Akala ko ay saglit lang ako sa lugar na 'yon pero ilang taon din ang pananatili ko roon.

At nang sinabi ng doktor na puwede na raw akong i-release ay tuwang-tuwa ako dahil makakaalis na rin ako.

Malaking tulong ang ginawa ni mama sa akin at malaki rin ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa'kin.

Nagpapasalamat ako dahil napakaunawain niya at hindi niya agad ako hinusgahan.

Ni hindi ko narinig sa kaniya ang salitang 'baliw' o 'abnormal'.

Hindi gano'n ang turing niya sa'kin dahil katulad ng mga staff sa hospital ay normal ang tingin niya sa'kin.

Ang kaso nandiyan pa rin sila sa tabi ko since hindi naman nagagamot ang sakit ko. Hindi nila ako nilubayan simula ng pumasok ako sa hospital.

Naalala ko pa na may mga oras din na napapaaway ako sa hospital dahil na rin sa sulsol nilang tatlo. Nagagawa ko naman silang pagsabihan pero minsan talaga ay parang nakokontrol nila ang isipan ko.

Pero dahil sa experience ko sa hospital ay alam ko na ang gagawin ko sa kanilang tatlo. Kumbaga, kaya ko na silang i-handle.

"Hoy, Stephy. Saan na napunta 'yang utak mo? Sa Pluto?"

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan nang biglang magsalita si Ember.

"Ha? Ano?"

"Hatdog," inikutan muna niya ako ng mata at saka nagpatuloy. "ang sabi ko, saan ka pupunta? Teka, gagala ka no? Saan? Sa SM? EK? Star City? Uy, sama naman kami!" sunod-sunod niyang sambit.

Ako? Gagala? Never! Mamamatay muna ako bago pumunta sa mga walang kwentang lugar na 'yan. KJ na kung KJ pero ayoko talaga.

Kaagad akong umiling dahil baka isipin nila ay may pupuntahan nga talaga ako.

"Wala akong pupuntahan at hindi ako gagala. At saka, as if namang may choice ako kung sasama kayo eh kahit saan naman ako nagpunta nandiyan pa rin kayo."

Itinago ni Ember ang patalim niya sa likod niya bago lumapit sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Alam mo, Stephy, bebe girl, kung alam lang namin na maglaho sa buhay mo matagal na naming ginawa, kung sabagay nakakasawa na rin kasi 'yang mukha mo. No offense ha."

Hahalikan niya sana ang pisngi ko pero mabilis akong umiwas.

Napaismid ako sa sinabi niya. Wow. Ako pa talaga?

"Nahiya naman ako, 'di ba? Eh paano pa 'yung---"

Agad akong napatigil sa pagsasalita nang may biglang dumaan na lalaki.

Kunot-noo niya akong tiningnan. Napatingin siya sa paligid na parang may hinahanap. Agad din siyang tumalikod ng walang makita.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Nagpipigil ng tawa si Ember habang nakatingin sa'kin. Pero dahil wala siyang pake, nagpatuloy siyang kausapin ako.

"Pft. Huy, anong ginagawa mo. 'Wag mo ng pansinin 'yang epal na 'yan. Ano nga ulit 'yung sinasabi mo kanina?"

"Shh!"

Napakaingay talaga. Ayan at napansin ko tuloy siya.

Agad na napalingon ang lalaki kaya kunwari ay may binubugaw ako sa hangin.

"Bwisit na lamok! Shoo!"

Narinig kong tumatawa ang tatlo na tuwang-tuwa akong pinapanood dahil sa kashungaan ko.

Sige tawa pa. Makahigop sana kayo ng masamang hangin. Oh right, they're not capable of doing that because they're not fucking real.

'Di ko na lang sila pinansin at patuloy ang pagbugaw sa hangin.

Nang makuntento ang lalaki kakatingin sa'kin ay tuluyan siyang tumalikod pero bago 'yon ay narinig ko ang sinabi niya.

"Baliw amputa."

Mabilis na nag-react si Hale at itinuro-turo ang lalaki. "Aba! Tarantado 'yun, ah! Narinig mo ba 'yung sinabi niya? Stephy, sabihin mo lang at papatayin ko 'yon!"

Hinihingal niya kong tiningnan dahil sa biglaan niyang pagwawala pero kaagad ko siyang inawat nang akmang susugod na at susundan ang lalaki.

"Hindi na. Hayaan mo na. Ako 'yung sinabihan, hindi ikaw. Hindi kayo, okay?"

Tiningnan ko sila isa-isa. Napayuko at napanguso na lang si Cian. Umikot lang ang mga mata ni Ember samantalang tumalikod lang si Hale pero narinig ko ang galit niyang pag-ungot. Naghahanap na naman kasi ng gulo.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa nangyari.

"Uh, guys?"

Napatingin kami kay Cian na nakatingin sa pintuan na nakasiwang. Lumapit ako roon pero hindi ko naman makita ang loob dahil madilim.

"Bakit? Anong mayroon?" Kunot-noong tanong ko sa kanila.

"Tara, tingnan natin!" Tuwang saad ni Ember na agad kong tinutulan. Porket hindi sila ang mapapahamak.

"Anong tingnan? Walang titingin. Aalis na ko."

Paalis na sana ako pero biglang humarang sa harap ko si Ember. Ang babaeng ito talaga.

"Sige na! Tingnan lang natin kung anong mayroon sa loob tapos aalis na rin tayo! Please?"

Napairap na lang ako at napahinga ng malalim. Nauubos ang pasensiya ko dahil kay Ember. Actually, sa kanilang tatlo.

"Fine. Tingin lang, okay?"

Napatalon naman siya sa tuwa at nakipag-apir kay Cian.

Lumapit ako sa pinto na nakasiwang at dahan-dahan itong binuksan pati ang ilaw pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa'kin.

Napaatras ako at napahawak sa bibig dahil sa matinding gulat.

Mula sa kama ay may isang lalaking nakabulagta... na mukhang patay na.

They Made Me Do ItWhere stories live. Discover now