Simula

902 51 22
                                    

PAALALA: READ the INVENTED WORDS DEFINITION chapter first para mas maintindihan ang mga mababasa na unfamiliar words sa story.

A/N: NA REVISED ko na po ang chapter na 'to means hindi po ito 'yong una kong pinublished no'n. PAKI-READ nalang po ULIT ito kasi po MAY BAGO AKONG SCENES NA IDINAGDAG na wala po no'n.

__________

--SIMULA--

YASHAN's POV

"Shan!"

Napahinto ako sa akmang pag-sakay sa kalesa ng marinig ang boses ng taong ilang taon rin na nag-alaga sa akin matapos mamatay ng aking mga magulang sampung taon na rin ang nakararaan.

Her name is Geniva Lusban. Nasa edad fourthy five at siya rin ang matalik na kaibigan ng mga magulang ko.

Nakatayo siya sa gate ng paaralan na kahapon lang ay pinasukan ko pa. Ang Sintle High. Siya rin kasi ang headmistress sa paaralan na 'yon.

"Mag-iingat ka roon, huwag mong kalilimutan na padalhan ako ng mensahe."

Itinapat niya sa akin ang kanang braso kung saan nakatungtong si Aru na agad namang lumipad papunta sa akin.

"I will," Mahina kong tugon ng makapatong sa balikat ko si Aru

"Take care of yourself too." Ngumiti ako at nakita ko naman siyang natigilan pero kalaunan ay malapad rin na ngumiti tsaka kumaway

"Ngayon lamang kita nakitang ngumiti, Shan. Sinasabi ko na nga ba at mas bagay sa'yo ang nakangiti. Gawin mo 'yan ng madalas kaysa palaging blangko ang ekspres'yon ng mukha mo."

Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya.

"Susubukan ko,"

"Mabuti kung gano'n. Huwag mo rin kalilimutan ang mga paalala ko sa'yo. Mas maganda kung ipapakita mo sa iba na mabait ka. I-enjoy mo rin ang pananatili sa loob ng akademya, kung may problema na mangyari at kailangan mo ako ay huwag kang mag-dadalawag isip na ipadala si Aru. Kahit anong oras at araw ay sisiguraduhin ko na darating ako roon para sa'yo." Pumiyok siya kaya naiwas ko ang tingin

"Masyado kang ma-drama, Geniva. Isang taon lang naman tayong hindi magkikita subalit alam naman natin na may araw kung saan pwedeng dumalaw ang mga estudyante mula sa akademya sa kanilang mga tahanan. Uuwi ako rito at magkikita rin ulit tayo." Sambit ko

Napatawa naman siya, "Ikaw talagang bata ka, wala ka man lang talagang ka-sweetan sa katawan 'no? Hindi ito ang tamang oras para maging matigas, okay? Hindi naman magugunaw ang Lirmia kung kahit minsan lang ay sasakyan mo ang pagda-drama ko." Aniya kaya napailing ako

"Walang gulong o pakpak ang pagda-drama mo, Geniva. Hindi umaandar at hindi lumilipad kaya pa'no ko ito sasakyan?" Turan ko kaya siya naman ang ngumiwi

"Napaka-pilosopo mo talaga, Shan. Isa 'yan sa dapat mong iwasan na gawin sa loob ng akademya. Mga bagong Lithians ang makakasama mo roon kaya naman subukan mong maging friendly. Mas mabuti rin kung makikipag-kaibigan ka kaysa gumawa ng maraming kaaway. Iba ang mga estudyante sa akademya na iyon kaysa rito sa paaralan natin kaya naman paniguradong hindi ka nila aatrasan at maaaring sila pa ang mag-umpisa ng gulo kapag hindi nila nagustuhan ang ugali mo." Seryosong sabi niya kaya inilipat ko ang tingin sa mga ka-schoolmates sa Sintle High na nakadungaw sa gate at agad na nagsi-iwas ng tingin matapos mapansin na tinitingnan ko sila

Tss.

"Hindi ako pupunta roon para magustuhan nila. Ano naman kung ayaw nila sa akin? Gano'n rin naman ako sa kanil-Oo na. Susubukan ko." Mabilis kong bawi matapos makita na balak niya na naman akong tadtarin ng kan'yang pangaral

Lithan Academy: The Mysterious Lithian (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin