Chapter 7- Too much to celebrate (part one)

Start from the beginning
                                    

"Ha? walang gutom-gutom sa 'kin." sabi ko sakaniya at nagkunware aalis na at sasamahan siya sa birthday party na sinasabi niya. 

"Gago, bagay nga kayo ni James." I smiled. Dahil ilang salita lang naman pero kilig ako sa part na 'yun. Tanggap na ako ng kapatid niya at mga kaibigan niya, siya nalang hindi!

"G ka ba talaga? around manila lang naman yung kainana. Hindi mo naman kailangang mahiya dahil kami kami lang naman. Nandoon naman si James, e. Hindi ka papabayaan noon." pangaasar niya lalo sa 'kin. Hindi ko nga din alam paano niya nalaman na crush ko kaibigan niya e. 

"Ngayon na ba? sige lang. I'm very free." sabi ko at hinawakan ang puso ko parang dama dama ang free. 

"Hintayin nalang natin si Ashey, tapos aalis na tayo. Tayo nalang hinihintay" sabi niya at nagkibit balikat. 

"Ikaw yung may birthday? tapos ikaw nalang hinihintay?" sabi ko at tumingin sa kaniya habang inaasar siya. 

"Si ashey kasi talaga yung hinihintay. Nagpa sundo sundo pa, tas nung dumating ako wala pa. otw raw." napatawa ako sa pagpapaliwanag niya. Dahil detalyong detalyo. 

"Nandito na 'ko, next topic." biglang pag singit ni Ashey at napatingin ako sa suot niya... hindi naman siya yung may party ah??

"Ang bagal bagal mo talaga" pag rereklamo ni Chard habang papunta kami sa sasakyan niya. 

"Nagmamadali ka ba?" she fired back and stopped walking. Napalunok ako sa takot! Nakakatakot naman siyang magalit parang mangangagat. 

"Nagmamabagal ka?" sabi ni Chard at tinaasan pa nito ang kilay niya. Ganito pala sila mag bonding? 

Yung isa parang mangangagat, yung isa parang parang papatayin ka ng walang ka weapon weapon. 

Dumating kami sa isang house club, bago pa kami makarating dito ay ang ingay ng sasakyan. Ang hilig nilang mag bargaduhan, kahit ganoon ay sinali nila ako sa bargaduhan nila. Ewan ko rin ba sa na trip nila at bakit pa nila ako sinali. 

Once we entered the club house, agad silang nag tinginan sa 'min. Literal na sabi ni Chard yung kami-kami lang. It was just his squad, and me joining in. 

I saw how James' facial expression changed as soon as he saw me carrying a box of pizza. Tinulungan ko kasi sila Chard mag buhat ng ibang pagkain. 

"Oh? bakit ang tahimik niyo?" fkat na sabi ni Asey at inalis niya ang suot suot niyang sun glasses. 

"Oh? ano naman?" pambabarang sabi ni Eisen at tumayo at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya pa ako sa braso. "Totoo po ako." sabi ko at matipid na ngumiti. 

Napatawa sila, habang ang mga mata ko ay nakatingin pa rin Kay james, kahit hindi siya nakatingin sa 'kin. 

"May dala kang halaman ngayon?" pagtatanong sa 'kin ni Eisen at inayaya naman akong umupo sa tabi niya, pero katapat ko naman si James. 

"Thala, ito si sierra. Ang gaganda kamo ng mga binebenta nilang halaman at bulaklak. Sa sobrang ganda na in love si James. " walang prenong sabi ni Eien at palipat lipat ang tingin sa 'kin at kay thala. 

"Hi, I'm Thala." sabi niya sa 'kin at ngumiti. Sobrang feminine niya at ang hinhin parang hindi kamo bagay na magkasama. 

"Sheelina Sierra. Most people call me sheelina. " maikling sabi ko at halos lahat sila ay tumingin sa 'kin at ang tatahimik nilang lahat. 

"Hala sheelina pala" sabi ni Ahsey at nagtakip pa ng bibig sa gulat.

"Oh 'ayan nadali mo." sabi ni Aney ang simula na siyang kumain ng pizza, ganoon rin si James. 

"Okay lang naman, ang ganda ganda nga ng name ko e" sabi ko at nag smula na rin kumain.

"Oo nga ang ganda lalo na kung ilalagay ang Flores sa dulo." Sabi ni Ashey at tuminginpa kay James hinihintay ano ang mgiging reaction  niya. 

Tumungo ako, dahil natatakot ako sa kung ano man ang reaction niya, mabuti nalang ang pagiging crush lang. 

Nag kwentuhan sila, pa minsan minsan ay binubuking rin si James kung ano mga ginagawa niyang kalokohan nung high school. As pexpected hindi ganoon ka rami dahil hindi naman halata na magagwa niya ang mga bagay bagay. 

"Hi babii" pangaasar ko sakaniya at tumabi sa kaniya. 

"Birthday ko, walang maglalandian." Malakas na sabi ni Chard at ngising ngsisi nang tignan ko siya. 

"Hindi nga ako maka landi, e." Pag rereklamo ko at bahagyang tumawa.

"Ang pa bigat mo na ka-group. Ang hirap hirap mong landian. Sususko na ba ako?" pang aasar ko sakaniya habang nakatingin ako sakaniya. 

"Ni hindi mo nga yata alam pa ngalan ko, e." mahinang sabi ko at pinagmasdan na lang ang mga halaman sa harapan namin. 

"Ang peaceful talaga tignan." Napatingin ako sakaniya, dahil sa halos kalhating oras kaming nakaupo dito ay ngayon lang siya nagsalita.

"Sheelina Sierra A. Arellano." sabi niya na halos malaglag ako sa upuan nang sabihin niya iyon. Pucha? paano niya nalaman ang buong pangalan ko? stalker ba siya?

"I'm not a stalker, I saw your ID the first time we've met." sabi niya at nag kibit balikat bago ako tignan. 

"Your name is too long if I would call you with your full name. How shall I address you?" He looked at me with no expression at all. Hindi man lang nag pretend na concern na ginoo. 

"Sorey for not introducing myself properly. We actually have no proper introduction." He formally said.

Nakakainis naman, ang formal formal. Para namang others.

"Sheelina? Sierra?" he said and tilted his head, thinking what should he call me. 

"babii." sabi ko sakaniya at bahagayang kumunot ang noo niya. 

"That's how you should call me. Call sign natin 'yan. Wag kang papayag na may ibang tatawag sa 'yo niya." Sabi ko at ngumiti na abot sa tenga. 

I giggled, upon him not having any violations or any second emotions. 

"Okay, babii." 

.//.

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now