KABANATA 07

32 1 0
                                    

Kailangan kong pumasok kahit anong mangyari.

Nagkaroon ako ng maliit na sugat sa labi dahil sa sampal ni Mama. Mabuti na lang hindi 'yon masyadong halata sa malayuan. Nag-long sleeve naman ako dahil bumakas ang mga kuko ni Mama sa braso ko at namamaga 'yon. Siguradong magpapasa 'yon. Medyo masakit rin. Actually, masakit buong katawan ko....pero kailangan ko nang pera kaya papasok pa rin ako kahit anong mangyare.

Nang makarating ako sa mansiyon ay binati ko lahat ng nadadaanan ko na parati ko namang ginagawa. Pagkatapos ay dumiretso naman ako sa kwarto ni Senyorito Manuel pero bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim. Kailangan ko nang pasensiya at lakas ngayon na harapin ang ka-sungitan niya. Para sa pera, Ysa!

"Magandang umaga po, Senyorito." Masayang bati ko sa kaniya kahit alam ko namang dedma lang siya.

Naabutan ko siyang nakaharap sa TV na wala na namang boses. As usual, Hindi niya ako nilingon o pinansin man lang. Napakamot ako ng pisngi.

"Kape po?" Tanong ko.

"Leave." Malamig niyang sinabi nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Natigilan naman ako at tinitigan siya. Parang may iba sa kaniya. Hindi siya mukhang galit ngayon, he looks torn?

Tiningnan ko ang palabas sa bukas na TV. Anong nakakalungkot sa cartoons?

"Okay ka lang po ba, Senyorito?" Tanong ko.

Nagtiim bagang siya. "Gusto ko nang katahimikan." Mariin sabi niya.

"S-Sige po..." Sagot ko. Ano namang problema niya ngayon? Mas gusto ko 'yong demonyitong senyorito na version niya. Iyong parating naninigaw at galit.

Nag-ayos na lamang ako ng kama niya at kahit iyong hindi magulo ay inayos ko na rin. Mukhang tutunganga lang ako ngayon at mag-aantay na bumalik ang mood niya para apihin ako.

Tinitigan ko ang likod niya. Hindi pa rin siya gumagalaw o kumikilos man lang. Ano kayang nangyari sa kaniya ngayon?

Hindi niya kinain ang tanghalian na hinatid ni Rina kahit anong gawin ko. Hindi ko dapat siya pipilitin pero wala kasi siyang almusal kanina at sinabi pa ni Rina na hindi rin daw ito naghapunan kagabi. Gusto na atang magpakamatay, no way! Hindi ko hahayaang gumawa siya ng kasalanan sa Diyos! At kargo de konsensiya ko pa kapag namatay siya sa gutom.

"Ano pong gusto mong kainan? Ipapaluto ko po?" Pang-ilang beses ko nang tanong sa kaniya. Nakaharap na naman siya sa bintana at nakatanaw sa malayo. Ang lungkot ng mga mata niya at may emosyon pa akong nakikita na hindi ko maipaliwanag.

Nag-aalala naman ako kasi kahit tubig hindi siya umiinom. Tapos napansin ko kani-kanina lang na nasa basurahan lahat ng gamot niya! Mabilis ko iyong sinabi kay Nanay Nena na kaagad namang tinawagan ang Don at Donya na may inasikaso raw ngayon sa Manila.

"Senyorito, kailangan mo pong kumain o uminom man lang ng tubig." Nag-aalalang tanong ko.

Sana umuwi na ang parents niya. Kapag nagtuloy tuloy na ganito siya baka ano pa ang mangyari.

"Senyorito—"

"—Nasaktan ka na ba?"

Nabigla ako sa tanong niya.

"Po?" Napakurap ako. May problema talaga sa kaniya ngayon.

"Niloko ka na ba? Pinaasa? Ginago? Naranasan mo na bang maniwala sa isang bagay na hindi naman pala totoo?"

Ako pa talaga ang tinanong. "Senyorito..." Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

"I was...and I lost everything. Fcking everything. Walang natira sa'kin. Wala." Mariin ang bawat bigkas niya.

Napakamot ako ng pisngi. "M-May nangyari ho ba?" Tanging nabulalas ko.

Hindi siya sumagot.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok bago iyon bumukas. Pumasok si Nanay Nena at sa likod niya ay si Rina na may dalang pagkain.

"Pauwi na ang Don at Donya. Sumama ka muna kay Rina at nang makakain ka. Ako na muna ang bahala rito at susubukan ko siyang pakainin." Sabi ni Nanay Nena.

Tumango ako at sinulyapan si Senyorita. "Babalik po ako kaagad." Sabi ko bago sumama kay Rina.

"Kagabi pang ganiyan si Senyorito. Ni tubig ayaw inumin."

Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko. "Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit siya nagkaka-ganiyan?"

"Tumawag kasi ang Senyorita Manuella mula sa Manila. May binalita siya tungkol sa Fiance ni Senyorito Manuel."

Nilingon ko siya. "Fiance?"

Tumango siya. "Oo, pero patay na. Na-aksidente kasi sila ni Senyorito Manuel. Dead on arrival iyong Fiance tapos si Senyorito...ayun sinisisi ang sarili at ayaw na rin mabuhay."

Kaya pala parang wala na siyang ganang mabuhay. "Ano bang binalita ni Senyorita Manuella kagabi?"

"Hindi ako sigurado pero narinig ko kay Nanay Nena na buntis daw iyong fiance ni Senyorito pero hindi siya ang Ama. Nalaman daw ni Senyorita Manuella iyon nang may magreklamo at gustong kasuhan si Senyorito Manuel dahil sa pagkamatay ng mag-ina niya."

Suminghap ako. "Kaya ba pumuntang Manila ang Don at Donya? Dahil kakasuhan ang Senyorito?"

Tumango siya. "Oo. Syempre hindi nila hahayaang makulong ang anak nila lalo na sa kalagayan nito. At aksidente lang naman daw kasi talaga 'yong nangyari."

Hindi na natanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Rina. Naaawa ako kay Senyorito. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ganiyan siya.

Sinisisi niya ang sarili dahil namatay ang fiance niya tapos nalaman pa niyang niloko siya nito.

Mabigat akong bumuntong hininga. Hindi pa rin talaga siya kumain o uminom man lang ng tubig. Ang parents naman niya ay baka gabi na rin makarating dahil sa traffic at layo ng byahe.

Pabalik na ako sa kwarto ni Senyorito  nang makasalubong ko ang isang katulong. Nginitian ko ito pero ini-snob lang ako. Nagkibit balikat lang ako. Baka pagod lang.

"Senyorito—" Natigilan ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang makarinig ko nang nabasag.

"Senyorito!" Napatakbo ako sa kaniya at nataranta nang makita ko ang dugo sa palad niya. Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ang kamay niya. Nabasag sa kamay niya ang wine glass dahilan para masugat siya—hindi ko alam kung saan niya galing iyon. Wala namang alak sa kwarto niya!

Nilinisan ko muna ang sugat niya 'tsaka ginamot. Tahimik lang naman siya at hinayaan ako. Pinulupot ko ang benda sa kamay niya na mula sa first aid kit box na galing sa banyo.

Bumuntong hininga ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagkatinginan kami. Nandoon na naman sa mga mata niya ang hindi ko matukoy na emosyon, pero sigurado ako sa isang bagay. Nasasaktan siya.

"S-Senyorito....."

"I l-love her...." Garalgal ang boses na sabi niya sabay bagsak ng ulo niya sa balikat ko na ikinagulat ko.

Na-estatwa ako at hindi nakagalaw.

"But she b-betrayed me....."

When She's goneWhere stories live. Discover now