KABANATA 09

15 0 0
                                    

"Hoy, Yssa!"

Natigilan ako sa akmang pag-akyat nang tawagin ako ni Rina. Kunot noo ko siyang hinarap. Mapapagalitan na naman siya ni Nanay Nena sa ingay niya.

"Good morning din naman sa'yo, Rina." Sarkastikong sabi ko.

Bumungisngis siya at nilapitan ako. "Saan ka pupunta, ha?" Tanong niya.

Nagtaas ako ng kilay at tinuro ang taas. "Kay Senyorito Manuel syempre?"

"Wala na siya diyan sa taas!" Masayang sabi niya.

Naguluhan ako. "Anong ibig mong sabihin? Umalis na ba siya? Dinala na sa manila? Paano na ako? May trabaho pa ba ako?" Sunod sunod kong tanong. Nag-aalala ako kay Tatay at Joey, kapag nawalan ako ng trabaho, mahihirapan na naman sila.

"Easy ka lang, gurl! Lumipat siya rito sa baba para hindi siya mahirapan sa pagbaba ng hagdan. Doon na siya sa katabing kwarto nila Donya Esmeralda. Doon mo puntahan!" Sabi niya.

Umaliwalas ang mukha ko. "Talaga?!" Natuwa ako. Ibig sabihin nagsawa na ang Senyorito sa pwesto niya sa taas? Ibig sabihin pwede na siyang lumabas at hindi na siya mukhang kawawa tuwing nakamasid sa bintana ng kwarto niya!

"Puntahan mo na at baka magalit kapag na-late ka!"

Tinanguan ko lang si Rina at nagmamadali na akong tinungo ang bagong kwarto ni Senyorito Manuel.

Kumatok lang ako ng dalawang beses sa pinto bago ako pumasok. Naabutan ko siyang nasa kama pa rin niya at nakatulala sa dingding. Ngumiti ako.

"Magandang umaga, Senyorita Manuel!" Masayang bati ko sa kaniya. Bumaling naman sa akin kaagad ang malalamig niyang mga tingin. Ni hindi man lang nagulat sa biglang pagpasok ko. "Gusto mo po ng kape?" Tanong ko.

Ngumiwi siya at sinubukang umupo. Kaagad naman akong lumapit para ilagay sa likod niya ang isang unan at nang may masandalan siya. "Kanina pa po kayo gising?" Tanong ko.

Tumango siya. "Water." Mahinang sabi niya.

"Ah sige po." Lumapit ako sa dispenser at kumuha ng tubig para sa kaniya. Mabuti nalang pala may ganito na sa kwarto niya. Siguro mamaya pa ipapasok ang ibang gamit niya sa taas.

"Mabuti naman lumipat ka na po rito, Senyorito. Sobra po akong na-excite no'ng sinabi ni Rina na nandito ka." Daldal ko. "Madali ka na pong makakalabas. Mas maganda po ang hangin sa labas. Mas lalong bibilis ang paggaling mo."

"Anong oras ka uuwi?" Tanong niya na ikinatigil ko.

"Bakit po?" Nalilitong tanong ko.

"Sweldo mo ngayon...half day ka lang ba?"

Napakurap ako sa tanong niya. "Uh magha-half day po sana ako kaso luluwas ulit ng Manila sila Donya Esmeralda..." Napakamot ako ng pisngi. "...kaya sa susunod na araw nalang po, Senyorito."

Tumango siya. "Okay." Bumuntong hininga siya. "Gusto kong kumain kasabay sila Mama at Papa mula ngayon. O kung wala man sila...gusto ko may kasabay akong kumain sa hapag."

Ngumuso ako at tumango. "Sige po. Sasabihan ko si Nanay Nena....uh..." Natigilan ako ng tapunan niya ako ng matatalim na tingin. "B-Bakit po?" Ano na naman bang nagawa ko?

"Whatever." Mahinang asik niya. "Go get my wheelchair! Lalabas ako!" Sigaw niya.

Nataranta ako. Kinuha ko ang wheelchair niya sa gilid. Nakaayos na ito kaya hinila ko na lamang palapit sa kaniya. "Kaya ko na!" Asik niya nang akmang tutulungan ko siya.

Nagkamot ako ng pisngi at bahagyang lumayo sa kaniya. Ang weird niya ngayong araw. O baka nanibago lang ako kasi ilang araw din siyang tahimik at hindi sinusumpong? Nagkibit balikat na lamang ako.

Tatlong buwan.

Sa loob ng tatlong buwan na pag-aalaga ko kay senyorito ay masasabi kong lubusan ko na siyang nakikilala. Matalino at magaling pala sa negosyo ang loko. Nalaman ko na may malaking kumpanya pala siyang iniwan sa maynila na siyang pansamantalang hinahawakan ng kapatid niya.

Marami na rin ang naging pagbabago sa kaniya. Masungit pa rin pero minsan nalang. Bihira na rin akong masigawan at titigan na parang wala na akong gagawing matino sa buhay. Gayunpaman, masaya ako na kino-consider na niyang mabuhay.

Kahapon ay masayang binalita nila Senyora na hindi pinaburan ng korte ang nagreklamo kay Senyorita kaya masayang masaya ang lahat. Ibig sabihin lang nito ay napatunayang wala siyang kasalanan at aksidente talaga ang nangyari.

Nakahinga ako ng maluwag para sa kaniya. Hindi ko nga alam kung masaya ba siya sa naging resulta dahil pagkatapos sabihin ni Senyorita na tagumpay sila sa laban ay hindi na kumibo si Senyorito Manuel at mas malamig pa sa yelo ang trato niya sa'ming lahat.

Mabigat akong bumuntong hininga. "Hindi po ba kayo kakain?" Hindi ko napigilang tanong dahil lumalamig na ang tanghalian niya. Wala siyang kinain kanina kaya wala pang laman ang tiyan niya, hindi ko nga alam kung nakakaramdam ba siya ng gutom o ano.

As usual tulala na naman siya. "Kung hindi po kayo kakain, paano po ang mga gamot mo? Kung hindi ka po makakainom ng gamot, paano ka po gagaling? Kumain ka na po, Senyorito. Kahit konti lang...magkalaman lang ang tiyan mo."

"Sa tingin mo ba...gusto ko pang gumaling?" Mariing tanong niya.

Tinitigan ko siya. Diretso pa rin ang tingin niya at wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. "Kung wala ka na pong ganang mabuhay, napaka-makasarili mo po kung ganoon, Senyorito. Kung hindi mo po gagawin ang part mo para gumaling, pinapakita mo lang po sa mga tao na guilty ka. Hindi ka makausad kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin pinapatawad ang sarili mo. Sinisisi—"

"—Enough!" Napatalon ako sa gulat ng hawiin niya ang lamp shade dahilan para gumawa ng ingay ang pagkabasag nito. Nanginig ang mga kamay ko ng may maalala, pero kaagad ko rin iyong tinago sa likod ko. Huwag ngayon, Ysa. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan! Binabayaran ka dito para pagsilbihan ako, hindi para diktahan ang buhay ko! Damn! Kulan—Why are you c-crying?" Napakurap ako at inabot ang basa kong pisngi. Nakita niyang nanginginig ang kamay ko kaya natikom niya ang bibig.

Nanlaki ang mga mata ko sa hiya. "Pasensiya n-na po!" Nanginginig ang boses kong sambit bago tumakbo palabas ng kwarto niya.

Dumiretso ako sa likod. Sa likod ng bahay nila na may maliit na kubo. Dito ako tumatambay kapag breaktime. Presko ang hangin at kumakalma ako sa pwestong 'to kaya dito ako dumiretso.

When She's goneWhere stories live. Discover now