14- Beginning of the game.

Începe de la început
                                    

Tuloy lang ako sa paglalakad pero napahinto ako ng makita kong James is now hugging her behind her Back. Tinignan ko si Faye na nakapikit lamang. Kagat kagat nito ang kanyang lower lip. Kilala ko ito, once she bite her lower lip, I know she's stopping her tears to fall.

Ano bang meron sa kanilang dalawa? May relasyon ba sila? Teka. Ba't naman ako nagseselos? Siguro dahil Imbes na sa akin nya ginugugol mga oras nya e sa kanya nya binibigay. Napapansin ko din na lagi na silang magkasama. Wala naman naikekwento si Faye tungkol sa kanilang dalawa.

Nilapitan ko sila.
Nabigla naman si Faye nang makita nya ako.

"D-drew?" sabi ni Faye.

"Ba't nandito kapa Faye?" Tanong ko.

"May nakalimuta-------"

"I'll bring her home. Tara Faye?" Si James.

Lumakad na silang dalawa pero hinawakan ko si Faye sa kanyang braso. Tinignan ako nito. I saw tears on her eyes. Ano ba problema ng Bestfriend ko?

"Ako na." Sabi ko.

Napamaang ang bibig nilang dalawa.

"Hndi na Bro. Ako na. Pupunta kapa ata kina Chelsea bro."

"No. Hinatid ko na sya."

"Ahhhh."

Tinignan ko si Faye na tahimik lang.

"Faye? Are you okay? Halika ako na maghahatid sayo." Tinignan ko si James. "Ma-may Dinner pa tayo mamaya kasama sina Mommy."

Tinignan naman ako nito.
She smiled bitterly. I know there's something wrong. Nafifeel ko ang tension.

"Let's go?" Tinignan ko si James.
Mukhang hinihintay nito ang sagot si Faye.

Then after a second, she nodded.

"Okay. Tara na." Sabi ko. Kinuha ko ang bag nito at lumakad na.

I heard her saying sorry to him. Ba't ba kelangan nyang mag-sorry? Dahil ba hindi ito ang maghahatid sa kanya?

Nang makarating ako sa BMW ko. Hinintay ko syang makarating sa akin.

Faye's POV ..

Inantay kong makasakay si James sa Hummer nya. :( why does I feel this Kind of tension?

Lumakad na ako papunta kay Drew, nakita ko itong nakasandal sa BMW nya with his two hands on his pocket. Mataman ito kung tumingin sakin. Nang nakarating ako sa tapat nito, agad itong umiwas at pinagbuksan ako ng pinto.

Napailing na lamang ako at sumakay sa front seat ng BMW nya. Sinara nya ito at umikot upang makaupo ndin. Nang makapasok ito ay agad nyang sinimulan mag-maneho.

Tahimik lamang kaming dalawa hanggang makarating sa Mansion. Buong byahe ay nakatingin lamang ako sa Bintana tinatanaw ang labas.

Suddenly, he stop the engine. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman din pala.

"Salamat." Yan lamang ang nasabi ko.

Nabigla ako ng ngumiti lamang ito at lumakad na pasakay sa BMW nya. Akala ko ba may Dinner?

"Ah Drew?" Sigaw ko.

"Yes?" He raised his eyebrows up.

"Akala ko ba may Dinner ule w/ your family?" Alanganin kong tanong.

He smiled widely.

"I made an excuse para maihatid kita lately you've been busy with him. Nkakalimutan mo na ako. And have you forgotten? Tita Ethina and Tito are not around." Sabi nito.

Napanganga na lamang ako, oo nga pala nasa Business trip sila.

"Next time. Call me kung kelangan mo ng maghahatid sayo. Sige."

At sumakay na ito.
Nakita ko syang sisimulan ng mag-drive. Kaya Lumapit ako sa bintana ng front seat.

"Drew? Dito kana mag-dinner."

"Sorry. Pero -----"

"I will ask Manang to cook your favorite." Sabi ko.

Ngunit nakatingin lamang ito sa akin.

"Shane's here." Sabi ko.

"Haa?"

"She's home From US. I bet you want to see her? Cmmon. Minsan lang to Drew. I know she will be happy to see you at home." I said while smiling.

"Just call Tita na dito kana mag-didinner." Sabi ko.

Tumango naman ito. Pinasok na nito ang BMW nya sa loob ng mansion.

Agad naman ako nagtuloy sa kwarto ko para makapagbihis. Nakita ko si Shane na nanunuod sa kwarto ko.

"Nakauwe kana pala." Sabi nito habang nakain ng Tacos.

Inalis ko ang blouse ko at umupo sa tabi nya. Tumikim din ako ng Tacos.

"Manang prepared that." Sabi nito.

"Drew's with me." Tipid kong sabi.

Halos maibuga nito ang kinakain nito at tumingin sakin.

"R-really? Nasan sya?"

"Downstair. Dito sya kakain ng Dinner."

"Talaga? Then ask Manang to cook his favorite Liempo."

"I already told her. Oo daw."

"Okay. Ieentertain ko lang sya ha. Magbihis kana." Sabi nito. Tumingin ito sa salamin at nag-ayos ng sarili. Malandi din. Haha. :)

"Yayayain ko syang mag-pool party mamaya. Okay lang ba sayo?"

"I'm tired. Tanungin mo sya kung papayag sya. Dinner nga lang sapilitin pa."

"Ako bahala Cous. I will use my Magic yes." Sabi nito at ngumiti sakin.

Umiling na lamang ako at sinimulan ng magbihis. Sya naman ay lumabas na at sinimulang asikasuhin si Drew.

Magiging masaya ba tong gabing to para sakin? :3

Bestfriends to Lovers (CTM Series #1) - COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum