Chapter 11

4 2 0
                                    

"Nasa apartment lang ako. Magluluto ako ng chicken barbecue. Hihintayin ko kayo," sabi ko sabay baba sa mobile phone.

Kaya ko namang ayusan ang sarili ko pero iba pa rin talaga kapag may mga kaibigan kang katuwang sa mga ganito.

I tied my hair in a messy bun at kinuha lahat ng ingredients at mga gagamitin para sa lulutuin kong putahe.

Ibinabad ko muna sa tubig ang frozen na manok habang naghihiwa ako ng kakailanganing mga ingredients.

Pagkatapos kong mahiwa ang lahat ay mayamaya din nang lumambot ng manok kaya sinimulan ko nang magluto.

Una kong nilagay lahat ng mga rekado gaya ng sibuyas at bawang, paminta, asukal, soy sauce, oyster sauce at kaunting suka. Nilagyan ko rin ng pineapple tidbits at juice ang manok bago ko isinalang sa apoy at hinayaang maluto.
This dish doesn't need griller, kahit nasa pan lang siya ay maluluto siya dahil sa marenade at mga pampalasa na nilagay ko.

Mamayang 6:30 PM pa ang dating nina Addie kaya may dalawang oras pa akong mag-prepare ng kakainin.

Nang maluto ang ulam ay nagsaing kaagad ako ng kanin. Apat na takal na bigas dahil may pagka-patay gutom ang mga kaibigan ko except kay Tati na mino-moderate lang ang pagkain to maintain her figure.

This is our go-to-food lalo na kapag nagtitipon-tipon kami kagaya nalang nito.

Nang maluto na ang kanin ay inilagay ko kaagad ito sa ibabaw ng dining table kasama ng manok. Gumawa ako ng iced tea na perfect sa pagkaing nasa hapag.

After awhile, Addie came at may tagahatid pa. Taray!

Hindi ko pinahalata sa kaniya na nakita ko siyang kinintalan ng halik ni Santi sa noo pero nang pinagbuksan ko siya ng pintuan, hindi na ako natigil sa panunukso sa kaniya at ang gaga, namumula.

"Mahal mo na? Yieeeeee," tili ko at tinutulak-tulak pa siya. "Haba naman ng hair. Naka-rejoice ka ba, girl?" panunukso ko at kunwaring binuhat ang napakataas niyang imaginary hair. "Rapunzel yarn?" pahabol ko pa.

Hindi umimik si Addie at nginingitian lang ako. Kunwari walang naririnig at iniiba nalang ang topic.

"Ito oh," sabi niya at inilagay roon sa mesa ang isang llanera ng paborito kong leche flan.

Napatili ako sa dala niya kaya hindi ko na siya tinukso pa.

Pansamantala naming hinihintay sina Hope at Tati na kanina pa nakapag-text na, 'on the way' na daw. Hindi pa ako sanay. Nasa Pilipinas nga pala ako. Hindi na ako nagreklamo kasi alam kong I also did the same kapag may mga ganito o kahit sa klase pa man.

5:40 PM nang makarating si Hope sa apartment at sinundan naman ni Tati.

"Walang magce-cellphone sa hapag. Itago n'yo na 'yan kung ayaw ninyong kunin ko 'yan," banta ni Addie na kaagad namang sinunod nina Tati.

Tatiana started with a prayer and after that, our tummies feasted with the food in front.

"Ally, can I bring some sa house? I also want them to try this at home." It was Tati na hanggang ngayon ay amazed at nasasarapan pa din sa luto ko.

Siniko ako ni Hope. "Wala ka bang reeb, diyan?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala. Kaya tumigil ka na kakainom. Mag-iced tea ka nalang, hoy!"

"Oh, Ally? Ang liit lang ata niyang kinuha mo?"

"Okay lang, Addie. Kakain pa ako kina Kyto mamaya."

Charms Of FaithOnde as histórias ganham vida. Descobre agora