CHAPTER 19: CHANGE or LIE

492 18 0
                                    

Cass POV

It's almost a week nang mangyari ang aminan nina Ashton at Sarah, and alam na din ng parents nila about sa kanilang dalawa.

Niligawan na rin ni Ashton si Sarah noong Isang araw at sila ng dalawa ngayon, at heto kami sa Canteen ngayon kumakain at ang dalawa parang di mailalayo at parang mamatay kung wala ang isa, alam niyo parang sumobra sila sa ka sweetan.

At pati ako nilalanggam, totoo hindi ako nagbibiro kinakagat na talaga ako ng mga langgam kanina pa.

"Umm matanong nga kayong dalawa, sino ba sa inyo ang may kaibigang langgam?" Tanong ni Ayesha na nangangati narin dahil sa mga langgam.

"Si Sarah, kahit na ice princess Siya may mga kaibigan siyang langgam" saad ni Ashton na kinukusot ang pisngi ni Sarah

"So Sarah, pwede bang paalisin mo muna sila, masakit na kasi ang mga paa ko"sabi ni Ayesha at tumango naman silang lahat

"Saglit kausapin ko muna" pagkatapos niyang sabihin yun ang pumunta Siya ilalim ng mesa para, kausapin ang mga langgam, ilang saglit ay bumalik niya siya

"Sorry guys, sabi ng reyna nila ang sasarap at ang dami niyo daw tamis sa katawan kaya babawasan daw nila, lalo na sayo Cass" ngiting nahihiya or na aawa ang ipinakita niya pagkatapos niyang magpaliwanag

"Masama bang mahilig lang talaga ako sa matamis, or sadyang matamis lang tagala ako" bulong kong sabi na, nahabi parin ng kanilang mga tenga

"Matamis ka Kasi kapatid ko" sabi ni Kuya na, nagyayakapan din sila ni Micah

"Kuya bigay mo si Micah sa akin"sabi ko pero ang unggoy kung kuya di ako pinansin, bumuntong hininga nalang ako, at iyon ang ikinatahimik nila

"Magpapahangin lang ako" sabi ko at tumayo, naglakad ako palabas ng Canteen ng hindi sila nililingon, alam kung nagtataka sila pero gusto ko lang talaga mag pahangin.

*********

Nandito na ako sa Garden, kung Saan man ito, kanina pa Kasi ako ikot ng ikot, at binaliwala ko lang, Kasi wala ako sa mood.

At dahil pagod na ako umupo muna sa bench may bench kasi, magpapalipas nalang ako ng tanghali dito, wala rin namn Kasi kaming pasok.

"Makaidlip nga" sabi ko sa aking sarili at nag simula ng magdilim ang paningin ko.

*********

Nagising ako sa kaluskos ng damo, at napadefence stance at handang lumaban baka kalaban ito eh, pero lumabas lang pala ay Isang puting kuneho at puti ang kaliwang mata, violet naman sa kanan, I know it's weird pero di ko nalang iyon pinansin at naglakad na para makabalik na ako sa Academy dahil malapit ng maghating gabi......

Cassie POV

Malapit ng maghating gabi ng di parin bumabalik si Cass simula kaninang umaga nag-aalala na ako, si Ace din kanina pa hindi makapali, ganun din ang iba.

"Nasaan ba Kasi nag sisipot si Cass"alalang saad ni Ate Sunny

"Hindi rin Siya bumalik kaninang tanghali" sagot namn ni Ayesha

"Sana, sumama ako sa kanya kanina, ikaw Kasi Francis eh"maktol ni Micah sa kanyang sarili

Saan na ba Kasi siya, malapit na ang kanilang kaarawan, ito din yung oras na sasabihin namin sa kanila ang tunay niyang katauhan. Lumabas ako ng dorm at hinanap si Cass di ko na nilingon sina Ate Sunny na tumatawag sa akin.

Cass, where ever you are please, please be safe, were coming.

Cass POV

Kanina pa ako hindi mapakali dahil, kanina ko pa napapansin na may sumosunod sa akin, at kanina pa rin ako paikot-ikot sa lugar na ito.

The Long Lost Powerful Legendary Princess of Armenia KingdomWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu