Chapter 10

62 4 6
                                    

"Pwede?" Tanong ko kay Zeinab at Daryl habang buhat si Jeshi. Tapos na kaming kumain at paalis narin kami.

Natawa silang dalawa at nagulat ako kay Zeinab dahil sobrang lakas ng tawa nya. "Ano ka ba! Bakit ka nagpapaalam samin? Hindi naman kami magulang! HAHAHAHAHA"

Napangiti ako ng alanganin. Nagpapaalam lang ako kung pwede ko bang ilibot ang anak ko. Kasi diba sila yung kasama, nagpapaalam lang ako.

"Go bro! She's all yours" natatawang sabi ni Daryl sabay tapik sa balikat ko. Nginitian ko lang sila at naglakad narin palabas ng buffet area.

"Saan mo gustong pumunta, Jeshi?" Napatingin sya sa akin at may tinuro. "Poor"

"Poor?"

"Poor" Tiningnan ko ang tinuturo nya, pool pala. Minsan naman nabibigkas nya yung L. Nababanggit nga nya yung Jeshi pero hindi mabanggit ng tama ang Josh.

JC Santos. Ngayon ko lang narealize yung Tantot na sinasabi nya noon sa mall. *Smile*

"Okay. Pero hindi tayo pwedeng maligo ha? Gabi na"

Pumapalakpak sya habang papalapit kami sa pool. Umupo ako sa isang beach chair habang kandong sya.

Ang lamig na dito sa labas kaya tinanggal ko ang lether jacket na suot ko at ipinatong sa balikat nya.

"Jeshi" napatingala sya dahil para mapahiga sya sa tyan ko. Medyo natawa pa ko nang itaas nya ang paa at kamay nya.

"Where's your daddy?" Nagtatakha kasi ako kung ano bang sinabi sakanya ni Donnalyn tungkol sa daddy nya. Alam ko namang masyado pang bata to para magtanong pero curious lang kung anong alam nya about sa dad nya.

"Phone po" ha? Phone?

I took out my phone at kinuha nya yun sa akin. Natakot pa ko akala ko ihahagis nya pero pinindot nya yon at sinwipe pataas. Alam nya gumamit ng cellphone?!

Nakatitig lang ako sa ginagawa nya. Hinanap nya yung gallery at napatingin sa akin nang walang picture ni isa doon.

"Here daddy. Wala po?"

Hindi ko sya magets kaya napapakamot nalang ako sa ulo. Medyo mahirap pala kumausap ng bata? Pero ayos lang atleast kasama ko diba?

Hawak parin nya yung phone ko, dinala ko yon sa front cam. Nakita nya kaming dalawa sa screen at itinuro ang mukha ko.

I pressed capture. May picture na kami ni Jeshi! Marunong pa syang magpose kaya nakailang shots din kami.

Inopen ko gallery ko at pinakita sakanya ang pictures namin. Pinagsusundot nya ang phone ko. "Daddy!"

Ha?

She looked up at me tapos tinuro ang picture ko. "My daddy" turo nya sa picture ko.

Ano raw? Daddy nya yung nasa picture?

---

Buhat ko parin si Jeshi papunta sa hotel room ko. Binaba ko sya agad sa kama at kinuha yung teddybear na tinago ko sa closet.

"Teddy!" Sobrang lakas ng sigaw nya kaya nakangiti kong ibinigay sakanya yun. Niyakap nya agad yung teddy bear at parang nalulusaw yung puso ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na makitang masaya yung anak mo no?

Nagvibrate ang phone ko kaya nailabas ko yon.

From Zeinab:

Long Gone (JoshLyn) [BOOK 2 of GONE?]Where stories live. Discover now