𝙸 𝙻𝙾𝚅𝙴 𝚈𝙾𝚄 𝚉𝙴𝚄𝚂 𝙰𝙼𝙾𝚁

5 1 1
                                    


𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐙𝐚𝐢𝐧 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐚 𝐀𝐝𝐚𝐦

“YOUNG maiden, pina-bibigay po ni kuya Zeus. Bagong pitas po ‘yan mula sa harden.” nakangiting wika ng isang batang babae na nagngangalang Inday Nana ,nasa edad labing dalawang taon gulang na ito sabay abot ng kumpol ng puting rosas sa kanya. Agad naman niya itong tinanggap at nilapag sa mesa.

“You can leave now.” she said without looking to the girl who brought a roses to her.

“Yes, young maiden."magalang na tugon ng batang babae sa kanya pagkatapos ay agad na umalis.

Nang makaalis na ang batang babae ay agad niyang kinuha ulit ang bulaklak at inaamoy amoy ang halimuyak nitong bango.

Zeus Amor ay isang hardenero sa kanilang mansiyon. Masugid na manliligaw niya—gwapo at may makisig na pangangatawan.

Nang makita niya ang pulang papel na nakatago sa gitna ng nagku-kumpulang bulaklak ay agad niya itong kinuha at binuklat.

Hindi maitago ang matamis na ngiti ni Astrid habang binabasa ang nakasulat sa pulang papel.

Puting rosas para sa tapat kong pag-ibig sayo, Astrid ng buhay ko.

“Ano iyan Astrid?” tanong ng bagong dating. Agad namang tinago ni Astrid ang papel sa bulsa ng suot niyang pajama.

“What do you want Ate Aviona?”imbes na sagutin ang tanong ng Ate Aviona niya ay tinanong niya ito pabalik ng hindi lumilingon.

“I'm just here to ask if you see your sister Aprodite. Tatlong oras na siyang wala rito sa bahay ni hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta."aniya.

“She's with Lander,I think they're having a date."she said.

“Ganun ba. By the way,hindi mo sinabi sa akin na may nanliligaw pala sayo...sige,maiwan na kita rito.”

Nang makaalis na si Aviona ay agad din siyang lumabas sa veranda ng kabahayan at pumasok sa kanyang silid upang mag palit ng damit. Pupuntahan niya si Zeus.

Apat na taon at tatlong buwan na din nangliligaw ang binatang si Zeus sa kanya. Tunay at tapat. Kahit May espesyal na nararamdaman din siya para sa binata ay hindi niya magawang sagutin ito. Takot siya na baka’y hindi tanggapin ng kanyang pamilya lalo na ang lolo niya si Zeus dahil isang hamak na hardenero lang ito sa kanila.

MALAYO pa’y tanaw na ni Astrid ang kaniyang manliligaw na may kausap na isang dalagita. Masayang nagtatawanan ang mga ito. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay na tila’y hindi nagustuhan ang nakikita.

Dahil sa nakatalikod ang binatang si Zeus ay hindi agad nito napansin ang paglapit niya. Nagdilim ang paningin ni Astrid ng makitang papalapit ang mukha ng babae sa mukha ng manliligaw niya.

Nang makalapit si Astrid sa dalawa ay walang pa sabing sinapak niya ang babae. Gulat na gulat naman ang babae habang nakahawak sa nasaktang mukha.

“Astrid!”anito Zeus.

Masamang tingin ang pinukol ni Astrid sa babae." Don't you dare to kiss my boyfriend!”she said. Sasapakin na niya sana ulit ito ng pumagitna si Zeus.

“Huwag mo siyang saktan Astrid,"wika ni Zeus."Mali ang nakikita mo."dugtong pa nito.

“Mali? Gusto ka niyang halikan.”

“Hindi. Siya si Maria Clara, kapatid ko siya sa ina . Andito siya dahil gusto ko siyang ipakilala sayo.” pagpapaliwanag ni Zeus sa kanya.

“Ang sadista pala ng nililigawan mo kuya,para siyang tigre kung magselos.” nakangiting sambit ng babae. Pati si Zeus ay nakangiti.

“Tama la bunso kaya hindi ko magawang mag loko."

“Hahaha... lagot ka talaga kuya kung lumandi ka sa iba dahil balak gilitan ka ng leeg nitong si Ate Astrid at tama ba yung narinig ko na boyfriend ka na niya kuya?"nakangiting tanong ni Maria Clara.

Tahimik lang na nakamasid si Astrid sa dalawa. Nakaramdam ng pagsisisi si Astrid ng sapakin niya ito. Hindi niya inakalang kapatid pala ito ng binata. Napasinghap siya ng akbayan siya ni Zeus.

“Tama ba tong naririnig ko mahal na sinasagot mo na ako?"nakangiting tanong ng binatang si Zeus.

“Hindi ." Malamig na sagot niya rito.

“Awit! Aw sakit nun sa apdo kuya..." Komento ni Maria Clara at umaktong tila nasasaktan.

“Hindi, hindi ako papayag na maagaw ka ng iba Zeus. I love you." Tuloy-tuloy na bigkas ni Astrid.

Dahil sa tuwa ay walang pasabi na hinalikan ni Zeus si Astrid. Nagtitili naman sa kilig si Maria Clara sa gilid.

“I love you too kahit na may sacrifices pang dumating sa buhay natin. Kahit masakit, malungkot, mahirap at masaya. I still and will love you Astrid Zain Floresca Adam.”

—The End—

𝔗𝔥𝔦𝔰 𝔬𝔫𝔢𝔰𝔥𝔬𝔱 𝔰𝔱𝔯𝔬𝔯𝔶 𝔦𝔰 𝔡𝔢𝔡𝔦𝔠𝔞𝔱𝔢𝔡 𝔱𝔬 𝐌𝐬. 𝐊𝐚𝐢 𝐙𝐚𝐢𝐝 𝚊𝚗𝚍 𝚝𝚘 𝚖𝚢 𝚕𝚘𝚟𝚎𝚕𝚢 𝚜𝚒𝚜𝚝𝚎𝚛 𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐙𝐚𝐢𝐧 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐚 𝐀𝐝𝐚𝐦.😘❦︎❦︎❦︎

𝙷𝚘𝚙𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚎𝚗𝚓𝚘𝚢 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚑𝚒𝚜, 𝙰𝚟𝚒𝚘𝚗𝚒𝚡𝚎𝚗 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚎𝚛𝚜☕︎

✍︎IAMUNKNOWNWRITER✍︎

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐟 𝐀 𝐂𝐨𝐥𝐝 𝐓𝐢𝐠𝐞𝐫Where stories live. Discover now