Chapter 3

12.9K 211 103
                                    

Nakapikit ako habang nakikinig sa paborito 'kong kanta, humming softly and feeling the lyrics. Pauwi na kami ng Manila, sa loob ng ilang araw na pananatili ko sa Cebu ay bahay, resort at bar lang ang naging routine ko. Nakakabagot man kung iisipin pero nakapag enjoy naman ako.

"Okay ka lang?" napadilat ako ng siniko ako ni Kairos. Kanina pa ako tahimik taliwas sa ugali ko. I'm talkative, I speak a lot of times kahit wala namang sense ang pinagsasabi ko. Nilingon ko siya saka tinanguan ng mahina.

"Lapit na tayo sa Manila. Uuwi ka ba kaagad sa condo mo?" he asked.

I lived alone, at the very young age ay pinili ko, na tumira sa condo kaysa sa bahay. My condo was Kuya Kyden's birthday present, nagalit nga si Mommy kay Kuya kung bakit binigyan ako ng condo nito pero wala 'ring nagawa si mommy.

I just can't think straight when I'm at home... Naalala ko lang siya because he always visits me a lot. Naging tambayan din namin ang bahay noon, he's a friend of mine since I was a kid. I guess he became my boy bestfriend. . . Kapit bahay kami noon kaya mabilis lang niya akong mapuntahan at mabisita ng bahay.

Umiling ako sa kanya, "Sa susunod na araw." sambit ko bago pumikit ulit.

"You seem quiet recently. May problema ba?" I know he's looking at me, I did not open my eyes. "May nanakit ba sayo? Sino?" Now, he sounds serious. Kuyang-kuya ang datingan kahit five minutes lang naman ang agwat namin sa isa't-isa.

"Wala. Ano ka ba!" sambit ko bago tumingin sa bintana at sinilip ang mga ulap. Okay sana kung alam ko kung anong klaseng clouds ang nasa langit ngayon. . . Kaso bobo ako sa Science, ganda lang ang meron ako.

I've been thinking about Marmoris lately, may parte sa puso ko na naghihinayang kung bakit basta-basta ko lang siya tinalikuran at iniwan sa restaurant. But what should I do? I'm a broken vase, if I allow him to enter my life. Alam 'kong masasaktan ako ulit at mababasag lang din ulit.

"You like him?" si Kairos
I shook my head, trying to deny the truth.

"Mukhang seryoso naman ang tao Selene, hindi kagaya ni Garren." wika niya " Nag te-text pa rin ba o tumatawag?"

I shook my head again, paano yun mag te-text at tatawag kung tinapon ko kaagad ang sim ko sa basurahan ng taxi. Sising-sisi nga ako kinabukasan, ilang beses ko na rin binisita ang social media accounts niya. Gusto ko man mag iwan ng mensahe, to apologize to him kaso nahihiya ako sa ginawa ako. Karumal-dumal na krimen ang ghosting.

Sana naman mag chat siya sa akin, sana naman hanapin ako ng lalaking 'yon. Sana naman i-add niya ako sa facebook, follow sa IG, twitter, at mag subscribe sa youtube channel ko para lagi naman siyang updated sa buhay ko.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ng kambal ko, " Just because you move a wrong foot forward, that doesn't mean you can't dance anymore." he uttered. Naupo siya ng maayos at naglagay na lang din ng earphone sa magkabilang tenga.

Kairos is right! Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang words of wisdom niya pero puro ito may laman at patama. Kahit nag babardagulan kami lagi ni Kairos, he never fail to attend his duties to me. He comforted me a lot of times, he was always there for me, at alam na alam niya when I'm not okay, when I'm in the verge of crying. Ganoon nga siguro talaga ang kambal.

Ilang oras pang nagpabalik-balik ako sa kantang pinapakinggan ko. . . Hangga't sa dinalaw ako ng antok at nakatulog. Pagising ko ay nasa Manila na kami. Kuya Caelum was busy talking to Mayari, nagtapat na si Kuya kay Mayari kaya madalas sila ang magkasama. I'm happy for them. . . They both like each other, kaso hindi pa pinayagan si Mayari nina Nanang na magkaroon ng boyfriend. I just hope also that Kuya Kyden would allow her, napaka strict pa naman ng Kuya ko pagdating kay Mayari.

The Temperature is Zero Celsius (Vital Signs Series)On viuen les histories. Descobreix ara