Nagtatakang napaturo ako sa sarili ko. "A-ako?"

"May nakikita ka pa bang ibang tao rito bukod sa atin?" tanong niya.

Napairap na lang ako. "At bakit naman?"

"Remember the deal?"

Mahina akong napamura. "Kailan ba matatapos 'yang deal na 'yan?"

Hindi siya sumagot at tinalikuran ako. Naglakad na siya kaya kahit ayaw ko, sumunod ako sa kaniya. Napahinto ako nang biglang makasalubong namin si Knoxx. Nilagpasan ko siya pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya galit ko siyang nilingon. "May kailangan ka?"

"Samahan mo ako sa cr. Hindi ko alam kung saan ang cr dito."

Inagaw ko sa kaniya ang kamay ko. "Diretsuhin mo lang 'yan tapos-"

"Gusto kong samahan mo ako," maotoridad niyang sabi at muling kinuha ang kamay ko.

Marahas akong buntong-hininga. "Kapag ba sinamahan kita, titigilan mo na ako?"

"Depende," sabi niya kaya napahilot nalang ako sa sintido ko at tumango.

Papatulan ko na lang.

"Luna!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw. Napalingon ako kay Kamatayan na madilim na naman ang mukha habang ang tingin ay nasa kamay ni Knoxx na nakahawak sa kamay ko. Mariin akong napapikit ng mga mata at winisik ang kamay ni Knoxx.

Mahirap na baka magkalat siya ng tsismis! Hindi pa nga ako nakaka-move on sa issue namin ni Xenor, e tapos makikidagdag pa si Knoxx.

"Bilisan mo," mahinahong sabi niya nang tingnan niya ako sa mga mata saka tumalikod at muling naglakad. Mabilis akong tumakbo para maabutan siya at nang maabutan ko na siya, nagtaka ako na ang tinutungo namin ay papuntang library.

"P'wede ba ako rito?" tanong ko nang makapasok na kami sa library.

"You're aware of my position, right?"

Oo nga pala! SSG President nga pala siya!

Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad saka bumulong sa tenga niya. "Eh paano ako? Ano'ng posisyon ko para p'wedeng pumunta rito?"

"Shut up," may diin niyang sabi kaya napanguso ako.

Ayan na naman siya sa linyahan niya na nakakaurat na.

"Posisyon sa puso mo?" Painosenteng tanong ko.

Panis sa banat ko! Smooooth! Magbubuhat na ako ng sariling bangko ko kasi minsan lang 'to.

Kumunot lang ang noo niya at naglakad na papunta sa bookshelves. Inilibot ko muna ang tingin ko sa library bago sumunod sa kaniya. Nadatnan ko siya na nag-aayos ng libro.

"Tulungan mo akong iayos ang iba pang libro." Utos niya kaya sinunod ko naman. Para akong pinapatay sa sobrang katahimikan kaya tumabi ako sa kaniya.

Napapantastikuhan niya akong tiningnan. "What do you need?"

Makatanong naman 'to parang lagi akong humingi ng tulong sa kani-Ay oo nga pala! Siya nga pala nagdala sa akin papunta sa clinic ni Blaze kahit na pakiusap lang ito ni Tev at gusto niya akong paalisin sa section niya.

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now