Chapter 8

50 4 5
                                    

"Magtititigan nalang ba tayong dalawa rito?"

Nakatitig lang ako kay Zeinab at sa katabi nyang lalaki. Ito siguro yung asawa nya.

Pagkagising ko kanina, chineck ko agad ang email ko, nagreply sya at nag usap na magkikita kami ngayon.

Honestly, ako ang nag aya na magkita pero hindi ko alam sasabihin ko. Saan ako magsisimula? Wow kung makapagtanong kung saan magsisimula, parang alam kung ano yung simula a? Ni wala nga akong memory dito kay Zeinab.

"Ehem" nalipat ang tingin ko sa katabi nyang lalaki. Ilang minuto na kami rito pero wala man lang akong masabi. "Hmm. Josh, si Daryl pala, asawa ko" napatango lang ako sa sinabi ni Zebby.

"Josh, pre." Nilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman nya yun agad. Tumatango sya habang nagsasalita, "Kilala kita, pare. Nakikita na kita dati eh. Tsaka nakukwento ka sakin ni Zeinab."

Nalipat ang tingin ko kay Zeinab, "Anong kwento?"

She laughed nang matapos syang uminom ng tubig. "Syempre boyfriend ka ng bestfriend ko. Mga kwento lang ni Donnalyn sakin, ganon"

Napatuwid ako ng upo at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa. "Zeinab, listen to me." Tumango sya at mukhang nakikinig ng maayos.

"Wala akong maalala. Hindi kita maalala, hindi ko maalala si Donnalyn." She looks so shock pero tinuloy ko ang pagsasalita.

"I asked you to meet me kasi gusto kong malaman kung anong nangyari after that car incident"

Napahinga sya ng malalim at napasandal sa upuan. Nagkatinginan pa silang dalawa bago ibalik sa akin ni Zeinab ang tingin nya.

"Okay ikukwento ko sayo pero are you okay now? What exactly happened to you? Bakit ka napabalik? Nandito ka ba para balikan sila?"

Ngumiti ako kasi hindi ang sagot ko sa huli nyang tanong.

"6 years ago nagkalung disease ako. Hindi ako pwede rito sa syudad kaya ako nagpunta sa isla. Naaalala ko yung 2 years ko roon pero after that, nagising nalang ako na 4 years na pala ang nakalipas."

Nakikinig sya kaya napayuko ako. "Nastock ang memory ko roon. Hindi ko maalala yung 4 years."

"4 years ago kayo nagkakilala ni Donnalyn" she said kaya napatango ako.

"Exactly. Wala akong memory about sakanya. Lagi ko syang napapanaginipan, that's all. Kung ano yung panaginip ko, yun lang ang alam ko"

She looks worried. "Pero bakit ka bumalik dito kung hindi ka pala pwede?"

"Okay na ko. Bumalik ako pero hindi dahil alam kong may naiwan ako kundi dahil may naiwan akong supporters na hindi ko alam kung kilala pa ko"

Long Gone (JoshLyn) [BOOK 2 of GONE?]Where stories live. Discover now