Para sa isang katulad niya na hindi halos naranasan ang pagkakaroon ng matinong pamilya, malaking epekto ang dulot ng mga sinabi ni Leiro sa kanya. Ramdam niya ang sinseridad mula sa mga salita nito. Sa unang pagkakataon ay biglang umagos ang isang estrangherong emosyon sa kanyang loob. Hindi nga lang niya sigurado kung ito ba ang tinatawag na... pagmamahal.


Siguro nga ay napamahal na sa kanya ang matanda bilang gabay niya. At sa tagal na niyang nagsisilbi dito ay maaari na niya ngang tawagin itong "ama." Ngayong kay Leiro na mismo ito nagmula, wala nang inhibisyon sa kanyang katawan upang tuluyan itong ituring na pamilya. Mas napatibay ng hindi pagpapabaya ni Leiro sa kanya tuwing nasa mapanganib silang sitwasyon ang kagalakan niyang marinig ang mga salitang ito mula sa matanda.


Kung kaya't mula noon, mas siniguro niya at mas naging determinado siyang protektahan si Leiro Lovek gamit ang buhay niya at kakayahan. Ang kung sinomang magtangka o manakit rito ay sisiguruhin niyang magbabayad ng malaki. Matitikman ng mga ito ang bagsik ng kanyang galit.


"Boss, are you sure you want to meddle with the dispute between Stefan Kozlov and Clade Schartner?" Nag-aalalang tanong niya matapos nilang manggaling sa isang pribadong pagpupulong kasama ang mga sumusuporta kay Stefan Kozlov.


Magaan ang mukha ni Leiro nang mag-angat ng tingin sa kanya mula sa binabasa nitong libro. "Yes. Why? You don't think it's a good idea?"


"Yes." Tapat at diretso niyang sagot. "You will just get more damage than gain in this war. And it's clear that Stefan Kozlov is only using your resources."


Nagkibit ng balikat si Leiro at bahagyang ngumiti sa kanya na hindi niya matumbasan. Masyado siyang seryoso para suklian ang ngiti nito.


"I've personally known Stefan since I met him years ago, Gaspar. He's a good partner and whether he uses me for this war or not doesn't really matter to me. I just want to try and support him and see how this war will end. Come on, admit it. This will be interesting, right? He's going against that Clade Schartner. Not quite sure though who that boy really is and why Stefan is hell-bent in killing him."


Napabuntong-hininga siya sa katigasan ng ulo nito. "Honestly, Boss, I don't care about Stefan Kozlov or that Clade Schartner. I don't know anything about them. I'm only concerned about you and your safety."


Idinaan ng matanda sa tawa ang lahat ng kanyang sentimyento. Wala siyang nagawa kundi tahimik na bumuntong-hininga dahil wala siyang magagawa kapag ganito ka determinado si Leiro sa isang bagay.


Gayonpaman, suportado ni Gaspar ang lahat ng gawain ng matandang Lovek. Naroon siya sa bawat transaksyon nito. Hindi siya umuusal ng kung anong salita at halos hindi rin gumalaw sa tabi ng matanda ngunit alam niyang hindi lamang siya isang anino para kay Leiro. Mahalaga din rito ang kanyang opinyon. Sa bawat lakad ay palagi siyang nasa tabi nito.


Ngunit hindi iyon ang naging sitwasyon noong gabing nangyari ang isang trahedyang hindi niya malilimutan. Ito ang unang pagkakataon na inutusan siya ni Leiro na magpunta sa isang lugar kung nasaan ang iba pa nilang tauhan at tingnan ang mga kalagayan nito. Tila isang espesyal na utos iyon mula kay Leiro at siniguro nitong siya lang ang maaaring makagawa ng utos.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat