CHAPTER 74 (pt. 2)

Start from the beginning
                                    

Dahil sa tensiyong nararamdaman niya, hindi niya namalayang nakarating na pala sila JSA kung hindi pa sila binati ni Mang Bucho, ang butihing guard ng JSA.

Huminto ang kotse ni Francis sa parking lot malapit sa man-made lake ng JSA. That lake. Halos yata lahat ng pinaka-masaya at masakit niyang ala-ala kasama ang lawang iyon. Maipa-pinta nga itong lake na ‘to.

“Sharlene.” Tawag ni Francis sa kanya, nauna nap ala itong maglakad sa kanya. Tahimik siyang sumunod dito at nakita niya na nandoon sila Paul at Nash. Nakatayo ang mga ito, malapit sa malaking punong mangga na nagdala din sa kanya ng maraming ala-ala.

Nagka-tinginan ang tatlo nang makalapit sila ni Francis doon. Naiinis na siya sa ikinikilos ng mga ito kaya siya na ang pumutol sa katahimikan. “Magsalita na kayo, bakit niyo ako dinala dito at bakit mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mga mukha ninyo. May nangyari ba?”

“It’s Jairus.” Nash said in a tone that made her more worried than she already is.

“Bakit? Anon’ng nangyari sa kanya?”

“Walang nangyari sa kanya Sharlene.” Sabi ni Paul na halatang sinusubukang pakalmahin siya. “Kakarating lang niya sa Manila kaninang umaga galing Baguio.”

“Galing Baguio, sa rest house nila? Bakit nagpunta siya doon?”

“Tita Jean’s here.” Si Francis naman ngayon ang kumakausap sa kanya. “Actually, noong makalawa pa kami nandito sa Pilipinas. Napauwi kami dito bigla nang may balitang nakarating kay Ella at sa mga Aquino noong nakaraang linggo.”

“Balita? Ano’ng balita?”

“You wouldn’t understand. You don’t know her kaya ipapa---“

“Alam ni Sharlene ang tungkol sa kanya.” wika ni Paul habang inililipat ang tingin mula kay Sharlene papunta kay Nash.

And somehow, that gave her clue to what is really happening.

You don’t know HER. Pagkatapos ay ang biglang paglipat ng tingin ni Paul kay Nash. Iisa lang naman ang babaeng maaaring may kaugnayan kay Jairus, at alam ni Paul na si Nash mismo ang nagsabi noon sa’kin limang taon na ang nakakaraan.

“Do you mean---“

Nash nods knowingly at her. “Yes. This is about Selene, Sharlene. And she’s alive.”

Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Tumingin siya kay Nash para magtanong, pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. Naka-tingin lang din ito sa kanya na para bang naghahanap din ito ng kasagutan sa balitang iyon na nalaman nila. Paanong ang babaeng ilang taon nang patay, sa pagkaka-alam nila, ay bigla na lamang na lalabas na buhay? Hindi niya maintindihan, at hindi gumagana ang utak niya sa mga oras na iyon.

“Wait, paano mo nalaman ang tungkol sa kanya Sharlene?” Nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya, kay Paul at kay Nash. “You mean, all this time you know why Jairus…” nakita niya ang panginginig ng balikat at pagkuyom ng kamay nito. “Who told you about her?” tanong nito sa kanya.

“Francis, please calm down.” Nagpapasalamat siya at kahit papaano ay may lakas pa siya para sabihin iyon upang kumalma ito.

“How can I calm down, Sharlene?! All this time alam mo ang tungkol sa kanya, ang tungkol sa kanila ni Jairus, pero nanatili ka pa rin sa tabi niya! Kahit na alam mong kaya ka lang niya pinansin at niligawan ay dahil kamukha mo ang babaeng una niyang minahal!” inilipat nito ang tingin kanila Paul at napasinghap siya nang kuwelyuhan nito ito. “Now, can you tell me who among you two told her about Selene?!” 

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now