"Good morniing people!" Masigla paring bati ko dahilan para matigil sila sa pag uusap at sabay na mapatingin sakin

"Good morning sweetie!" Bati naman sakin ni mom pagkalapit ko sa kanya "Good morning honey!" Bati naman ni dad kaya naman ngumiti ako bago humalik sa pisnge nilang dalawa at umupo na sa upuan ko since I have plates, spoon and glass of milk na. I think si mommy nagprepared nito

"What's with the serious face mom and dad?" Tanong ko sa kanila and tumingin naman sila sakin bago ko narinig na bumuntong hininga si daddy

"Sweetie what if I engaged you with someone will you be mad at me?" Malumanay na tanong ni daddy kaya naman napatigil ako sa pagsandok ng kanin at tinignan ito na nakatingin sakin at mukhang inaantay ang sagot ko

"Hmm it depends dad kasi as of now I am not really fan of having a relationship you know my past right? I have a trauma about that kind of thing maybe soon kahit sino pa po yan papayag ako but dad pls not now Im not prepared to replace him!" Maayos na paliwanag ko

"But honey its been 3 years!" Sabi ni mommy kaya naman mapait akong ngumiti bago ko bitawan yung kutsara at tinidor ko bago sumandal sa upuan ko at mataman silang harapin

"Mom dad if marrying someone to save our company is ok, I'll let you do that but only if im prepared kaso po hindi eh!" Sabi ko bago sila tignan at nakatingin lang naman sila sakin na halata mong nakikinig so tinuloy ko kung ano yung balak kong sabihin "Hindi talaga kaya mom, yes your right its been three hell years sa araw araw mom halos pinapatay ko sarili ko para makita nyong ok ako na maayos ako but no!" Sabi ko at nag umpisa ng tumulo ang luha sa mata ko. Ito yung ayoko eh yung alam kong hindi pa ako handa tapos feeling ko papalitan na agad nila sya

Tumayo na ako dahil nawalan na ako ng gana but after I left, I leave them a words that I hope something will realize them

"If forgetting someone is easy mom I will gladly do it but sad to say after those years sobrang sakit parin sakin at sobrang sariwa parin kung paano sya nawala sa hawak ko kaya po pasensya na if hindi ko matatanggap yung gagawin nyo now dahil para sakin sya parin yung mahal ko!" Sabi ko bago yumuko sa kanila at dumeretso na ako sa kwarto ko para kunin yung gamit ko

Pagdating ko sa kwarto ay kinuha ko na yung gamit ko and nag decide ako na kunin yung kotse ko para magmaneho ng sarili ko

Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy sa hagdan pero nilagpasan ko lang ito and good thing na hindi nya ako tinawag

Hindi naman sa pagiging bastos pero ayoko lang nung way na sa kanila oo madaling makalimot syempre hindi naman sila ang magmahal dun sa tao eh pero ako? Sobrang hirap hindi nila alam kung paano ko hinarap yung tatlong taon para panatilihing ok ako sa harap nila

Paglabas ko ng bahay ay dumeretso ako sa garahe at sumakay sa kotse ko bago ito paandarin

Pagkalampas ko ng mga limang bahay sa bahay namin ay huminto ako at iginilid yung sasakyan ko pagkatapos ay sumandal ako sa kotse ko at tinignan yung keychain na binigay nya sakin bago sya umalis

Paghawak ko palang dito ay agad na nagunahan sa pagtulo ang luha ko. Ito yun eh yung mga panahon na halos araw araw nagdarasal ako na gigising ako na sana ok na ako. Na sana masaya na ako kaso hindi eh andito parin yung sakit

Unti unti kong nararamdaman uli yung sakit noon, yung pagkirot ng dibdib ko sa kalagitnaan ng pag iyak ko. Yung pagmamakaawa ko na sana ibalik sya sakin kaso hindi na pwede eh na kahit lumuhod ako hindi na pwede

Patuloy lang ako sa pag iyak na halos manginig na yung buong katawan ko kakaiyak pati pag hikbi ko dinig na dinig na

Kailan ba ako magiging ok? Jayshin tulungan mo naman ako

Umiyak lang ako ng umiyak at nang maging ok ako ay tinignan ko yung orasan at napansin ko na late na ako sa first subject ko kaya naman nagmaneho na ako para makapasok na kahit sa second subject na ako umabot

Pagdating ko sa school ay agad akong nag park, tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin at napansin ko na maga parin ang mata ko. I decided to have some simple make up to cover my tears but halata parin kaya hinayaan ko nalang

Paglabas ko ay dumeretso na ako agad sa room ko and good thing wala pa yung teacher namin for my second subject

Pagdating ko ay naabutan ko na nagk-kwentuhan yung lima kaya naman dumere-deretso na ako sa upuan ko pero syempre bago ako makaupo madadaanan ko si vivian at gracia kaya ayorn ng mapansin nila ako ay agad nila akong binati

"Umiyak kaba ocean?" Tanong sakin ni vivian pagkaupo ko kaya naman natahimik yung tatlong lalake at ganun rin si gracia na tumingin pa sakin

"Maya ko nalang explain!" Sabi ko sa kanya ng mahina kaya naman tumango lang sya at sakto naman na dumating narin yung second teacher namin kaya hindi narin nila ako ganun nausisa








*****

Captivating SmileOnde histórias criam vida. Descubra agora