20: Breathe Out

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahilot ako sa sintido ko nang pilitin kong alalahanin kung bakit ko nga ba ito naging kaibigan? Ginayuma lang yata ako ng may sapi na ito, ha!

"Paano kung-" Naputol ang sasabihin ko nang matalim ang mga mata niyang binalingan ng tingin. "Subukan nilang galawin kahit hibla ng buhok ni Luna at Ced, tatanggalan ko sila ng ulo."

"Galit 'yan, Kuya?" Natatawang sabi naman ni Cif kaya tumayo si Kaiser at nakipag fistbump kay Cif. "Hindi, Cif. Gusto kasi akong agawan ng spotlight ni Alexus e, kaya nainis ako. Alam mo naman na kung galit ako, malamang nakabulagta na 'yan si Alexus at kailangan na nating maghagis ng black roses sa kabaong niya."

"Black roses?" Takang tanong ni Cif.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kaiser. "Huwag mong pagpapansin-pansinin 'yang kapatid mo na 'yan. Alam mo naman na utak niyan paurong, e."

"Oo nga, Kuya Kaiser. You're twenty already but you're still childish." Pagsang-ayon naman sa akin ni Cif.

Naiinis na nagpapadyak siya at nagmartsa papaalis. "Heh! Pinagtutulungan niyo ako!"

"Saan ka na naman pupunta?" tanong ko nang biglang lingunin ako ni Cif. "Sisilipin niyan si Ced bago maglaro, Kuya."

Naupo ako sa swivel chair at tiningnan ang pintuan na pinaglabasan ni Kaiser. "Kailan kaya magpapakilala 'yang may sapi na 'yan?"

"Hindi siya magpapakilala pero nararamdaman kong magkikita na sila ni Luna at malapit na 'yon," saad ni Cif saka umalis. Ito talagang batang 'to, nahahawa na sa pagiging moody ng kapatid niya. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon na rin 'to ng sapi.

"Sana mahanap niya na ang dalawa niyang kapatid."

Marahas akong napabuntong-hininga sa mga problema namin.

LUNA'S P. O. V

NAKAKAINIS dahil patuloy akong ginugulo ni Knoxx at panay ang sunod sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at galit na nilingon siya. "Ano ba'ng problema mo, Knoxx, ha?!"

Ngumisi naman siya saka namulsa. "Alam mo, ayos na tinawag mo ako sa pangalan ko pero bakit pasigaw?"

"Nakakainis ka kasi! Sunod ka nang sunod. Ngayong pupunta ako ng cr, susunod ka pa rin?"

Umiling naman siya kaagad. "Hindi."

"Oh, eh 'di diyan ka na lang or better yet, go back to our room," sabi ko na ikinanguso niya. Umatras lang siya at sumandal sa pader. "Okay, I'll wait you here."

Naiinis na tumakbo na ako papuntang cr.

What's wrong with him? Is this still about what he told me? As if makukumbinsi niya akong paniwalaan siya sa pasunod-sunod niya sa akin.

Pagkatapos kong magcr, lumabas na agad ako. Wala akong Knoxx na nakita pero meron namang Deth. Nakapamulssng nakasandal siya sa railing at nakapikit.

"Follow me."

Napalingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakitang tao bukod sa aming dalawa. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya, nasa akin ang titig niya.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon