29: Dark Cell

16.9K 762 232
                                    

| Dark Cell |

LUNA'S P. O .V

NAGISING ako sa isang madilim na kulungan. Kanina pa ako nagsisigaw at humihingi ng tulong pero halata namang walang nakakarinig sa akin hanggang sa tinamad na lang ako.

Ang totoo, hindi ko alam kung anong klaseng lugar itong pinagdalhan sa akin dahil kanina habang naglalakad at papunta sa training ground ay may pumalo sa batok ko at ang tanging naalala ko lang ay sinakluban ako ng itim na plastic at binitbit na parang sako sa balikat. Pagtapos no'n, wala na akong maaalala. Siyempre tulog ako, e.

Kumukulo na ang tiyan ko dahil wala naman akong maayos na umagahan. Sanay ako sa gutuman pero eto ang tiyan ko ngayon, tinatraydor ako.

Nakasandal ang likod ko sa pader habang yakap-yakap ang binti ko dahil sa sobrang lamig. May bintana sa labas at nang subukan kong tumalon kanina, nasilip kong nasa gitna ako ng kagubatan. Hindi ko alam kung saang parte ito.

Madilim din sa labas ng kulungan at sumasakit ang tenga ko sa katahimikan kaya panay nalang ang kanta ko.

"I don't want a lot for Christmas... There is just one thing I need." Tumayo ako at saka gumiling-giling habang umaaktong may hawak na maracas at inaalog ito. "Jingle bells, jingle bells, Jingle all the way."

I raised my two hands and waved them gracefully while feeling the cold breeze. "Last Christmas, I gave you my heart. But the very next day, you gave it away..."

Nang makaramdam na ako ng pagod ay saka ko lang naalala na malayo pa pala ang pasko kaya nanghihinang napaupo ako.

"Are you done having your concert?"

"Anak ng!" Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. "Who are you?!"

Nakarinig ako ng pagkalansing ng kung ano kaya lumapit ako sa rehas. "Vincent!"

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paglusot niya ng isang kamay niya sa rehas at pagtakip sa bibig ko. "Bawasan mo nga ang ingay mo. P'wede ba?" pabulong niyang pakiusap.

Tumango-tango naman ako. Marahas siyang nagbuntong-hininga bago tinanggal ang kamay sa bibig ko saka binuksan ang rehas gamit ang hairpin at pumasok saka ni-lock ang pinto?!

"Bakit mo ni-lock? Labas na tayo! Para ka namang bobo niyan!""

"Ikaw ang bobo. Ano ba kasi ang ginawa mo at nandito ka sa dark cell?"

"Ah okay," sabi ko saka naupo sa tabi niya. Ito pala 'yung consequence nang ginawa ko.

"Anong okay?"

Kasalanan ko naman pala kung bakit ako nandito, e. Bobo nga talaga ako. Hindi rin ako p'wedeng magreklamo dahil baka pati ito isisi niya sa sarili niya. Feeling ko ganung klase siya ng tao, e.

"May pagkain kang dala?" tanong ko dahil sa hawak niyang plastic. Kumunot ang noo ko nang maalala ang kalagayan niya. "Teka nga! Ayos ka na ba at nagpunta ka rito? Paano mo nakuha ang susi?"

"Yes, pagkain 'to. Hindi pa ako ayos pero ako lang ang makakagawa nito."

Akma akong magsasalita nang mariin niya akong tingnan. "Huwag ka ng magtanong nang magtanong. Kaunting oras lang ang itatagal ko rito," sabi niya saka inabot ang plastik sa akin na agad ko namang tinanggap.

Agad kong tinanggal ang pagkakatali ng plastic at kinuha ang burger mula rito. "Salamat, Vincent. Kanina pa talaga ako nagugutom, e."

"Wala naman bang ginawa sa 'yo rito?"

Kumagat ako ng burger saka isinandal ang likod ko sa pader. "Wala nga. Para ngang takot sila sa akin or what o baka guni-guni ko lang?"

Napatanga siya sa akin.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon