Simula

148 23 14
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Memories

"Did you even regret loving me? Alirah, nasasaktan din ako. Pero... sige... gawin mo hanggang sa mapagod ka." Aniya, na sa loob ng limang taon hindi na siya mismo ang nakahanap saakin, kundi tadhana na ang nagtagpo para sa aming dalawa. He knew it. Kaya umuwi siya ng Pilipinas dahil alam niya, alam niyang dito niya ako makikitang muli sa tulong ng mapaglarong tadhana.



"Please say a word. Mababaliw na ako.... ilang taon akong naghihintay, ilang taon kitang hinanap." Dagdag niya pa.



"Oo! I regret loving you. Masaya ka na?!" nagtiim bagang siya ng sinabi ko.



"Then, why were you looking me like you're still in love with me? Why were you making me get your attention with that look." Lumapit siya sa akin at umaaksyong kukunin ang kamay ko pero inunahan ko na.





"I don't love you! Wag mo ng ipilit ang sarili mo. Napapagod na ako sayo!"




Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang hinang hina at puno ng luha. Yon nga lang unang beses ko siyang nakitang lumuhod na sa harap ko. Ang sakit ng puso ko. Limang taon ang sakit sobra.



"Say it again." He was kneeling in front of me. Sarcastically laughing but in pain.





Hindi ako nagsasalita, pinipigilan kong umiyak para sa paninindigan ko sa lahat ng mga nasabi ko.




"Say it again!" Nasa galit na ang boses niya. Puno ng luha ang mga mata at pagod ng magmakaawa.





"I said... I don't love you. Pagod na ako sayo." Mahina ko yong sinabi. "Masaya sana na ikaw at ako pero hanggang dito na lang tayo. Wag mo na akong antayin dahil sa tuwing ginagawa mo yon, ako ang napapagod para sayo."





"Ang dali lang para sayo na iwan ang damdamin ko. Ang dali lang na iwan ako... ang dali lang ng lahat para sayo, Alirah. Yang sinasabi mo... mahirap para saakin. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag aalis ka, mawawala narin ka agad ang nararamdaman ko para sayo. Maiiwan yong sakit at kirot, Alirah. Maiiwan yong pagmamahal ko sayo." He was crying, nakaluhod parin.





"Get up-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad syang tumayo at niyakap ako. Nagsalita at piniling hawakan ang kamay ko.





"Please, bawiin mo ang sinabi mo, please. Mahal mo pa ako. Hindi ba nangako tayo noon? You said we will build together our dream house? Para sa mabubuo nating pamilya. Diba?" Hindi ako tumitig sa mga mata niya, mga mata niyang desperadong makarinig ng salita saakin.



"Stop... making things complicated. Ilabas mo na ako sa buhay mo. Kalimutan mo na ako... kalimutan mo na ang mga pangakong nabuo natin noon. Mananatili na lamang mga ala-ala ng kahapon ang lahat ng 'yon. Wala na iyong silbi. Ala-ala na lamang yon ng maling pagmamahalan natin. So, let me out of your life. Kaya nga iniwan kita at hindi na nagpakita!"



He laughed a bit. Biting his lower lip and spoke. "Gusto kong marinig yang nararamdaman mo pero ba't ang sakit? Alirah... unti-unti na akong naniniwala sayo. Please naman bawiin mo lahat ng mga nasabi mo. Please?" Anito.



Hawak niya ang kamay ko at sa pagkakataong 'to tumitig ako ng matapang sa mga mata niya at nanindigan. Kinuha ko ang kamay kong hawak niya. Habang siya patuloy na bumuhos ang mga luha. Umiling siya at ayaw maniwala.




"You still love me. Right?" He said. Patuloy ako sa paglayo sa kanya. Hinabol niya ako at niyakap.




"Let go of me, Ian! We're done! Hindi kita mahal!"




"Damn! Nakikipaghiwalay ka sa akin ng hindi ko alam ang rason sa loob ng pitong taon?! Mababaliw ako! Ano bang maling ginawa ko? You wanted me to become an engineer para parehas tayo. I did that. Ano ba ang maling nagawa ko? Ano ba?! Alirah, hindi kita mabasa. Did I do something?" Pinapaikot niya lang ang usapan para hindi ako makaalis.




"Exactly. Abstract. Abstract yong reason ko. Hindi mo maiintindihan! Ang alam ko lang hindi kita mahal! So please... stop loving me! Hindi na kita mahal! Ayaw ko na sayo. May iba akong gusto! Sapat na ba iyon bilang explanasyon?! Pakawalan mo na ako! Hindi kita mahal. Ayaw ko na sayo. Inuulit ko, hindi na kita mahal! Wala ka ng espasyo sa buhay ko!" Walang kahit anong mali, lahat ng yon sinabi ko ng walang kaba at paghihinala.





Sa pagkakataong 'yon hindi na siya lumapit pa sa akin at dumuko sa iyak.





"Excuse me." Pagsasalita ko at tuluyan na akong umalis roon at hindi na siya nagsalita pa.





Nasa labas na ako ng akala ko tapos na ang lahat pero hindi. Hinabol niya ako at sa walang banda niyakap niya ako. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Huminto ang mundo ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.




Suminghap siya kakaiyak. In my life, akala ko totoo ang sinasabi nilang hindi iiyak ang mga lalaki, dahil ang tunay na lalaki, they were strong matapang sila at hindi sila basta basta iiyak. Pero si Ian, malalaman mong totoo siya lalo na kapag umiiyak siya. At ngayon iniiyakan niya ako at doble pang sakit ang nararamdaman ko dahil nakikita ko syang ganito.





"I still love you. Our memories was engrave in my heart. Hindi ko yon kayang kalimutan na lang. Hindi ko kaya." Umiyak siya ng husto habang yakap ako.




"Kailangan mo akong pakawalan, Ian, wala ng tayo. Wala na akong nararamdaman para sayo. Forget me. Kalimutan mo ang lahat ng nangyari sa'tin. Ibaon mo lahat sa limot." Tinulak ko siya at sumakay na ng tuluyan sa taxi.



Habang umalis na ang taxi,  gaya niya, pumapatak rin ang luha sa aking mga mata. He was kneeling there habang papalayo ako. Hindi ako lumingon sa likod pero kusang nakita ng mga mata ko ang nasa side mirror ng sasakyan. It was hell for him. I know that.




Everything he does is for my eyes only. Gusto kong maging engineer sya, ginawa niya. Gusto kong akin lang siya, ginawa niya pa rin hanggang ngayon. My life was starting heavier even more. Ang sakit. No matter how I was cruel to him, paulit ulit niya pa rin akong minamahal.




But even how cruel it was, I think yon ang makakabuti. Para sa akin, alam ko na magiging maayos ang lahat. Nights of September is cruel for me, then, I was dreaming about Ian. Pagkatapos ng pangyayaring yon, hindi na kami talagang nagkikita. All those that happen might be memories of the past. Naaalala ko lahat ng iyak niya at pangungulila. At ang tanging naisukli ko sa kanya ay ang mga masasakit na mga ala-ala at isa na dun ang nararamdaman niya.




His love for me is like days, matatapos ang taon pero babalik sa unang buwan. Matatapos ang lahat pero babalik pa rin ng kusa kung saan nagsimula. Pero hindi ako o kahit siya ang mga araw na 'yon na kusang bumabalik bagkus maaaring kami lang ang dinadaanan ng panahon at hindi kami ang may hawak nun.


This story is not yet edited, sorry for my ungrammatical, typos and error words.

Miss_Staream

Chasing Soul (Aliser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon