"Your life got my interest," Sagot nito.

Bahagya naman siyang tumigil at hinarap ang lalaki.

"Don't go too far knowing my life, Drevon. You will... sh't!" reklamo niya ng maramdaman ang biglang paghila sa kadenang suot niya, na-out balance siya dahil doon.

Pasalamat siya dahil may mabilis na braso ang nakahawak sa kanyang baywang.

"I'm here to catch you, Babe." Sambit ng lalaki mula sa kanyang likuran.

Mabilis niyang inalis ang braso nito at lumayo sa lalaki.

"Casseus, faster!" Boses naman ng isang babae sa unahan nila ang tumawag dito.

"Yeah sure, Babe!" Kumindat pa ito sa kanya bago sundan ang babae.

Muli naman niyang maramdaman ang paghila sa kadena.

Matalim niyang tiningnan si Primo maging ang mga kasama nitong pasimpleng tumatawa.

Mabilis na lang siyang naglakad palapit sa mga ito.

"Supremo's wife can't talk to other men," Pasimpleng sabi ni Onix sa kanya.

"Then..." baling niya sa lalaki na may tipid na ngiti pero bigla siyang sumeryoso, "Don't talk to me!" sabi niya bago ito talikuran at sumabay sa paglalakad ni Primo.

...

...

...

"Good morning Players!" Muling narinig sa buong paligid ang boses ni Captain Jack.

May ilang bumati pero karamihan ay hindi. Marahil nagtataka kung anong laro ang mangyayari ngayon lalo pa't na sa harapan sila ng tila isang under construction na building.

"This game is by quarter, meaning... You need to play with your team." Paliwanag nito. "For today's game, you need to collect flags. Easy right?" Muli nitong sabi. "Collect the flags inside the under construction building with the same color of your quarter but, you need to destroy the flag of another quarter if you saw one. The quarter who doesn't collect or destroy any flags will be eliminated. The quarter with more flags, destroyed or collected will also be eliminated. The winner will be the lowest number of collected flags and any number of destroyed flags. Meaning you can destroy any flags as much as you can. We'll give you one minute to plan your tactics. Good luck!"

Ilang segundo nang hindi nagsasalita si Captain Jack, seryoso na rin nagpaplano ang ibang quarter pero ang quarter ni Hurricane wala yatang plano. Walang kumikilos, walang nagsasalita, as in nakatayo lang at may kanya-kanyang mundo.

"Wala ba kayong plano?" tanong niya sa mga katabi. Wala namang sumagot sa kanya, "Magpapatalo na lang kayo?" Muli niyang sabi.

May ilang tumingin sa kanya pero umiling lang. May bahagya pang natawa sa sinabi niya at syempre walang pakialam ang karamihan.

"It's better to shut up, Rica. You didn't know anything here." Seryosong sabi sa kanya ni Lassy na nakatayo sa kabilang side ni Primo.

"Congrats, for knowing everything." Sarcastic niyang sagot.

Masamang tingin naman ang pinukol nito sa kanya pero tinaasan lang niya ito ng kilay.

"The game starts now!" Isang hudyat na nagpagulo sa lahat ng players.

Halos lahat nag-unahan makapasok sa loob pero ang kanilang quarter ay prente lang na naglalakad.

"Yung totoo, namamasyal lang ba tayo rito?" muli niyang sabi. Katulad noong una, walang sumagot sa kanya. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now