Pagkatapos kong magbihis, bumaba na sa baba, lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni John! Walang nagsasalita samin, at dahil sa sobrang masakit parin yung katawan ko nakatulog ako sa byahe!

Paggising ko naramdaman ko na sa isang papag ako nakahiga!

Medyo naalimpungatan pa nga ako, then nilubot ko yung mata ko sa kwarto kung nasan ako ngayon!

'John? John? John?' Tawag ko sa kanya! Medyo nakapikit pa ako nito yung mga mata ko. Grabe antok na antok pa talaga ako. Asan na ba sya? Nung walang sumasagot, napagdesisyunan ko nang idilat na ng maayos yung mata ko!

Laking gulat ko ng marealize ko kung nasaan ako ngayon!

Anong ginagawa ko dito!

~~~

Hindi ko alam kung matutuwa pa ko or magugulat ng makumpira ko kung nasaan ako ngayon! Napatayo ako sa higaan ko at agad agad na lumabas sa kwarto.

'Ate? Liza?' Asan na kayo!

Andito na ko sa bahay! Nakauwi na ko! Hindi parin ako makapaniwala pero nakauwi na talaga ko!

Wala na rin si John, hinanap ko sya sa buong bahay pati sa labas pero wala sya kaya isa pang dahilan kung bakit sobrang saya ko ngayon.

In an instant, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko! Kahit medyo nahihirapan akong maglakad pero i did! I tried my best na makalakad para makikita ko na ulit ang pamilya ko! Nagtataka lang ako kasi kanina pa ko hanap nang hanap pero walang sino man ang sumasagot at pumunta sakin. Sobrang nagalala na ko.

Ngayon ko lang na realize na sobrang gulo at madumi pala dito sa bahay! Parang matagal ng walang nakatira dito kaya sobra kong kinabahan. Kahit sobrang hirap ako, buong araw akong naghanap sa mga kapatid ko pero bigo ako.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko o saan ako pupunta para mahanap yung mga kapatid ko.

Umuwi akong hindi parin sila kasama, pagiyak nalang yung nagawa ko.

Lumipas pa ang isang linggong walang tigil na paghahanap, hindi din na muna ko pumasok sa school para hanapin sila Liza. Mabuti nalang talaga at maunawain yung mga teachers ko sakin. Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa mabalitaan ko na may mga batang kamukhang kamukha daw nila Liza at Joshua. Kaya agad agad akong nagtungo dun sa lugar na sinasabi nung napagtanungan ko!

Pagdating ko sa lugar na yun, halos tumigil ang pagtibok ng puso at mundo ko sa sobrang sakit ng nakikita ko.

Tulog na tulog si Joshua sa gilid ng kalsada habang si Liza naman namamalimos sa mga dumadaan. Sobrang dungis nila parehas, awang awa ako habang nakita ko sila. Mangiyak ngiyak ako ng makita ko yung sitwasyon ng mga kapatid ko! Napakabata pa nila para danasin ang mga bagay na toh!

Anong nangyari? Nasaan si ate at Si papa? Bakit nila iniwan sila Liza! Patakbo kong pinuntahan yung mga kapatid ko.

'Liza! Joshua!'

'Liza! Joshua!'

'Liza! Joshua!'

Patuloy kong tawag sa kanila.

Nang malapitan ko si Liza, sinubukan ko syang hagkan pero parang hindi nya ko nakikilala kasi nilalayuan nya ko.

'Layo sakin bad ka bad ka!' sabi ni Liza habang nagpupumiglas sa yakap ko.

Ano bang nangyari?

'Liza, si kuya Jamie mo ito! Si kuya Jameson! Nandito na si kuya!'

Inaalo ko na sya kasi umiiyak na rin si Liza, tinitigan ako at nung nakilala nya ko, para syang gulat na gulat nung makita nya ko. She instantly hugs me.

'Kuya! Kuya Jamie ba't ngayon ka lang umuwi! Akala namin iniwan mo na kami! Sabi ni papa, iniwan mo na kami! Sabi ni papa, hindi ka na daw uuwi kahit kalian! Hinahanap ka ni Joshua! Hinahanap po kita!'

Nagising na rin bigla si Joshua, at nung makilala nya ko tumakbo sya para yakapin ako.

'Kuya! Kuya! Andito kana ! Hanap ka namin ni ate liza ehh! Pero la ka naman!' sabi ni joshua habang umiiyak din

'Sorry mga mahal ko, hindi kayo iniwan ni kuya umalis lang ako sandali pero alam nyo naman n uuwi ako para sa inyo diba?'

Bumitaw ako sa pagkakayakap nila.

'Asan nga pala si Ate Aubrey? Bakit kayo nandito at wala sa bahay!'

Tumigil muna sa pagiyak si liza para sagutin ako

'Wala na sila! Pagkatapos mo umalis, umalis narin si Ate Aubrey. Araw araw sila nagaaway ni papa! Tapos naggising nalang kami wala na sya sa bahay. Tapos ilang araw, Si papa naman umalis hinahanap namin kayo kuya! Batit nyo kami iwan ni Joshua? Nagugutom na kami! Limos limos nalang tuloy kami gaya nila oh.' sabay turo sa ibang batang lansangan.

'Gaya namin sila, para may pagkain kami ni Joshua! Di na rin po naman alam paano umuwi kaya dito nalang kami tulog Joshua.'

Paliwanag sakin ni liza na hindi ko tuloy maiwasan hindi maiyak lalo! Paano nila nasikmurang iwanan sila liza sa ganitong sitwasyon!

Ate bakit? Nasaan kana! At si papa! Ngayon mas lalong kong napatunayan na isa syang walang kwentang ama! Napaka walang puso nya para iwan sila Liza ng ganito!

Iyak lang sila ng iyak habang yakap yakap ko. Awang awa ako sa kanila, hindi ko ma imagine yung hirap na pinagdaanan ng mga kapatid ko. Napakabata pa nila para pagdaanan yung mga ganitong bagay!

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon