Kabanata 4

235 17 0
                                    

"0210? Anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Clare kay Jeff.

"Wala din akong alam, Clare. Karumaldumal ang ginawa niya kay Hannah." Maraming kaklase ni Hannah ang naghihinagpis sa sitwasyong nakikita nila.

"Kung wag kaya tayong tumunganga dito? Hanapin na natin yung tinutukoy na ginto," sabi naman ni Nicole na nagsisimula ng maghanap.

"May hawak siya." Turo ng isang estudyante. Napatingin naman sila sa nakayukom na kamay ni Hannah na pawang may hawak-hawak. Nilapitan ito nila Jeff at tinangkang buksan. Ngunit kagaya ng gwardya ay matagal na itong patay. Nilinlang sila ng pumapatay.

"Naisahan na naman tayo. Ano? Puputulin ba natin ang kamay niya?" Suhestiyon ni Jeff habang pilit pa rin na binubuksan ang kamay ng dalaga. Walang nagsalita o kumibo. Lumapit si Kyle sa bangkay.

"Sa tingin ko hindi sa kamay nakalagay," sabi nito habang tinitignan ang tiyan ni Hannah na puno ng candy.

"Mukhang matalino ang pumatay kay Hannah kaya hindi siya ganoon kabobo para ilagay ang sagot sa tula sa paraang makikita natin agad." Saad ni Riye. Tumango-tango ang mga nasa paligid. Halos lahat ng natitirang buhay sa paaralan ay naroon.

"Hanapin natin sa iba," saad ni Jeff. Nagsimula na ang lahat maghalughog sa silid. Hindi nila alam kung anong klaseng ginto ito pero patuloy sila sa paghahanap ng kung ano mang ginto.

"Nakita ko na!" Sigaw ng isang estudyante at lahat ay pumunta sa kinaroroonan niya. Tinuro ng estudyante ang isang maliit na kahon at pumunta naman dun sila Jeff. Pagkabukas nila ay may nakita silang gintong singsing.

"Ano namang gamit nito?" Taas kilay na tanong ni Nicole.

"Napakagaling mga bata! Isa kayong huwarang mga estudyante. Ang tanong, anong gagawin niyo dyan?" Umalingawngaw sa paaralan ang boses ng killer. Nangilabot ang lahat. Tawa ng tawa ang killer sa kagaguhang nakita niya.

"Hindi ito ang gintong tinutukoy. Mali ito. Mali," sabi ni Clare na nanginginig.

"Kumalma ka, Clare," Pag-aalo sa kanya ni Jeff. "Maling ginto. Anong ginto? Ano ba ang gintong kailangan namin?" Pagiisip niya ng malalim.

"Mga inutil. Antanga naman natin para isiping literal na ginto ang tinutukoy. Puta!" Sigaw ni Nicole. Gigil na gigil na talaga siya.

"Hindi makakatulong yang ginagawa mo, Nicole. Kung maghanap ka na lang rin kaya? Tingin mo ikaw lang ang hindi makapagisip ng maayos dahil sa mga nangyayari? Puwes, hindi! Lahat tayo nanggigil na dito sa gagong gumagawa nito!" Inis na tugon ng isa.

Bigla na lamang napuno ng tensyon ang lugar dahil sa pagtatalo ng dalawang estudyante.

"Eh gaga ka pala eh. Sa tingin mo ba magsasalita ako ng ganun kung hindi ako tumutulong?! At ikaw!" Turo ni Nicole sa estudyanteng nagsabing nakita na nito ang ginto.

"Tanga ka ba?! Paano tayo makakalabas gamit ang singsing na yan?! Ang gintong tinutukoy ay susi! Susi!" Sigaw nito sa lahat.

"Ikaw nakaisip ba't 'di mo hanapin?!" Kumukulo na talaga ang dugo nila. Walang makapigil sa kanila.

'Di nila iniisip ng mabuti ang bawat salita nila at kusa na lamang itong lumalabas sa kanilang bibig dahil sa depresyon at paghihirap na kanilang dinadanas ngayon.

"MANAHIMIK NGA KAYO!" galit na galit na si Jeff, kinakalma naman siya ni Clare.

"Mas lalong hindi tayo matatapos kung puro kayo ganyan," humunga ito ng malalim, pilit na kinakalma ang sarili. "Hanapin na natin ang susi,"

Napabuntong hininga na lamang si Nicole at sinimulang hanapin ang susi na sana naman ito na talaga ang sagot para makawala sila sa impyernong ito.

"Alam ko na kung saan natin hahanapin!" Sigaw ni Kyle na hindi umalis sa tabi ng bangkay ni Hannah.

"Teka. Ibig mong sabihin... Dyan? Sa katawan ni Hannah natin hahanapin ang susi?" Diring-diring saad ni Riye.

"Oo. Sa tiyan niya to be exact." Balewalang sabi ni Kyle. "Eew," sabi naman ni Gabrielle.

Marami ang hindi kinaya ang sinabi ni Kyle. Ngunit isa na lang ang tumatakbo sa utak ni Nicole ngayon, ang makuha ang pesteng susi.

Malalaking hakbang ang kanyang ginawa upang mapalapit sa katawan ni Hannah.

Walang alinlangang inalis nito ang mga candy sa tiyan.

Wala siyang paki kung matilamsikan siya ng dugo habang hinahalukay ang tiyan nito. Nilabas niya lahat ng inis niya sa paghahanap ng susi sa tiyan ni Hannah hanggang sa isang matigas na bagay ang bigla niyang nakapa.

Puno ng pandidiring tiningnan ng mga tao sa paligid si Nicole habang hinahalukay ang tiyan ni Hannah ngunit natigil sila nang makitang may hawak na itong susi.

"Eto na. Masaya na kayo?" Pagtataray niya. Hinagis niya ang susi kay Jeff na agad naman nitong nasalo sa kabila ng pandidiri niyang nararamdaman.

Ngumisi lamang si Jeff at itinaas ang susi.

"We found it you moron!" Sigaw nito. Tinutukoy ang pumapatay.

Inaabangan nila na tumunog ang speakers ngunit wala silang narinig. "Ano na?! Ito yung ginto mong sinasabi diba?! Palabasin mo na kami dito, hayop ka!"

Ngunit sariling boses pa rin nila ang kanilang naririnig. Nakakapagtakang hindi na tumunog muli ang speakers

"Tara na." Sabi ni Kyle. "Sa tingin ko nagsisimula pa lang siya." Sinundan nila ito hanggang sa makarating sila sa gate ng paaralan.

Kinuha ni Kyle kay Jeff ang susi at tangkang bubuksan ang isa sa mga kandado ngunit natigilan siya.

"One mistake is equal to one's death." Narinig niya sa kanyang isipan. Hindi dapat siya magkamali sa kandasong sususian.

Paano niya nga ba malalaman kung anong kandado ang dapat susian? Magisip sa ibang anggulo. "Kuya Jeff, ikaw na magbukas." Binalik niya kay Jeff ang susi, alam niyang mabubukas ito ni Jeff.

"Bakit? Anong problema?" Tanong nito habang kinukuha ang susi.

"Matalino kang bata, Kyle. Marunong kang mag-isip. Hahaha." Narinig na naman nila ang boses ng killer.

"Dahil diyan bibigyan kita ng regalo. Mamayang gabi, pumunta ka sa canteen ng ikaw lang mag-isa. Palalabasin na kita dito." At tumawa ito muli.


The Truth about our ClassWhere stories live. Discover now