Kabanata 10

0 0 0
                                    

Kabanata 10

Katherine

Pauwi ako hapon ng Miyerkules at malapit na sa gate ng makita ko si Zeke. I immediately hide, hindi ko alam pero yun ang ginawa ko. Nang makalampas na siya sa akin ay nakahinga ako ng maluwag, lumabas ako sa pinagtaguan kong poste. I cannot face him. Mas gusto kong umiwas kaysa makipag-usap.
When I got home, mabilis akong dumapa sa higaan ko at pinilit ang sariling matulog. Walang kain at walang bihis. Hindi na ako pumasok sa trabaho ko. Bukas na lang..sabi ko sa isipan ko before drifting to sleep.
Kinabukasan ganoon pa rin ang routine, hanggang sumapit ang Friday. Sabi ng kaklase ko mabilis raw ang araw, pero bakit hindi ko ramdam? Pakiramdam ko nga minutos ang bawat Segundo, ganoon kabagal ang oras sa akin.

Pumupunta pa rin ako sa dating pwesto ko tuwing tanghalian pero hindi ko na siya nakikita. Hindi ko na talaga siya nakita sa nakalipas na araw, huli noong pinagtaguan ko siya.
Dumeretso na ako sa fastfood na pinagtratrabahuan ko dala ang resignation ko.

“Kate, you don’t really have to do this” disappointment is written in his face. Ayaw talaga akong paalisin.

“I insist sir, thank you for all the years that I’ve worked here. Malaking tulong sa akin para sa pag-aaral ko.”nakangiting sabi ko.

Ruluctant, but he signed it. Nakangiti naman akong nagpaalam sa naging mga kasamahan ko doon.

“Ano ba yan Kate, o di wala ng pachocolates. Hindi na ako makakatikim ng mahal na chocolates” nangusong sabi ni Liza kaya nakatanggap ng batok galing kay Gino.

“Sira ka talaga! Aalis na nga, yang katakawan mo pa ang inaalala mo!” Singhal nito.

“Eh kasi naman ihhh”

“Manahimik ka na nga. O siya bye Kate, magkikita pa naman tayo. Kain tayo minsan sa labas, kapag may pera” natatawang sabi pa ni Gino.

Natawa naman ako. “Oo naman, tumawag lang kayo. O siya alis na ako, maabala pa kayo at mapagalitan ni manager” biro ko kaya natawa sila bago balik trabaho.

Akmang lalabas na ako ng may tumawag sa akin. Lumingon naman ako at nakita kong si Wilbert.

“Oh?”

“Aalis ka na talaga?” malungkot na sabi nito.

“Ah, oo, iiwan ko na kayo..galingan mo sa trabaho para di ka laging mapagalitan ha?” natatawang sabi ko.

“Tss.. oo naman. Bye the way, I just want to invite you for a dinner” napakamot-batok pa ito. Hindi makatingin sa akin.

“Wilbert” tawag ko naman kaya nag-angat ito ng tingin. “Tinapat na kita noon, hindi kita type at wala akong balak i-type ka” nakangiting sabi ko. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya. “Dalawang taon ka nang nanliligaw pero hindi talaga kita magustuhan, may babaeng naghihintay sayo, para sayo talaga… huwag ka ng umasa sa akin, at yang dinner nay an, sayang pera lang yan, ipunin mo na lang, para sa pag-aaral mo, isa pa pwede naman tayong kumain na magkakatrabaho, KKB ba, para mas tipid” nakangiting sabi ko.

Tiningnan naman ako ng matagal bago ngumiti tapos napailing bago tumawa.

May saltik siguro to, napailing na lang ako.

“Kaya kita gusto e, lagi kang matured kung mag-isip, pero tama ka, ilang beses mo na akong binastd pero sige pa rin ako. Salamat, I promise I will find the right woman for me.”Nakangiti na ito.

Sinuntok ko naman ang braso nito.

“Ouch!” daing nito kaya natawa ako.

“Para kang bakla, ang hina na nga ng ginawa ko para hindi ka masaktan” nangingiting sabi ko “Pero tama yan…O siya una na ako. Bye” sabi ko bago tumalikod at lumaway sa kanya.

Sweetheart Story: In To YouWhere stories live. Discover now