"If you thought that you could kill me with this, try harder next time." Seryoso lamang na wika ni Lhian habang ipinaiikot-ikot lang niya ang punyal sa pagitan ng mga daliri niya. Hanggang sa huminto ito sa paglalaro ng patalim at mariing tumitig kay Lorenzo.

"But what if there will be no next time for you?" Sa isang iglap ay mabilis niyang inatake si Lorenzo dahilan para mabigla ang kapatid niya. Hindi ito kaagad naka-depensa kaya mabilis na tumilapon siya sa pader at sa lakas ng pwersa ay nawasak pa ito dahilan para agad siyang mapaubo ng dugo.

Hudyat naman iyon para agad atakihin ng mga tauhan ni Lory si Lhian, pero walang kapantay ang lakas ng dati nilang pinuno. Para sakanya mga mahihinang nilalang lamang ang mga ito.

Sa isang iglap ay dumanak ang dugo sa buong kwarto habang mala-halimaw na  humahalakhak si Lhian. Unit-unti ay inuubos niya ang lahat ng makitang humihinga.

The demon inside of him is on rampage again.

And in just a minute, the room suddenly became silent.

Nang magkaroon na ng malay at kahit na hirap man ay binuksan ni Lory ang kaliwang mata niya saka niya nakita si Lhian na nag-iisang nakatayo na lamang sa gitna ng kwarto habang nakakalat ang mga tauhan niyang wala ng mga buhay sa sahig.

Inasahan na niyang walang magagawa ang mga tauhan niya kay Lhian. Noon pa man ay alam niya kung gaano kalakas ito. Bata palang sila ay nasilayan na niya kung gaano ito kahusay sa kahit ano lalo na sa pakikipaglaban. Ni minsan hindi rin niya natalo ang kanyang kapatid. Dumating din ang oras nang hangaan niya ito hanggang sa mapuno siya ng pagkainggit at doon na rin nabuo ang galit niya para rito dahil sa magkaiba at kung gaano kalayo ang agwat nila. At ngayon ay alam na niya kung bakit hindi sila magkapantay.

Iyon pala ay dahil hindi sila magkadugo.

Hindi sila tunay na magkapatid.

Si Lhian ay isang tunay na Salvatore habang siya ay hindi.

Higit sa lahat, ang kanyang ina at ang kanyang tunay na ama ang siyang nagpasimuno ng pagkasira ng buhay ni Lhian.

Napakagat si Lory sa kanyang ibabang labi saka pinilit nitong maigalaw ang katawan niya at kahit na sobrang sakit ay nagawa niyang makaupo. Hindi niya rin inalintana ang pag-tulo ng dugo mula sa noo niya.

Dahil sa naging pagkilos niya ay naramdaman siya ni Lhian kaya unti-unting nitong nilapat ang kanyang paningin sakanya. Kitang-kita ang kulay dugong mga mata niya na tila ba'y nakatingin ito sa kanyang kaluluwa at anumang oras ay maaari niya  itong kunin.

Sa halip na matinag at makaramdam ng takot si Lory ay pinanatili lang niya ang kanyang tingin sa nilalang na nasa harap niya. Ramdam na ramdam niya ang kakaibang presensiya na bumabalot ngayon kay Lhian o sa napansin niya ay hindi na nga talaga si Lhian ang nasa harapan niya kundi isang halimaw na uhaw sa pagpatay.

"Since you already knew everything, what will you do now?" Mariing tanong ni Lory sakanya.

Hindi gumalaw o nagsalita si Lhian.

"Hindi lang buhay mo ang nanganganib sa ngayon kundi pati na rin ang mga taong huling nakalista sa Black Book at alam kong kilala mo sila."

Matapos sabihin ito ni Lory ay bigla nalang mayroong grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na tux ang sumugod sa loob ng kwarto. Hindi ito inasahan ng dalawa lalo na nang lahat sila ay nagsipagsugod sa gawi ni Lhian.

Nanlaban ang binata at dahil sa bilis ng reflexes nito ay mabilis itong nakakailag sa mga pag-atake nila. Mabilis din ang nagiging pag-iwas nito sa mga bala ng baril na pinapatama sakanya. Naalarma na ang ilan sa mga lalaki nang unti-unti ay nauubos na sila isa-isa. Naging napakabilis ng pagkilos ni Lhian at napatumba na ang karamihan sakanila.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now