Hindi ko alam ang dahilan ng pagsugod nilang pareho pero palagay ko ay subok lamang ang kay Zainah at galit kay Hestia. Masama ang tingin nito sa akin kaya't nasabi kong galit ang dahilan.

Naunang sumugod si Hestia bago si Zainah. Kung mabagal ako ay siguradong tatamaan ako ng mga atake nila sa akin. Sa pagsangga ko ng kanilang mga kamay ay nilalaaanan ko ng mas malakas kesa sa pwersa nila.

Naiwasan ko si Zainah sa kanyang sipa at mabilis na hinuli si Hestia sa kanang kamay at pinatama ang binti sa kanyang tiyan kaya napaatras sya at muntik nang matumba kung hindi lang nasalo ng isang kasama.

Napasilip ako sa oras at napangisi. Sabay kaming sumugod sa isa't isa ni Zainah at masasabi kong nakkaasabay siya sa akin pero alam kong lamang ako. Isang suntok ang binitawan niya na nahuli ko at nang mapansin niya na gagawin ko ang tulad sa ginawa ko kay Khiela na sa likod ko pinatamaan ay napapikit siya.

Pagtama ng binti ko ay hininaan ko ang lakas nito at binitawan ang kamay niya. Kasabay ng pagtunog ng oras ay nahawakan ko ang itaas ng damit niya kaya't hindi siya bumagsak.

Napamulat siya at napatingin sa akin. Nagulat sa ginawa ko. Hinawakan ko ang braso niya para matulungan siya itayo. Napansin ko ang pamamasa ng mga mata niya at pagpula ng ilong niya.

"Bago ko i-anunsyo ang inyong mga puntos ay maari na munang bumalik kayo sa inyo-inyong pwesto."

Sa sinabi ni Master Vinz ay agad akong kumilos at nauna kay Zainah. Hindi inaalis ang seryosong mukha hanggang sa makarating sa pinakauna kong pwesto. Malalim rin ang paghinga sa pagod at hinayaang umagos ang pawis.

"Para sa kabuuan ng puntos sa pagsusulit para sa araw na ito. Ang nakakuha ng pinakamataas na puntos ay ang unang grupo at ika-anim na grupo na may perpektong puntos."

Napuno ng palakpakan ang buong lugar. Napabaling ako sa katabing grupo na natuwa para sa akin at binati ako. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat.

"Ang ikalawa ay ang ikatlong grupo na may labing apat na puntos. Ang ikatlo ay ang ikalimang grupo na may labing dalawang puntos."

Naghiwayan naman ang katabi kong grupo at  humarap ito sa akin at saka yumuko. Nagpasalamat kaya napayuko rin ako. Masaya para sa kanila.

"Ang ikaapat naman ay ang ikalawang grupo na may siyam na puntos at ang huli at ikalima ay ang ikaapat na grupo na may walong puntos."

"Sa tatlong araw ng inyong pagsusulit, ang mga nanalo sa una at ikalawang araw ay nakatanggap ng perpektong puntos na dalawampo. Ang mga natalo ay may sampong puntos lamang. Para sa kabuuan ng inyong pagsusulit, ipagsama nyo lamang ang inyong mga puntos at kapag nakasama sa labing siyam na puntos pataas ay pasado."

Nakasabit pa si Khiela. Hindi naman sila nakapasa sa bahagi ng pagsusulit sa araw na ito. Isang kahihiyan na para sa kanila iyon.

"Binabati ko kayo sa inyong ipinakita. Ang mga nakapasa ay makakatanggap ng parangal sa ating klase bukas. Iyon lamang. Maari na kayong magpahinga. Magandang araw. Salamat."  Kasabay ng anunsyo ni Master Vinz ay ang pagkawala ng harang.

Tumalikod na ako para pumunta sa pwesto ni Lia pero napaliingon ako sa malakas na sigaw ng pangalan ko. Paglingon ko ay mula kay Khiela. Magkatabi sila ni Saphira na may pinakawalan na bolang kapangyarihan na mabilis na papunta sa direksyon ko.

Iniangat ko ang kanang kamay at nagpalabas ng snowflakes pagkasaktong pagtama nito. Naglaho ang itinira nila at naging usok na lamang. Napanganga sila pareho.

Maraming natigilan sa ginawa nila at sa nangyari ngayon.

"Huwag niyong hayaang magamit ko sa inyo ang kapangyarihan ko dahil sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng malay." Matigas at seryoso kong pahayag. Napaatras sila at mabilis na umalis.

Nabigla ako nang may yumakap sa akin. At nang makitang si Lia ito ay napabuntong hininga ako. Kailangan kong kumalma.

"Ang galing galing mo, Yejin!" Bumitaw siya sa yakap at tulad ng nakasanayan ay pumaikot na naman ang kamay niya sa braso ko.

"Hmm, Yejin?" Sabay kaming napalingon sa katabi kong grupo.

"Maraming salamat ulit sa iyo. Ako pala si Chaeya, ito naman si Ryuna, Ellise, at Lyndsy." Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanila sa kabila nang katatapos lang na ganap sa pagitan namin nila Khiela.

Pagkaalis nila ay nakita ko sina Zainah at Elitian na nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti ko at napalingon sa tumawag sa akin. Sina ate Ylenna, Yessa at Yurika.

Nang makalapit ito sa akin ay napabitaw si Lia.

"Ang galing mo dun ah. Kawawa yung mga maharlikang iyon." Aniya na ikinatango ko.

"Alam kong iginante mo ang dalawang 'to. Salamat, Yejin!. Hindi na kami magtatagal dahil may gagawin pa kami." Tumango ako at ngumiti.

"Sige, ate Ylenna." Sinundan ko sila ng tingin hangang sa makalayo sila.

"Yejin, ang Elitian." Mahinang bulong sa akin ni Lia. Nakapaikot na naman ang kamay nito sa braso ko.

Pagharap ko ay saktong nasa harap na namin sila. Sabay naman kaming yumuko ni Lia dahil sa unahan ang Mahal na Prinsipe.

"Yejin, pasensya na kanina." Sambit ni Zainah at napayuko. Naalala ko tuloy ang galit ni Hestia.

"Gusto kong makalaban ka ulit sa pisikal na laban. Wala akong intensyon na palabasin ka kanina sa harang, nasiyahan lang ako sa ipinakita mo. Kung iniisip mo na magagalit ako sa ginawa mong pag-atake sa akin dahil nakatalikod ako, ay hindi. Ngunit kung gaganunin mo ako sa salita, mabuti pang lumayo na ako sa iyo at umiwas sa inyo."

"Patawad, Yejin." Tumango lamang ako rito. Bumaling na ako sa Elitian.

"Ipagpaumanhin nyo ngunit, aalis na po kami."

"Hindi ka aalis." Natigilan ako sa seryosong pahayag ng Mahal na Prinsipe.

"Sasama ka sa amin." Dagdag ng seryoso ring si Zanlex.

"Pasensya na, Binibini ngunit may kailangan ang tatlo kay Yejin kaya isasama muna siya nila." Sambit ni Denver na nakatingin kay Lia na ikinanganga ko. Napansin ko rin ang pagtataka ni Zainah.

"Hindi pw-" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay hinawakan ako ni Prinsipe Terrence at isang saglit lang ay nasa isang sala na kaming apat na hindi pamilyar sa akin.

*****
-btgkoorin-

Icy PrincessWhere stories live. Discover now