Kabanata 3

533 49 4
                                    

——KABANATA 3——

3RD PERSON's POV

“Nagsisimula na naman talagang kumilos si Vlador,” Hinilot ni Rimana Sy ang kan'yang sentido matapos iyong sabihin

Si Rimana Sy ang Headmistress ng L.A. Isa siyang metal manipulator.

Nakatanggap siya ng mensahe mula sa driver ng tren na inaatake sila ng isang Daralo kaya naman agad niyang pinapunta kung nasaan ang mga ito si Wilson at Merida.

Merida used her Vi to the students para hindi malaman ng mga ito na may mga Daralo na namang nakakapasok sa Lupain ng Lithia.

Hindi ito ang unang beses na muling umatake ang mga daralo pero kagaya ng nangyari kanina ay minamanipula ng mga memory manipulator ang memorya ng mga taong nakakaalam sa pag-atake ng mga Daralo

Sa ngayon kasi ay ayaw pa muna nilang malaman ng kanilang mga mamamayan ang tungkol sa mga Daralo dahil mag-sisimula lamang iyon ng pangamba ng mga ito.

Magpa-panic ang mga lithians at mas magiging magulo lamang ang sitwasyon.

Tanging ang mga hari, reyna, prinsipe, prinsesa, mga guro, m'yembro ng konseho at piling estudyante lamang ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon.

Isa pang problema nila ay kung paano nakakapasok ang mga Daralo sa lupain ng Lithia gayo'ng malakas na ang barrier na nakapalibot rito.

She sighed.

Wala silang ideya kung paano.

Gano'n ba talaga kalakas si Vlador para gawin lamang sila nitong libangan?

“Kamusta ang mga bagong estudyante? Sa tingin mo ba ay tama na ipinadala sila rito?” Baling niya kay Wilson

Actually there's a reason why they let students from different schools entered Lithan Academy. It's because of the kings and queens ordered dahil kakailanganin nila ang kakayahan ng mga ito dahil alam nilang lahat na maaaring malapit na ang araw kung saan hindi na nila maililihim pa ang tungkol sa pag-atake ng mga Daralo.

Hindi nila maitatago habang buhay ang tungkol sa muling paghahasik ng lagim ng mga kampon ni Vlador lalo na ngayon na dumadalas ang pag-atake ng mga ito.

Kailangan mahasa ang kakayahan ng mga Lithians ng sa gano'n ay sa oras ng digmaan ay magkaroon sila ng malaking t'yansa upang manalo.

“Sa tingin ko naman ay oo Headmistress. Marami sa kanila ang nag-desisyon na labanan ang Daralo kahit na alam nilang maaari silang mapahamak.” Sagot ni Wilson sa kan'yang tanong

“Pero mas marami ang agad na binalutan ng takot at mas pinili na manatili nalang sa loob ng tren.” Patuloy pa nito

“Hindi na iyon nakakagulat. Paniguradong na alala nila ang nangyari 10 years ago no'ng atakihin ng mga Daralo ang lupain ng Lithia.” Buntong hininga na sambit niya

“May interesante ba sa kanila?” Muling tanong niya

“Mayro'n,” Sagot nito kaya napaayos siya ng upo sa kan'yang swivel chair

“Paano siya naging interesante?”

“Siya ang unang estudyante na nag-tagumpay na lapitan ang Daralo ng hindi man lang nagagalusan o nasasaktan.” Kwento nito

Kumunot naman ang kan'yang noo, “Paano iyon nangyari?”

“Hindi ko rin alam pero walang hirap siyang nakapatong sa balikat ng Daralo at walang bahid ng kahit na anong takot na hinawakan niya ang leeg nito at ibinaon ang bakal na kan'yang hawak sa ulo nito. Noong sinubukan siyang atakihin ng Daralo ay mabilis niyang nagamit ang Vi at naiwasan ang atake nito. Sa tingin ko ay matalino siyang lithians.” Mahabang tugon ni Wilson na dumating sa lugar na pinangyayarihan ng insidente no'ng mag-pasya si Yashan na labanan rin ang Daralo kaya naman nakita nila ni Merida ang ginawa nito

Lithan Academy: The Mysterious Lithian (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt