Nararamdaman ko ang kirot sa ulo ko habang iminumulat ko ang aking mata. Malabo ang lahat sa paligid ngunit alam kong puti ang kulay ng silid kung nasaan ako. Hindi ako makagalaw ng husto na para bang tumigas ang katawan ko.
"Gising na ang binibini tawagin niyo na ang doctor , magmadali kayo!"
May narinig akong babaeng matanda kaya lumingon ako sa may banda niya ngunit hindi ko pa maaninag ang mukha niya.
"Huwag ka munang gumalaw iha parating na ang doctor.." malumanay na ani ng ginang sa babaeng nakahiga.
Sakto namang dumating na ang doctor para tingnan siya. Habang nagaalala pa rin ang ginang at ang kaniyang anak sa babaeng nasa harap nila.
"Gello.." nanghihinang sambit ng dalaga.
"Normal na ang vitals niya kailangan niya lamang magpahinga dahil baka mabinat ang mga tahi sa sugat niya."
Mainam na paalala ng Doctor pagkatapos ay umalis din.
Anong sugat? Nasaan ba ako at anong nangyari , ang magama ko nasaan.. kailangan ko silang makita kung okay lang ba sila.. Gello..
"Iha may gusto ka bang kainin ? Nagugutom ka ba?" Tanong ng matandang babae sa dalaga habang naghihina pa rin itong iminumulat ang kaniyang mga mata.
"S-sino kayo? n-nasaan a-ako.."
"Ako si Neniana pero tawagin mo na lang akong Nana Nena at ito namang ang anak kong lalaki si Reyos , anim na taong gulang na." Malumanay na sambit ng matandang babae. Wala ng imik ang dalaga sapagkat hindi pa ito gaanung nakakapagsalita.
Bakit ako napadpad rito sa hospital na ito. Ang tanging naalala ko lang ay bumabyahe kami sa gitna ng malakas na ulan at biglang may bumangga saamin ,pagkatapos nun ay wala na akong maalala.
MAKALIPAS ang isang oras ay napagpasyang kausapin ni Nena ang dalaga dahil batid nitong maraming tanung ang nasa isipan nito at hindi lamang makapagtanong ng maayos sapagkat nahihirapan pa ito.
Bumuntong hininga si Nana Nena at saka tinulungang makaupo ang dalaga na ngayon ay medjo maayos na.
"Alam kong marami kang gustong itanong pero ang tanging alam ko lamang ang maaari kong sabihin sayo."
Tumango na lamang ang dalaga at saka ngumiti ng bahagya si Nana Nena.
" Malakas ang buhos ng ulan sa araw na iyon, malapit na ring maggabi. Napagpasyahan namin ng asawa ko na manatili muna sa silong na ginawa namin na malapit sa aming taniman nang makita namin ang isang itim na sasakyan , wasak at nakabaliktad kung isisipin wala ng taong mabubuhay sa sitwasyon na iyon sa loob ng sasakyan ngunit.." nakita niyang lumuha ito.
Ang anak ko.. napakabata pa niya.. nasaan siya ngayon? okay lang ba siya maayos ba siya jusko patnubayan ho ninyo ang anak at ang asawa ko kung nasaan man sila.
"Narinig namin ang isang dumadaing na babae kaya nagbakasakali kaming may buhay pa at ikaw nga iyon kaya agad ka naming hinatak ng dahan dahan palabas kasi baka sumabog na ito.."
"Y-yung a-asawa ko ho at a-anak ko nasaan s-sila n-rito ba?"
Agad kumunot ang nuo ni Nena.
"Wala kang kasama iha tanging ikaw lamang ang naroon sa aksidente."
"A-anong -- n-naalala kong kasama ko sila p-paanong a-ako lang p-please sabihin n-niyo na ho kung nasaa s-sila."
"Huminahon ka iha.. totoo ang sinasabi ko ng kunin ka namin ng asawa ko ay tiningnan pa ng asawa ko kung wala ng natira bago ka namin dalhin sa hospital."
Hindi maaari nasaan na sila bakit ako lang nandito imposible.. anak.. sana ayos lang kayo hahanapin ko kayo pag nakalabas ako rito.. arghh sumasakit ang ulo ko.
Muling nakatulog ang dalaga kaya pinagpalagay ng doctor manatili nalang muna para sa mas maiging obserbasyon sa kalagayan neto.
1 year later
Third person's point of view
Masayang nakaupo sa swivel chair ang isang babae habang pinapakinggan ang balita sa kanya ng kaniyang tauhan.
"Natapos na ho namin ang pinapagawa niyo."
Ngumiti ito atsaka ininom ang wine na hawak niya sa kaliwang kamay. Bakas sa kanyang mata ang ningning ng tagumpay.
"Mabuti. Pinadala ko na ang lahat ng pera at kailangan niyo siguraduhin niyong hindi ko na kayo makikita pang muli."
"Oho madam." Naputol na ang linya atsaka pinatay ang cellphone na siyang nagsilbing saksi sa nangyaring trahedya.
YOU ARE READING
From End to Beginning
General Fiction"I am willing to sacrifice everything, just...... just come back wife" - Gunter Leo Rodriguez
