Limit Nine: Knowing Rey Ashton

Start from the beginning
                                    

            Binelatan ko siya. “Excuses guys. Erinne, thank you ulit.” ^___^

                 “Yah sure, no problemo.”

            Umakyat ako sa halimaw na hagdanan. I just wish na sana lang eh may elevator sila para hindi mahirap makaabot ng second floor. Kaloka. =___=

            Anyway yun nga. Nakangiti kong binabasa ang laman ng folder na binigay sa akin ni Erinne. Pumasok ako ng kwarto ng walang kamalay-malay na may nakahiga palang dragon sa kama ko. Napansin ko lang nang maramdaman ko ang titig niya sa’kin.

                 “Rey. Anong ginagawa mo dito?”

                 “What’s that?” he asked, pertaining to the folder.

                 “Ah. Yung notice na granted na yung parole nung kaibigan ko.” ^___^

                 “Kaibigan? Sa kulungan? Didn’t you stayed in prison for only two to three weeks? How are you sure that that friend of yours is worthy of the parole?”

            I smiled then proceeded to position beside him on the bed. Naupo rin siya mula sa pagkakahiga. “You know… I have this certain talent of seeing a good heart out of a bad past. If you know what I mean.”

            He stared at me. Joke ko lang ‘yon. Masyado kasing obvious na sa kaso ni Jin eh napilitan lang siyang ipagtanggol ang sarili niya. Trust me it often happens to me. Kaya yung sinasabi kong talent, di totoo ‘yun. I just learned to see through people’s cases and lives kaya ko nagagawang magtiwala sa mga kakayahan nilang maging mabuti.

                 “Then dapat hinayaan mo na lang na ang gobyerno ang gumawa ng paraan para sa parole niya imbis na ikaw pa.”

                 “Really, Rey? Do you think ganito kabilis maaasikaso ‘to kung hindi ko ginamit ang impluwensya ng pamilya mo?”

                 “Don’t you trust the government?”

                 “It’s not like that. You see, the problem with the government is… they actually don’t pay any attention to those ‘bad people’ in prison. Hindi naman lahat ng nando’n masama eh. May karapatan silang magkaroon ng tsansa para mabuhay ng normal. They have done wrong to the public, yes. But do they deserve to live in a caged prison forever? No. And your government… actually… hindi nila kayang pagtuunan ng pansin ang mga ganitong problema. Konti lang sa tutuusin ang naga-grant nila ng parole sa dami ng mga nakakulong. Hindi nila bibigyan ng pansin ang ganitong kaso. Pipitsugin lang ‘to. Kung hindi ko nilakad kay Erinne ‘to, hindi siya makakalabas do’n.”

                 “You think so?”

            Tumango ako. Napaisip rin ako. Kung si Rey ang mananalo as District Emperor, magiging pareho rin kaya siya ng ibang politician? The unloyal ones. Mga public servants na sakim sa kapangyarihan. Gano’n rin kaya siya?

The Life Of A Secret Agent In Full Force: Some Delicious BoundariesWhere stories live. Discover now