***

Dahan dahang tumayo si Castle mula sa pag kakahiga sa lupa saka pinunasan ang dugo sa kanyang labi.

Paulit-ulit na sinasabing tama lang ang naging desisyon nya. Hindi madali sa kanya ang lahat. Pinakawalan nya ang babaeng mahal na mahal nya. Pero alam nya, ito ang tama.

Alam nyang hindi magiging masaya si Kallen sakanya. Alam nya at ramdam nya na mababaw lang ang pag mamahal ni Kallen sakanya kumpara sa pag mamahal na meron ito para kay Pierre.

Alam nya ma kaya gusto lang mag pakasal kanya ni Kallen ay dahil sa kabaitan na ipinakita nya dito. Dahil sa hindi nya ito iniwan noon. Alam nyang utang na loob ang dahilan ng pag papakasal nito sakanya. At ayaw nya non. Ang gusto nya ay tunay na pag mamahal, oo nga at ramdam nya na mahal din naman sya ni Kallen pero alam nya na kahit anong oras pwedeng mawala iyon. Dahil hindi iyon malalim katulad ng pag mamahal na meron sya para sa dalaga.

Pumasok sya aa kanyang sasakyan saka pinaharurot ito. Umaasa sya na balang araw makikita din nya ang babaeng mag mamahal sakanya.

***

Naiinis na binitawan ko ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Castle pero hindi nya sinasagot.

Nag dududa na talaga ako, baka may babaeng itinatago iyon ah.

Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito. May txt at galing kay Castle.

'Kallen, gawin mo ang totoong mag papasaya sayo. Huwag mo akong intindihin. For once Kallen, gawin mo ang makakapag pasaya sayo. Masaya na ako doon'

Nangunot ang noo ko sa nabasa ko. May problema ba si Castle. Nag lalakad lakad ako sa loob ng kwarto ko at pilit tinatawagan ang number ni Castle. Pero naka off ang phone nya.

Ano bang nangyayari?

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bigla itong bumukas ng malakas.

Pumasok si Pierre na seryoso ang mukha. Pag kasarado ng pinto ay lumapit sya sakin.

"Pierre, ano bang ginaga-"

Naputol ang sasabihin ko ng naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Natulala ako ng ilang segundo. Nabalik lamang ako sa katinuan mg maramdaman kong gumalaw ang labi nya.

Tinutulak ko sya pero hindi sya matinag.

Ano bang nangyayari?

Naramdaman kong pinalupot nya ang braso nya sa bewang ko. Naliliyo ako, ang kaninang kamay na pilit syang tinutulak ay kumawit na sa leeg nya. At ang labi kong nakatokom ay unti-unting sumasabay sa pag galaw ng labi nya.

Alam kong mali ito, dahil malinaw na pag tataksil ito kay Castle. Pero pwede bang kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang sundin ko ang tinitibok ng puso ko?

Habang tinutigon ko ang mainit na halik ni Pierre ay umiiyak ako. Nakakainis! Dahil kahit pitong taon na ang lumipas ay hindi parin nawawala ang pag mamahal ko sakanya.

"Sabihin mo. Sabihin mong mahal mo parin ako" paos na bulong ni Pierre habang hinahalikan ang tenga at leeg ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilang isatinig ang gusto nyang sabihin ko.

Sinapo nya ang mukha ko saka pinaliguan ng maliliit na halik ang kabuuan ng mukha ko.

"Please Kallen. Gusto kong marinig" pag susumamo nya saka muling hinalikan. Tinugon kong muli ito na kasing init ng paghalik nya.

"M-mahal kita.... Mahal parin kita" umiiyak na sabi ko pag kahiwalay ng labi nya sa labi ko.

Hindi ko magawang tumingin sakanya. Hinawakan nya ang mukha ko saka iniangat pataas nasalubong ko ang kulay asul nyang mata. Ang gwapo nyang mukha, naka ngiti sya at halatang masaya sa narinig nya.

"Mahal din kita" sabi nya saka ako kinabig at niyakap ng mahigpit.

Gumanti ako ng yakap. Patuloy parin sa pag agos ang luha ko. Gusto kong sulitin ang senaryong ito, dahil baka gumising ako isang araw na panaginip lang pala ang lahat ng ito.

"Magpapakasal tayo"

Napahiwalay ako sa pag kakayakap kay Pierre at gulat na napatingin sa kanya.

***

A/N: Minadali ko na..

Ang tanong, kanino pakasal si Kallen? Hahaha

Quotes: Sa pag mamahal hindi maiiwasan ang may mag sakrepisyo. BOOM!

Thank you ng marami sa pag babasa ng Mom at 16.... Two to Three chapters nalang Ang nalalabi...

Pagkayari nito.. Become My Daughter's Nanny ang isusulat ko.. Sana suportahan nyo din..

Mom at 16Where stories live. Discover now