Kabanata 2

423 21 9
                                    

"I'm Cristal Romero... I'm Cristal Romero... I'm Cristal Romero..."

"Cristal..." Lalong lumakas ang hagulgol ni Darlene. Nanginginig na din sa takot si Mae Lin.

"Hindi... hindi ako yung pumatay. Hindi ako, hindi ako. Hindi ako ang pumatay. Hindi." Paulitulit na pahayag ni Mae habang inaalo siya ni Ayen.

"Shh... tama na. Naniniwala akong hindi ikaw ang gumawa. Tama na, Mae." Nagsimula na ring magiyakan ang mga tao sa paligid. Natigil lang ito ng pumalakpak ang presidente ng klase, si Elisa Neri.

"Kumalma kayo, guys. Ipapaalam ko lang sa adviser natin ang nangyari. Maupo muna kayo." Lumabas siya sa silid. Kumalma ang lahat maliban na lang kay Darlene na tuloytuloy pa rin ang pagiyak.

Ngunit, makaraan ng ilang minuto humahangos na bumalik si Elisa sa loob ng silid. Namumutla't pawis na pawis. May bahid ng dugo sa kanyang uniporme at kamay. Nagulantang ang lahat, lumapit si Candace sa kanya.

"A-anong nangy-yari s-sayo?" Nanginginig na tanong niya.

"Pa-patay na sila... w-wala na sila..." At bigla na lang itong humagulgol. Napatingin ang lahat sa kanya, biglang tumakbo si Darlene kasama si Michael pababa ng ikalawang palapag. Nadatnan nila ang gurong nakahandusay sa hagdan. Nasa labas ang mga estudyante, may ilang humahagulgol, may ilang natulala at may ilang kalmado lamang katulad na lamang ni Jeff Sanchez, isang 4th year.

Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit bakas sa mukha ang pagaalala.

"Okay lang ba kayo? May nasaktan ba sa inyo?"

"M-may namatay na p-po, si Cristal Romero." Hindi kinaya ni Darlene ang emosyon. Humangos siya pababa patungo sa gate paaralan. Sumunod sa kanya sina Michael at Jeff.

Bawat madadaanan niya ay may makikita siyang bangkay ng mga estudyante, guro, faculty at utility staff, at ang kanilang punong guro ay nakita nilang nakasabit sa puno ng talisay. Nang makaabot siya sa gate, nagulat sila ng makitang punong puno ito ng kandado mula taas hanggang baba. Nakita nila ang gwardya ng paaralan naduguan at hawak ang mga susi.

Nilapitan ito ni Jeff at pilit na kinuha ang mga susi ngunit hindi niya ito makuha.

"Tangina, tumigas na siya. Malamang dahil sa Rigor Mortis. Kanina pa siya patay, shit."

"Anong gagawin natin? Paano tayo makakalabas?" Tanong ni Michael.

"Wala na tayong magagawa pa, kailangan na nating putulin ang kamay niya." Napalingon sila sa nagsalita, isa sa mga kaklase ni Jeff, si Nicole Reyes.

"Paano natin gagawin iyon?" Tanong ni Jeff.

"May lagare sa shop ng carpentry. Tara, puntahan natin." Naglakad na sila patungo sa sinasabing lugar ni Nicole. Ngunit habang naglalakad sila, may makikitang iba't-ibang estudyante mula iba't ibang lebel.

Karamihan ay nakahandusay at duguan. May ilang nakasabit sa puno. Maraming umiiyak at humihingi ng tulong.

"SINONG GAGO BA ANG GUMAGAWA NITO?!"

"ANAK NG TEKWA! TUMIGIL KA NA KUNG SINONG HAYOP KA!"

"ITIGIL NIYO NA ITO!"

"TANGINA!"

Nilapitan sila ng isang third year student na si Shawn Tuason.

"Patay na si Cynth. Sino ba ang gumagawa nito?"

Nagsalita si Jeff, "Di pa namin alam pero gagawa kami ng paraan para malaman."

"Sa ngayon kailangan muna naming pumunta sa carpentry para kumuha ng lagare. Kung gusto mo, sumama ka." Nagsimula na silang maglakad papunta sa carpentry. Halos masuka-suka si Shawn nang makita ang duguang katawan ng isang baklang propesor ng paaralan.

May nakatagang matulis na bagay sa bawat daliri nito. Ang katawan ay mistulang ekis habang nakahandusay. Ang kaliwang tenga nito ay nakaipit sa bench vise.

Halatang-halata sa mukha nito ang hirap na dinanas bago mamatay. Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad sila Jeff para kunin ang lagareng bakal na gagamitin nila sa pagputol sa kamay ng gwardya.

Maraming tumingin sa kanila nang lumabas sila ng silid. Karamihan ay sinusundan lang sila ng tingin, ang iba naman ay sumusunod sa kanila. Nang makarating sila sa kinaroroonan ng gwardya, nakarinig ng mga singhapan nang lumapit si Jeff sa katawan ng gwardya at putulin ang kamay nito.

Kinuha ni Jeff ang naputol na bahagi at lumapit kay Nicole. "Sayo ko na ibibigay. Maghuhugas lang ako ng kamay."

Kinuha ni Nicole ang kamay at lumapit sa gate. Pilit niyang binuksan ang kandado nito ngunit hindi gumana. Nagulat na lamang sila nang marinig ang tilian ng mga third year.

Nakahandusay si Shawn, punong puno ng dugo sa ulo.

The Truth about our ClassOù les histoires vivent. Découvrez maintenant