Chapter 31

69 2 18
                                    

Josh's PoV

"What's your memorable experience during the shoot?"

Yan ang tanong na naabutan namin ni Donnalyn pagkapasok namin sa studio. Mukhang nakita naman ako ni Jeshi kaya kumaway sya sa akin habang nasa harap ng camera. I waved back at saka sya ulit tumingin sa interviewer.

"Sit here" ipinahatak ko ng upuan si Donnalyn kaya umupo sya, tumayo lang ako sa likod nya at dumantay sa sandalan ng upuan.

"Hmm. Nung ano po...nung I chaw daddy look alike. There po cha mall"

Napangiti ako sa sagot nya. Akala ko talaga nawala sya noon but nagshushoot pala sila.

"I'm malungkot po noon kachi hindi po makita chi mommy ko. Ay! Meron pa pala! I chaw daddy cha kalchada tapot I hold hit hand. May icha pa! I chaw daddy nung inutuchan nyo po ako to ride jeepney"

Gusto kong matawa kasi inabot sya ng ilang minuto sa pagsagot dahil nag iisip pa sya. "Puro daddy ha ang galing" bulong ni Donnalyn sabay tingala sa akin.

"Yun yung memorable para sakanya, anong magagawa mo?" Natawa sya sa sagot ko kaya napakunot ang noo ko. "Bakit ka tumatawa?"

"Nothing. Bumabalik lang tayo sa dati. Nagsasagutan na ulit tayo"

---

Pagkatapos ng interview, "okay it's a wrap!" Sigaw ni Justin na ikinatuwa ng lahat. They all applaud kaya nakigaya rin ako.

"Daddy! You're hear po" tumakbo palapit sa akin ang anak ko kaya I hugged and carry her. "Kanina ka pa po?" She asked kaya tumango ako.

Kanina pa ko rito bago pa sila dumating, hindi nya lang talaga ako napansin. Hahaha

"Kuya, ate Lyn, maglalunch na ba kayo?" Napatingin ako sa relo ko nang tanungin kami ni Jah. Tanghali na pala, ng bilis

"Yeah. Baka gutom narin si Jeshi" sagot ko kaya nagmadali syang kunin ang gamit nya.

"Pwede ba kong sumabay?" He asked na ikinatawa namin ni Donnalyn. "Bakit nagpapaalam ka pa? Tara!" Aya sakanya ni Donnalyn.

Palabas na kami ng building para maghanap ng makakainan.

"Jah!!" Napahinto kami sa paglalakad nang marinig namin ang boses ni Ken. Tumatakbo silang lumapit sa amin, "maglalunch na kayo?" I nodded.

"Uy Donnalyn! Long time no see!" Bati ni Pau sa katabi ko.

"Yeah, long time no see. Sabay na tayo maglunch. Marami tayong pagkukwentuhan!"

Maglalakad na sana ulit kami nung may tumawag kay Donnalyn. "Donna!" Yung ihi ng pusa

"Tito Catpyyyy!" Nagwave pa ng kamay ni Jeshi. "Uy! Tapos na recording?" Tanong naman nitong katabi ko.

"Ay sya ba yung sinasabi mong kasabay mong mag lunch?" Tanong ni Pau kay Panghe kaya automatic na napakunot ang noo ko. Anong lunch? Kami magkasabay!

"Sorry Casper. Nandito kasi si Josh. Pero tara sabay ka nalang samin!" Tumango naman agad tong panghe na to.

Long Gone (JoshLyn) [BOOK 2 of GONE?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon