"I'll go ahead Bub, see you later. I love you my Selene." Marmoris gave me a flying kiss kaya umarte akong inaabot ito then we both laughed.

Itinago ko ang cellphone sa loob ng dala 'kong bag bago hinarap si Carlisle, "Saan ba tayo? Uuwi na ba?"

Umiling ang babae sa akin, "May gagawin pa ako" determinado niyang sabi na parang may krimen na gagawin.

"Ano?" kunot noong tanong ko.

Ngumuso ang babae sa walang sulat na malaking illustration board na nasa harap namin. Kanina ko pa nga 'to napapansin pero hindi na ako nagtanong, minsan kasi nakikita ko sina Kairos na may bitbit na ganito para sa proyekto daw nila. Mag da-drawing daw pero si Claude naman ang gumagawa para sa kanya.

Bumunot ang babae ng pilot pen saka nagsimulang magsulat. Pinagmasdan ko lang ito noong una hangga't sa napahawak ako ng sintido ng mapagmataan ko ang kanyang isinulat.

'IBAGSAK SI SENADOR LOPEZ'

"Para saan yan? Bakit naman sariling tatay mo? May problema ba kayo ni Tito? Pinagalitan ka ba?" sunod-sunod na tanong ko. I also feel worried for her, baka kasi nag minaldita naman siya kaya napagalitan ni Tito o tumutol sa bago niyang bodyguard.

"Wala no!" nakangisi niyang sabi, "Naalala mo yung crush ko? Yung si Leandro Buenaventura?" nagtaas baba pa siya ng kilay, "Pupunta kasi siya sa rally against Dad kaya support ko siya." ngisi niya

"Gaga ka ba? Against Tito?" may diin 'kong sabi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero nagsulat rin ulit ito, "So, pupunta ka doon? Tingin mo yung bodyguard slash driver mo ay papayag?" I look at Miguel's direction. Nakatayo kasi ang lalaki habang sumasandig sa kotse niyang nakaparada sa harap namin.

"Pake ko sa taeng bodyguard na yan!" pabagsak niyang sabi.

Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga na lang habang hinihintay siyang matapos. Wala talaga akong magagawa dito.

Iniligpit nito ang kanyang gamit at binitbit ang illustration board na pinagsulatan niya kanina, "Tara na!" aya ni Carlisle sa akin, kaagad naman akong tumayo.

Naglakad kaming dalawa papunta sa kotse nila. . . Nang makarating kami dito ay biglang nagtaas na naman ng isang kilay si Carlisle.

Miguel also look at her. . .The guy look at her with his haughty chinky eyes, he played his tongue inside his cheek while staring at Carlisle's eyes, yung pinsan ko naman ay hindi nagpatinag. She look at Captain Miguel Xandro Sy, like she's ready to devour Miguel.

Nagtaas ng kilay ang babae, "Anong tinitingin-tingin mo diyan? Nagagandahan ka sa akin?"

The guy chuckled the shook his head, "As if maganda ka Marie." he sounds teasing.

My cousin rolled her eyes, "As if gwapo ka Xandro."

My cousin has a love and hate relationship with Miguel. Malambing at sweet si Carlisle kay Miguel kung lasing ito, suplada naman siya at laging galit kay Miguel kung hindi ito lasing. Palagi silang nagbabangayan na parang aso at puso. Gustong-gusto ng pinsan ko na sa tuwing nagtatatalak siya ay patulan siya ni Miguel, kapag naman papatulan siya ni Miguel ay mas lalong nang aaway siya. . . Naawa na nga ako sa lalaki dahil hindi na siguro nito maintindihan si Carlisle.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" si Carlisle, may pairap-irap pa ito.

Miguel gave her a smirk, "You have two hands Marie, open it on your own." he stood up straight.

Inis na inis ang pinsan ko sa sinabi ng lalaki, yung tipong uusok na ang ilong niya. Papatawa na rin sana ako pero pinilit 'kong pigilan ang sarili, umiling-iling ako bago naglakad sa kabilang pinto para buksan ito.

The Temperature is Zero Celsius (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now