Kabanata 2

0 0 0
                                    

Mabilis akong tumakbo habang hawak-hawak ko ang aking pinakamamahal na gamit. Uso ang larong patintero kapag umaga sa mga mayayamang sumasakay sa sariling sasakyan at tamad maglakad. Isa akong mag-aaral sa isang pribadong paaralang Min Internatinal School o mas kilala sa tawag na MIS at sa awa ng Diyos nasa huling baitang na ako sa kolehiyo.
Sabi nila matalino raw ako, pero ‘di ko naman feel, parang oo pero hindi e. Kilala ako sa tawag na Kate, but my whole name is Katherine Saphire Yamanaka. Sabi nila may lahi raw akong Japanese, e malay ko ba kung mayroon, sabi rin nila, siguro mayaman kami, sabi ko naman, sana nga para hindi na ako makikisiksik sa paupahang kwarto kung saan apat kaming nasa loob niyon.
“Anak ng tsuge, sampung minuto lamang at late na ko. Kainis kasing panood na yan, Ayaw akong tantanan ng mga kabanata. Sana matapilok ang propesor o kaya mahulog sa hagdanan” dalangin ko pa habang binibilisan ang paglalakad pero napakamot din sa batok dahil masama na naman ang likaw ng utak ko. 
“Pakisuot ang I.d miss” sita pa nang guard na kung makatingi’y parang nakapatay ako ng tao dahil lamang sa hindi pagsusuot ng aking I.D.
Paking tape na yan, late na nga ako, may pasuot-suot pa ng I.d na sing kapal ng dos por dos ang lapad.
“Opo ser, sandali lang po at nabaon ata sa kayamanan ni yamashita sa aking bag” alanganing ngiti ko pero inismiran lang ako nung guard. May menopause siguro kaya laging galit. Kainis naman kasing i.D. Nang sinuot ko na ang I.D kung saan nakalagay ang aking kagandahan, mabilis akong tumakbo.
“Late na talaga akooo…” bulong ko sa sarili ko.

“Niyare sayo, mukha kang na-rape ng sampung baklas” Natatawang bungad ni Rael habang busy na naman sa pagkutkot sa mga kukong kasing haba na yata ng buhok.
“Bilisan mo na at tatlong minuto na lang e andito na si sir, nanood ka na naman siguro kaya ka late” sabi ni Riah habang tinutulungan akong i-set up ang aking pinakamamahal na laptop kung saan nakalagay ang aking irereport sa araw na ito.
“Hehe, parang ganoon na nga, O siya, praktis nga ako kahit dalawang minute lamang,”
“O siya. Bilisan mo na”
Hyblood din tong kaklase kong to, palibhasa siya ang susunod sa akin. Haha.

* * * * * * * * *
“And that is the end of my report. Thank you for listening” nag-bow pa ako para hindi naman halatang ayoko na ng further questions. Uso pa naman sa mga kaklase ko ang magbato ng tanong dahil gawain ko rin yun kapag ako naman ang nakikinig. Wala lang trip ko lang para maasar sila.
“Not so fast lady, I still have further question base from your report.” Ngumiti pa ang propesor habang iniikot-ikot sa kamay ang panulat na mas malaki kaysa sa karaniwan.  Alanganin din akong ngumiti, ngunit mas gusto kong irapan at ambaan ng suntok ang mga ka-major ko dahil demonyong ngisi ang ibinagy sa akin. Lokong Jin na yun, sumayaw-sayaw pa talaga sa likuran.
Gago! Wika ko ng walang tunog pero mas lalo pang gumiling ang impakta. Kakatawa,
“Yes sir, I’ll accept any question that you will bestow on me” nginitian ko pa talaga ng bonggang-bonga, labas pati galagid.
“ Tell me the essence of the report that you presented, and why do you think I assign you that task”
E loko pala itong si ser, pagkatapos niyang ibigay sa akin, pinagpuyatan ko ng bonggang bonga, kahit magmasteral na ako sa E-lab kakahanap ng mga facts at kung ano-anong theories, ipapatanong sa akin kung bakit????
Hibang ka ba seeerrr, umbagin kita ser, usto mo urn? gusto kong itanong pero ngumiti pa rin ako.
“I actually don’t know the reason behind it but base on my own point of view, I think you just want us to know the importance of Programming. Many people think that programming is easy, creating different kinds of application or just designing and building computer program, but having knowledge about programing will definitely enhance analytic skills, concise communication, algorithms and accuracy to perform that task well. You assigned me to report this in order for us not to forget the value of our selected course and be proud of it.”
“Whooooo!!! Pang Ms, U” sigaw ni Rael habang pinapaikot-ikot pa sa ere ang mga hand outs na binigay ko.
Sira ulo talaga.
“Grabe, naghanap ako bigla ng tissue, akala ko dumugo na ilong ko” natatawang wika ni Divine habang kanyare nagpupunas ng ilong.
“Sus, kunyare ka e, tumutulo sipon mo! Uhog yan e, Kakadairi ka” natatwang sabi ni Reah habang nagpapaypay.
“Okay class, stop it, Well, that is a nice answer, Plus 10” biro ni sir kaya nag-ingayan na naman ang aking kaklase sa protesta. Binelatan ko tuloy sila. Haha but inga sa kanila.
“Ba’t may plus ten, additional question yun e. Unfair naman!” Rael said while whinning.
“Talo na naman ako, ba’t may paganoon kasi” Kontra rin ni Jin.
“Ikokontesta ko yan kay Dean, Unpeyrrrr yun” sabi rin ni Divine
Napapailing na lang ako habang tinatanggal ang laptop sa pagkakasaksak. Kapag usapang reklamo, nangunguna ang aming grupo.
“Okay, that’s enough, next presenter please’ yun lang at si Riah na rin ang nasa entablado.
* * * * *

Sweetheart Story: In To YouWhere stories live. Discover now