Kabanata 3

331 21 0
                                    

"Two down, more to go. Handa na ba kayo?"

Nangilabot ang lahat nang marinig ang kakilakilabot na boses mula sa speaker ng paaralan.

"One mistake is equal to one's death. Sa oras na magkamali kayo sa gagamiting susi sa paglabas may mamamatay. Sa oras na 'di niyo magawa ang mga ipapagawa ko may mamamatay. Sa oras na tumakas kayo, isa lang ang ibig sabihin nito ka-ma-ta-yan. Yun lang. Ciao."

Nahulog ni Nicole ang hawak niyang kamay na puno ng susi. Natigil ang lahat.

"P-paano na tayo makakalabas nito?" Sabi ni Darlene.

Nakarinig sila ng mga yabag na tila nagmamadali patungo sa kanilang direksyon. Ngayon, kasama na nila ang iba pang natitirang estudyante sa paaralan. Maraming umiiyak, may ibang kalmado at iba naman ay tulala.

"GUSTO KO NA UMUWI!"

"LUMABAS NA TAYO DITO!"

"NAKAKATAKOT NA!"

"NAGUGUTOM NA AKO!"

"NASAAN SI BIMBY? BIMBY?! BIMBY?!"

Napatingin sila sa isang nababaliw na estudyante. Tila nawawala na ito sa kanyang sarili. Lumalapit sa kung sinu-sino at tinatanong kung nasaan ang tinatawag niyang 'Bimby'.

Agad nila itong binalewala. Nakita ni Nicole na pabalik na si Jeff na humahangos. Papunta ito sa direksyon ng mga taga-7 Sampaguita tila may hinahanap.

"Nasaan si Clare? Clare?!" Hinahanap ni Jeff sa nagkukumpulang tao ang babaeng sinasabi nito.

"Nandito ak-" Naputol ang sasabihin ni Clare nang may magsalita sa speakers.

"Isang matamis na halakhak
Ng isang kaibigang naglaho
Hilig ang pulang bulaklak
Hawak ang gintong tinatago

Bibigyan ko kayo ng dalawamput isang minuto para intindihin at alamin ang ibig sabihin nang nabanggit kong pahayag. Yun lang. Ciao."

Nataranta ang lahat tila hinahanap kung sino ang kaibigang tinutukoy.

Lumapit si Jeff kay Clare at bigla itong niyakap.

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Jeff kay Clare. Sumagot ang dalaga, "A-ayos lang naman ako. 'Wag ka ng magalala." Niyakap niya ang binata at binaon ang ulo sa dibdib ng binata.

Napatingin ang lahat sa nababaliw na si Candace, "Si-nong na-wa-wa-la?" Bawat pantig na sasabihin nito ay may itinuturong tao. Natigil ang kamay nito sa dalawang magkayakap.

"Kayo ah? Ang landi-landi niyo ah. Kebata-bata niyo pa ah. BIMBY? NASAAN SI BIMBY?!" At bigla na lamang itong umalis at nagtatakbo palayo.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ng top 5 ng klase, si Kyle Ortega.

"Yung Grade 8 na si Hannah ang nawawala. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase niya at bigla na lang daw siyang naglaho. Siguro siya yung tinutukoy ng tula." Sabi naman ng top 10, si Riye Ferrer.

"Sigurado ka na ba dyan?" Tanong ni Nicole.

"Oo. Sigurado na ako. Tinanong ko ang ibang grade level kumpleto naman daw sila bukod na lang doon sa mga namatay. Si Hannah talaga yung siguradong nawawala." Sagot naman nito. Tumunog muli ang speaker.

"Tik tok tik tok. Sampung minuto na ang nakalipas. Meron na lang kayong labing isang minutong natitira. Yun lang. Ciao."

Nagsimula ng mag-isip ang lahat. Hinati nila ang kanilang sarili sa ilang grupo na siyang maghahalughog sa paaralan upang hanapin ang gintong tinutukoy ng killer.

"Natukoy niyo na ba ang ibig sabihin ng tula?" Sabi ni Jeff.

"Sa palagay ko, bawat linya ay may ibig sabihin." Saad ni Kyle.

"Natandaan niyo ba ang buong tula?" Tanong ni Jeff.

"Oo, natandaan ko.

'Isang matamis na halakhak

Ng isang kaibigang naglaho

Hilig ang pulang bulaklak

Hawak ang gintong tinatago'" Kilala si Nathan Almazan, ang top 8 ng klase, sa mabilis nitong pagtanda sa mga bagay na naririnig niya.

"Okay, noted." Sabi naman ng sekretarya na si Lala Ella na kasalukuyang top 9 ng klase.

"Simulan na nating ianalyze ang ibinigay na tula. Ilang minuto na lang ba?" Tanong ni Jeff.

"7 minutes na lang." Sagot ni Clare.

"Sige.Matamis na halakhak. Matamis na halakhak. Matamis na halakhak?" Sabi ni Jeff tila nag-iisip.

"Guys sino may candy sa inyo?" Sigaw ng isang di-kilalang estudyante.

"Candy? Ayun! Matamis na halakhak means candies or sweets. Ano ng next line?"

"Ng isang kaibigang naglaho." Sabi naman si Lala.

"Tapos na yun. Si Hannah na yung nawawala. Next."

"Hilig ang pulang bulaklak."

"Roses. Mga rosas ang tinutukoy. Pero saan nga ba may rosas dito?" Tanong ni Nathan.

"Sa red canteen. May mga pulang rosas na nakatanim doon dati." Sagot ni Riye.

"Tumayo na kayo. Pupunta tayo ng red canteen." Tumayo ang lahat sinusundan si Jeff. Nakakasalubong nila ang ilang estudyanteng naghahanap pa rin. Sumigaw si Jeff.

"Nahanap na namin kung saan. Sumunod kayo sa amin!" Sumunod naman ang mga ito sa kanya.

"Tatlong minuto na lang. Bilisan niyo. Ciao." Tumakbo na sila papuntang red canteen tila hinahabol ang oras.

Pagkapasok nila ng red canteen naabutan nila ang bangkay ni Hannah Ventura. Grade 8, section 1 at top 1.

Nakahandusay ito sa sahig punong-puno ang bibig ng iba't-ibang klase ng candy. Nakasara ang magkabilang kamay. At ang malala...

Nakabuka ang tiyan nito at punong-puno ng iba't-ibang klase ng matatamis.

Sa sahig, gamit ang dugo nakasulat ang palatandaan ng pumapatay.

0210

The Truth about our ClassOnde as histórias ganham vida. Descobre agora