20: Breathe Out

Magsimula sa umpisa
                                    

It's Knoxx.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa notebook ko at nagbasa muli pero naiilang talaga ako dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at tama naman ako dahil nang lingunin ko siya ay nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo? May kailangan ka?" naiirita kong tanong.

"Ang ganda mo," sabi niya na ikinainit ng mukha ko at palagay ko ay namumula na rin ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Naiinis ako sa kaniya dahil sa sinasabi niya tungkol sa parents ko pero ang gwapo niya kasi! Wala namang masamang kiligin, 'di ba?

"Ate!" sigaw ni Tev kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat. Mukhang galing sa cr dahil nasa likod niya si Leo.

"Tama naman ako, hindi ba? Maganda si Luna," sabi ni Knoxx. Nanlaki ang mga mata ko. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat lalo na ni Eunice na napalingon sa amin. "You need to be hospitalized, Knoxx."

"Eunice's right, Knoxx. Samahan ka namin gusto mo?" Pagsang-ayon naman ni Stella.

"Siyempre ate ko siya. Pogi ako kaya maganda siya!" sigaw naman ni Tev na ikinahilot ko sa sintido ko.

"Maganda talaga si Luna!" sigaw naman ni Chaos na ikinagulat nina Eunice at Stella.

"Magandang maganda," natatawang sabi ni Rance na halatang nang-aasar lang. Teka! Bakit nasa room namin ang baliw na 'to?

"Maganda..." Napailing-iling si Leo.

"Medyo lang," sabad naman ni Xenor na kapapasok lang. Inihagis niya ang bag niya papunta sa upuan na nasa tapat ko.

Natigil ang lahat sa pagre-react nang biglang pumasok si Kamatayan na sobrang dilim at wala ng ididilim pa ang mukha niya.

"Sinong maganda?" tanong naman ni Kamatayan na ikinangiwi ko. Walang taste amp!

Panira ang aura niya! Nag-eenjoy pa naman ako sa papuri ng mga hinayupak na gunggong.

ALEXUS' P. O. V

NASA loob kami ng Black Panthers Camp. Nasa lapag nakaupo ang may sapi na si Kaiser. Nakakainis dahil hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya sa kalagayan ni Luna o hindi, e.

"Nakapasok na siya sa loob. Anong palagay mo ang dapat nating gawin?" kalmado niyang tanong habang pinupunasan ang kutsilyo na hawak niya.

"Trust your Dad and the twelfth knight," mahinahong sabi ko.

Itinapon niya ang kutsilyo niya na tumama sa mannequin na nasa likod ko lang. It's a headshot. "But I'm still worried."

"I'm just curious... how can we make sure that Luna will be safe in that section? Do you have something on your mind?" Kunot-noong tanong ko saka sumimsim ng kape. Isang maliit na gang na naman ang pinatumba niya at may balak pang sundan mamaya. Parang walang kaplano-plano sa kapatid niyang nasa panganib.

Ngumuso siya at tumayo saka nag-unat ng mga braso. "Sa akin na 'yon, Alexus. Mamaya gawin mo pa, e 'di inagawan mo pa ako ng spotlight para maprotektahan ang kapatid ko."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon