Napalunok ako, totoo???

"Ano? Dito natin malalaman kung mahal ka pa rin ba ni Rayden o hindi na. Magpanggap ka bilang girlfriend ko."

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Gusto kong lumingon at makita ang reaksyon ni Rayden pero hindi ko magawa.

"Follow me."- Jiro said

Hinawakan nya bigla ang kamay ko at agad akong hinila. Nakita ko agad si Rayden sa likuran ko, napatingin siya sa akin agad at sa kamay naming dalawa ni Jiro.

"Ililibre kita ng burger babe, so don't worry."- parinig ni Jiro habang nadaanan namin si Rayden

Napalunok ako.

(WARREN POV)

Palapit na sana ako kila Alee at Jiro nang hilahin ni Jiro si Alee paalis, sinundan ko naman agad. Nakita ko pa si Rayden na nakatayo at nakatingin sa dalawa.

"Ililibre kita ng burger babe, so don't worry."- dinig kong sambit ni Jiro

What?

Pagtingin ko kay Rayden, halos manggigil sa sobrang selos. Oo halata namang nagseselos siya, kaya nga nagalit yan sa akin diba? Dahil seloso siya. Tsh

Lumapit ako sa kanya.

"Selos?"- i said

Napatingin siya sa akin agad, medyo nabigla siya. Sa totoo nyan ngayon ko nalang ulit siya makakausap simula nung nangyari.

"Kumusta? Balita ko naidala ka sa hospital last week?"- i ask

"I'm already fine, ikaw? Hindi na kita madalas nakikita dito sa campus?"- he ask

Ngumiti ako.

"Tinatamad na ako mag-aral."

Natawa naman siya bigla, kaya natawa na rin ako.

"Gago kailan ka ba sinipag mag-aral?"- tanong nya

"Tsh, mas masipag naman ako mag-aral kaysa sa'yo no."

"Tsh."

Natahimik kami ng ilang segundo.

"Hindi ka niloko ni Alee, mahal na mahal ka nya."- sambit ko

"I think so."- he giggled

"Kaibigan ang turing ko sa kanya at ganun rin siya sa akin. Alam ko rin na hanggang ngayon, pwede nyo pang maayos ang relasyon nyo."

"Hindi ko na alam, masyadong komplikado."

"Walang komplikado sa lalaking gusto nyang maibalik ang babaeng mahal nya."

Napatingin siya sa akin ng diretso.

"Bakit? Ganun ka rin ba?"

Napalunok naman ako bigla at tumingin sa bintana sa loob ng taekwondo club.

And i saw her laughing with her boyfriend. Tssh.

"Inom tayo?"- aya ko kay Rayden

"Baliw! Ayoko ng ma-hospital no."

We're laughing. Tsh!

___________________________


(ALEE POV)

Nandito kami ngayon sa canteen ni Jiro, actually nilibre naman nya talaga ako ng burger.

"Kumain ka na."- he said

"Sa tingin mo kakain ako?"

"Malamang burger yan eh at masarap."

Tsh.

"Ayoko."

"Edi wow, kung gusto mo i-take out mo nalang."

Tsh, talaga!

"Ano masasabi mo sa reaksyon kanina ni Rayden?"- natatawa nyang tanong

"Wala."

"Ang boring mo kausap bwiset ka."- reklamo nya

"Eh wala kang kwenta kausap eh."- i said

"Tsh."- hindi na siya sumagot at kumain nalang

"Aalis na ako."- sabi ko sabay tayo

"Teka hindi ka pa nga kumakain eh."

"Bahala ka dyan."- pagkasabi ko nun umalis na ako sa harap nya at lumabas ng canteen, pero napahinto agad ako dahil nasa harap ko mismo si Rayden.

Tumalikod ako at akmang aatras pero napapikit ako ng madiin at napahawak bigla sa ulo ko dahil kumirot. Tsk

"Alee are you okay?"- dinig kong tanong nya

Hindi ako sumagot hanggang sa tatlong segundo ang dumaan, medyo nawala ang kirot ng ulo ko.

"A-Ayos lang ako."- sambit ko at saka umalis sa kinatatayuan ko.


(RAYDEN POV)

"A-Ayos lang ako."- sambit nya at agad na umalis, umabante ang mga paa ko upang sundan siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Alam kong kailangan pa namin ng konting oras para makapag-usap pa ulit.

"Oh? The little piglet."

Napahinga ako ng malalim nang marinig si Jiro. Lumingon ako sa kanya.

Tinanaw nya si Alee na papaalis, tumingin sa akin at ngumise.

"So anong ginawa mo sa girlfriend ko?"

Napakunot ang noo ko sa tanong nya.

"Girlfriend?"

"Yeah, Alee is my girlfriend."

Hindi ko alam kung maiinis ako o tatawa, pero nakakaramdam ako ng inis at gigil sa lalaking 'to.

"Huwag kang mangarap ng gising, kahit na kailan hindi ka papatulan ni Alee."

He smirked again.

"Really? Alam mo kasi Rayden si Alee yung tipo na babaeng hindi chussy, she's strong dude. As in mas malakas pa kaysa sa'yo, hindi siya yung babaeng da-dramahan ang isang lalaking walang ginawa kundi ang saktan lang siya. Kaya itigil mo na yang kahibangan mo. Hindi ka na nya gusto, hindi ka na nya mahal, Rayden."

Sa gigil ko , agad kong hinila ang kwelyo nya.

"Don't you ever to touch her, Jiro."- banta ko sa kanya

"Why? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na mawala siya sa'yo?"

Feeling ko lahat ng dugo ko pumanik sa ulo ko, gustong-gusto ko siyang sapakin pero hanggat napipigilan ko ang sarili ko ayoko siyang patulan.

Binitawan ko siya at agad na lumayo.

"Tss, hanggang ngayon duwag ka pa rin."- he said

"Hindi ako duwag, ayoko lang pumatol sa isang katulad mo."- pagkasabi ko nun tumalikod na ako sa kanya

Pero kahit na kailan hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Alee. Kahit na kailan!






To be continued ...

When I'm with YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora