Kabanata 32

10 0 0
                                    

Kabanata 32

Paid

Nanlamig ako. Pero hindi dahil sa panggabing hangin, kundi dahil sa sinabi ni Sign.

"Talaga? Magkakilala pala kayo?"

I just have to act fine. Hindi ako pwedeng magpanic sa harapan niya ngayon. Dalawang taon na rin naman ang lumipas...malamang nakalimutan na ng mokong ang mga nangyari sa amin dati...kahit hindi ko naman iyon nakakalimutan. He must have been moving on happily by now. I probably did not cross his mind for the last two years. At paniguradong masaya na sila ni Greta ngayon. Kaya wala ng dahilan pa para umastang may nakaraan kami. I just need to pretend that I have forgotten about the past too.

Nabitin sa ere ang kamay ni Sign dahil hindi ko kaagad iyon tinanggap. Kaya inilapit niya iyon sa akin. Acting unaffected, I looked up at him. Kahit nawindang ako nang nagtagpo ang mga tingin namin ay pinilit ko pa ring ngumiti.

"Oo nga pala. Ikaw iyong sa The Sign. Of course! Kilala ko siya, Tine. Nice to see you too." tinanggap ko ang kamay niya dahilan upang tumindig ang mga balahibo ko.

But it was just a swift and loose handshake. Pinadapo ko lang ang kamay ko sa kamay niya at agad ko rin iyong binawi. Napataas tuloy saglit ang kilay ni Sign dahil sa ginawa ko.

"Wow! What a small world!"

Plastik akong ngumiti sa kaibigan sabay atras nang konti.

"Oo. Anyway, balikan ko lang si Amy, Tine. Huwag mo na akong samahan. Kita nalang tayo sa Lunes."

"Ha? Samahan na kita!"

I already took some steps away from them but I stopped to stop Tina from coming with me.

"Wag na, Tine. Uhm...nandito iyong pinsan mo." sinulyapan ko si Sign na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ako. Tumikhim ako. Tapos hinawakan ko ang braso ni Tina at itinulak siya patungo sa pinsan niya. "Mauna na ako. Kita nalang tayo sa Lunes."

Tumalikod agad ako, hindi na hinintay pa na magsalita ulit si Tina. Naging mabilis naman ang lakad ko palayo sa kanila. Nahihirapan man dahil sa dami ng dala ay hindi ko alintana iyon. I just don't want to stay in front of him that long. Nakakawindang masyado.

Kaya naman pawisan ako nang iabot ko kay Amy ang mga dalang brown bags. Tinanggap niya ang mga iyon habang titig na titig sa akin.

"Tumakbo ka?"

I wiped the sweats on my forehead and slowly shook my head.

"Pawisan ka masyado, Ate. Bakit ka tumakbo?"

Naupo ulit ako sa sulok kung saan ako nagtago kanina.

"Mainit, Ams." pinaypayan ko ang sarili gamit ang mga daliri.

"Nakajacket ako dahil sa lamig, Ate. Habang nakadress ka naman. Tapos naiinitan ka pa?" masama na ang tingin niya sa akin ngayon.

Kunwari naiirita na ako, I shooed her away and told her to just eat her dinner.

"Mamaya na ako. Busog ako dahil kumain kami ng ice cream ni Tina."

"Ice cream?"

Tumango ako habang inaayos ang sarili.

"Kumain ka ng ice cream, tapos pinagpawisan ka? Ganon?"

Natigil ako sa pagtatali sa buhok ko dahil sa tanong ni Amy. Nakapamaywang siya ngayon sa harapan ko habang bitbit pa rin ang mga pagkain namin.

"Oo, Ams. Ganon iyon. Kaya kumain ka na diyan at ng makauwi na tayo agad."

"Ngayon na agad?"

"Oo. I need to sleep early dahil ako ang assign bukas. O baka gusto mong...ikaw ulit?"

The Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon