End

8 2 0
                                    

End♡
Shandrea P.O.V.

"Mommy.. may naghahanap po sayo." Tiningnan ko naman si Luciana. Ewan ko din ba dito sa anak kong ito. Kung kaya ko lang paluin ulit ito ginawa ko na eh. Sinabing ayos na ako dito sa bahay na mag isa--

"My! Si Tito Carlo daw po!" Huh?

Nang makapunta ako sa sala, nakita ko nga si Carlo. Ano naman kaya ang sadya niya ngayon? "Oh? Napadaan kayo?" Hirap siyang tumayo kaya inalalayan siya ni Christian na anak niya din.

"Huwag mong sabihin saakin na ilalakad mo iyang anak mo sa anak ko?" Parehas namang tumawa ang mga bata dahil sa sinabi ko. "Kumuha ka na muna sa kusina ng makakain nila tito mo." Tumango naman si Cian at sinunod ako.

"So, anong meron Carlo? Christian?" Tiningnan ko yung bulaklak sa lamesa namin. "Manliligaw ka ba sa anak ko?" Umiling naman siya kaya tiningnan ko ang tatay niya.

"AT HINDI NAMAN AKO PAPAYAG NA LIGAWAN MO ANG ANAK KO, CARLO!" agad na angal ko. Tumawa naman sila kaya pinalo ko ng tungkod si Carlo. Masyado namang matanda na si Carlo sa anak ko mas matanda pa iyan keysa saakin noh.

"Tsaka magkatrabaho lang po kami ni Christian ma! May mga jowa na kami noh!" Kinuha naman ni Christian at inabot saakin ang bulaklak at isang picture frame. Kinuha ko naman yung nakaipit na papel sa gitna.

Pakiramdam ko tuloy nagiging teenager ulit ako. Tiningnan ko naman si Luciana na pinapalo si Christian dahil sa sobrang tuwa. Nakuha niya din yung ugali ko na namamalo habang tumatawa.

'Batid kong hindi planado ang iyong pagdating
Hindi ko alam kailan nagsimula ang pagtingin
Tadhana na ba kumikilos para sa atin?
Oras nang simulan, kabanata natin

Tanggapin mo nawa ang pagguhit kong ito
Kaalinsabay ng mga tugmaang binuo
Ito na ang aking naramdaman, noong mga mata nati'y unang nagtagpo
Nahumaling, napa-ibig mo agad ako

Hayaan mo nawang magsimula na ang tadhana
Buuin ang ating mga kabanata
Na minsan nang maudlot dahil sa mapaglarong tadhana.

Binibini, iniibig pa rin kita"

"I already ask your daughter's permission. Anong sagot mo--"

"Oo naman na agad iyan tito! Di na iyan pabebe si mama HAHAHA" putol ni Cian sa sinasabi ni Carlo kaya tingnan ko siya. Sumasabat sa usapan! Hindi ko siya pinalaki ng ganyan!

"Ikaw ba si tita?! Hayaan mo munang magsalita--"

"Spokesperson niya ako! Bakit ba?" Hindi ko nalang pinansin ang mga bata na mag asaran at tiningnan ko si Carlo na nakangiti saakin. Ilang saglit pa ay tumayo na yung dalawa at agad na nagunahan palabas ng bahay.

"Sasabihin ko ginagawa mo kay Romaine, kala mo ha!" Sabi ni Cian at agad na tinulak palabas si Chris. Mabuti nalang pala talaga hindi natulad saamin ni Carlo itong mga bata.

"Parang masyado na tayong matanda sa ganito Carlo.. may mga anak tayo na kailangan--"

"Don't pretend na hindi mo alam na alam ng mga bata ang tungkol saatin.. hayaan mo namang tapusin naman ang kwento natin na masaya.." umiling ulit ako. Ewan ko din ba kung sinabi niya sa mga bata ang nangyari saamin noon o ang mga kapatid ko ang nagsabi sa kanila.

Naging magkaklase si Chris at Cian sa grades school kaya nagkita ulit kami ni Carlo. Wala na din siyang asawa non dahil sa panganganak kay Chris. Nabawian naman si Lester limang taon palang nakakalipas dahil naman sa sakit sa puso.

"Paano ang asawa mo? Asawa ko?--"

"They're both death, Shan.. atsaka there's nothing wrong being in relationship at this point..." Simula din naman nung lumipat sila para makapag aral siya sa kolehiyo, hindi na kami nakapag usap. Masyadong marami din akong iniisip dahil sa sabay na pagkawala ni mama at papa.

Simula din nung nagkita kami na ininvite ko siya sa kasal namin ay hindi ko na siya nakita. Hindi nga siya pumunta sa mismong araw ng kasal namin pero nagpadala naman siya ng regalo at sulat. 

Parehas naming gusto ang isat isa pero dahil sa mga nangyari, kahit gustuhin man naming ipagpatuloy kung ano ang meron saamin ay hindi namin nagawa. Siguro wala naman din talagang masama kung --

"Oo na daw agad tito! Ito si mama pakipot pa! Para mautos utusan ko si Chris maghugas! HAHAHAHAHA"

Pagkatapos ng kalahating buwan na paghahanda namin ay kinasal na kami ni Carlo. Hindi nga ako pumili ng mga kailangan dahil gusto ni Cian na siya ang pipili para kapag kinasal daw siya alam na niya.

"Ikaw pa rin talaga kahit anong mangyari..
Ikaw pa rin ang makakasama ko hanggang matapos ang kwento."

Ps. Dapat last na iyon kaso.. yung nagpagawa gusto niya pa daw and someone also gave me a drawing of our 'ikaw pa rin' cover! :>>> pagbigyan na natin!

~Thank you po ulit sa pagbabasa! We may not know each other po but I really appreciate all of you! I sincerely feel the love and support that you gave to me! Choss

For more stories, you can follow my Facebook page
• Ghellean Writes.

For my personal FB account bahala na kayo maghanap HAHAHAHA!

Thank you po!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now