30: Hard-headed

Magsimula sa umpisa
                                    

LUNA'S P. O. V

KANINA pa ako nawi-weirdu-han sa lalaking nakaupo sa lapag at nakasandal ang likod sa kabilang puno. May nararamdaman akong kung ano sa kaniya. Curious ako sa mukha niya at kung bakit nakamaskara siya.

Pawisan siya na animo'y tumakbo ng ilang kilometro. Ang paghinga niya rin ay mabilis at mabigat. Pinagmamasdan ko lang siya pero ramdam ko na ang ang mararamdaman niya.

"Bakit ka nakamaskara?" wala sa sariling tanong ko.

Nilingon niya ako. Nang matitigan ko siya nang matagal ay saka ko lang napagtuunan ng pansin ang amber eyes niya na tulad nitong akin.

"Gwapo kasi ako. Baka mahumaling ka sa akin at iuwi kita."

"Pocha! Ano ka sina Zairus at Wolf?" Tanong ko saka ako napahilot sa sintido ko.

Mukhang may isa pang bagyo na mananalasa, ah.

"Sino 'yung mga 'yun?" Puno ng pagtataka niyang sabi.

Napanguso na lang ako nang maalala na hindi ko na dapat silang pakialaman pa.

Napairap na lang ako. "Nevermind."

"You can talk to me about your problems, you know?"

"Hindi kita kilala ka-"

Pumitik siya dahilan para matigilan ako. "That's the thing. It's better to talk with the stranger about your problems because you won't expect anything from them. They can judge you but you will understand that they won't get it because they don't know who you really are. But once you open up yourself to someone you know, you'll expect that they can understand, help you out, and won't judge you. Kung sakaling ma-misinterpret nila, you will doubt them and you will feel awful. Am I right? Does it make sense?"

Napangiwi ako habang nakatitig sa mga mata niya. "Dami mong sinabi."

"May sense naman."

Matagal akong nakipagtitigan sa kaniya hanggang sa sumuko ako. "Sige, ikukwento ko basta atin lang 'to kahit hindi ka mukhang mapagkakatiwalaan."

Mahina siyang natawa. "Parang tunog napipilitan, ah tsaka hindi mo pa nga nakikita ang mukha ko, e. Kaya paano mo-"

"Shut up." Pagpapatigil ko sa kaniya saka bagsak ang balikat na ibinalik ang tingin sa harap.

Ano ako si kamatayan?

"Laro na lang tayo para naman maging okay ka na." Suhestyon niya na ikinaharap ko sa kaniya.

"Anong laro?" Tanong ko habang may malapad na ngiti sa labi. Gusto ko na maglaro. Namimiss ko na sina Ced, Alexus, Raiven, at Lucas!

"Truth or dare."

Mahina akong natawa saka ko itinaas ang hintuturo ko. "Oh sige tapos dare lang dapat piliin."

Marahas siyang bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. "As expected."

"Huh?"

"Wala. Let's start," sabi niya saka inilagay sa harap ang kamay niya. "Ano pang tinitingin-tingin mo? Put your hand above my hand and let's -"

"Hindi bato-bato pick? Maiba taya talaga?"

Bakit parang alam niya na ganito ko laruin ang truth or dare?

"Huh?"

Inilagay ko na lang ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya kahit nagtataka ako. "Ang itim ay taya!"

Nang parehas naming mailapag ang mga kamay namin, iminulat niya na ang mga mata niya. "Hoy! Ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong niya pero nanatili akong nakatingin sa kanya.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon