. Walang kabusogan ang tiyan ko!

From:

i cooked chicken adobo :) i'll go there in front of your house.

I unconsciously smiled after reading his reply. Takte, matitikman ko ulit luto niya! Lumabas kaagad ako ng bahay kahit basa pa ang buhok at binuksan ang gate at doon ko nakita na palapit na siya papunta sa amin, dala ang pagkain.

I smiled widely when he was in front of me. I accepted the food. "Thank you, Matmat," I uttered sincerely. I looked at him deeply in the eye. "Salamat, ha? Kasi kahit busy ka, nagawa mo pa rin magluto para sa akin... Pakiramdam ko, napakahalaga ko sa 'yo," pahayag ko.

He ruffled my hair, smiling. "Mahalaga ka sa akin, Aemour. Hindi ako magsasawa na paglutuan ka."

I pouted. "Pero... hindi naman kailangan na lutuan mo ako palagi... Baka kasi, naiistorbo ang pag-aaral mo. Imbes na nag-rereview ka, nagluluto ka para sa akin," mahinang saad ko at napayuko.

He held my chin up and darted his eyes at me. "I always cook, Aemour." He chuckled. Agad nag-init ang pisngi ko. Ayan, masiyadong feeling akala mo sa 'yo lang! "You don't have to worry too much, hmm? Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko, kung 'yan ang inaalala mo." He moved forward, closing our space in between. "Remember that I always do my priorities... and you're one of them."

I bit my lower lip to stop myself from smiling. "O-Okay."

Hindi na kami nagtagal sa labas dahil pinapasok na niya ako sa loob ng bahay. Sakto at ilang minuto ang nakalipas ay narito na rin si Ate.

"Nabenta ko 'yong benteng pirasong puto flan na ginawa mo. Ayos, ah!" bungad ni Ate nang makapasok, habang tinatanggal ang kanyang sapatos. Inabutan niya ako ng pera nang sinalubong ko siya. "Ang galing ko magturo," pamumuri niya sa sarili.

"Wow," sarcastic na sabi ko bago iyon tinanggihan. "Sa 'yo 'yan, Ate, pinaghirapan mo 'yan." Natawa ako. "May dinner na tayo," sambit ko sa kanya.

Binalik niya ang pera sa bag bago dumiretso ng kusina at tinignan ang luto ni Matmat bago umupo. Ni-ready ko na 'yung plato at utensils niya. "Expert," she commented when we started eating.

I chuckled at her remarks. "Asawa ko 'yon, eh." Napangiti ako nang ngumiwi si Ate.

Nang matapos kumain ay pinilit pa rin niyang ibigay sa akin ang kinita niya. "Mabilis kang matuto kaya ayan, nakakatulong ka kay Ate." She handed me the money while I'm doing my project in my room. She's stiitng at the side of the bed and I was on the floor, making my patterns.

But still, I have a lot of things to learn. Madali raw ako matuto but I can't do these things without someone's help. Tinulungan ako ng mga taong nasa paligid ko na paniwalaan ang aking sarili. Na kaya ko. Na andiyan lang sila, handa akong suportahan at turuan sa mga bagay na nais gawin o malaman.

I tsked and looked at her. "Ate, naman. Sa 'yo nga 'yan. Kumikita naman ako ng sarili ko." I shrugged my shoulders. "Tumulong ako... pero ikaw pa rin ang mas nagpakahirap..." Muli akong bumaling sa ginagawa.

"Malaki ka na nga." I heard her sigh. "Hindi ka na mukhang pera." Malakas siyang tumawa at natatawang napairap na lang ako.

Kinabuksan ay tinuruan ko si Matmat ng basic stitches sa bahay nila dahil nais niya rin daw ito matutunan at hindi rin kasi siya busy. Nag-demonstrate ako sa isang tela ng mga tahi at ipinakita ko 'yon sa kanya. Hindi ko alam pero mas lalo akong na-in love nang makita kung gaano siya kaseryoso habang pinapasok 'yung sinulid sa butas ng karayom, habang suot ang specs niya at nakasando pa! Hindi ko kinaya, eh!

In Time (Twist of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon