Now, she need to proceed to the next plan. Inaasahan na niyang hindi tuluyang mauubos ang tubig sa higanteng pool. Maaaring matabunan ng mga gamit ang butas o kaya naman ay mismong pating ang tataklob doon. Kailangan niya lang mapababa ang tubig para maging ligtas sila sa gilid nito.

Hinanap ni Hurricane ang tapat ng ilaw. Mas malapit na iyon sa kanya ngayon kesa sa kinatatayuan niya kanina. Mabilis siyang nakalapit sa ilaw dahil walang tao na nakatayo sa katabi niya.

Hindi siya sigurado kung gaano katibay ang pader, pero sigurado siyang kaya itong tibagin ng hawak na baril. Her Mom is a genius, she can make anything possible in her inventions.

Nagmistulang matalim na cutter ang puno ng baril. Tila malambot na bagay naman ang pader ng hiwain niya. Nang makita ang hinahanap, malakas niya iyong hinila. Kumislap ang naputol na wire ng hilahin niya.

"Distance to the water!" sigaw niya.

This is your end sharks.

Nilubog ni Hurricane sa tubig ang dulo ng wire. Kitang-kita niya ang tila kidlat na gumapang ang kuryente sa ibabaw ng tubig. Ilang saglit pa, nakita naman niya ang sunod-sunod na paglutang ng dambuhalang mga pating habang patuloy sa pagbaba ang tubig.

Naramdaman din niya ang pag-atras ng pader. Lahat ay nakatingin sa kanya. Halata ang tuwa at pagpapasalamat sa mga ordinaryong tao pero walang pakialam na nakatingin ang iba. Ngunit napansin niya ang pagngisi ng mga lalaking tinitilian kanina ng mga kababaihan, si Casseus at ang ROOM mates na pare-parehong nakatingin sa direksyon niya.

"I never expect you from doing that," Narinig niya ang boses ni Drevon na hindi niya namalayang na sa katabi na pala niya. Nilagay nito ang naiwan niyang roba sa kanyang balikat, "But I hope you won't be eliminated."

Nakuha nito ang atensyon niya.

"What do you mean?" tanong niya habang nakatingin dito.

"Nang dahil sa ginawa mo, you'll be considered as the winner. Remember the rules?"

Tumango siya at umiwas ng tingin sa lalaki. Nang mapagmasdan ang paligid, hindi siya magsisisi na ma-eliminate sa laro. Haharapin na lang niya sa labas ang ginawa niyang gulo sa Mafia Lord.

"It's good to be eliminated here," sagot niya.

Muli siyang napatingin kay Drevon ng tumawa ito.

"You know we're in the middle of the sea, right? Do you think makakaalis ka rito ng ganoon na lang?"

Natahimik siya at napaisip. Ngayon mas nagkakaroon siya ng ideya sa kalakaran ng laro.

"Tingnan mo sila," Tukoy nito sa mga kalahok na bale-walang nanood kanina, "Hindi sila kumilos unless sigurado silang may winner na,"

Tama si Drevon. Ngayon nakikita niyang kanya-kanyang lumusong sa tubig ang mga kalahok para kumuha ng kagamitan.

"Kahit sila ayaw ma-eliminate dahil walang may nakakaalam kung ano ang mangyayari," Dugtong nito.

"Bakit kayo sumali sa palarong ito?" tanong niya.

"We're invited,"

Kunot-noo siyang tumingin sa lalaki.

"You're not?" Tanong nito sa kanya kaya umiling siya, "You're in a big trouble." Umiiling nitong sabi. "Besides, this is a yearly event in our world." Dugtong nito. 

"Your world?" naguguluhan niyang tanong. May kakaiba sa sinabi nitong mundo nila. "What..."

"Devils!" Naputol ang sasabihin ni Hurricane ng muling umalingawngaw ang boses ng babae sa lugar, "You killed my pets, My Lady." Alam niyang siya ang tinutukoy nito. 

"Come in front of me and I'm glad to kill you too." Seryoso niyang sabi.

Naawa siya sa mga inosenteng naging biktima ng larong ito kanina. Hindi makatwiran ang bagay na iyon kaya't nagpupuyos ang dibdib niya habang nakikita ang ilang nakaligtas na kulang ang parte ng katawan. 

Mala-demonyo itong tumawa ngunit nanatili siyang kalmado.

"I'll see you soon, My Lady." Sambit nito. "Anyway, the trial is done." Marami ang nag-react sa sinabi ng babae, "This is not part of the real game and the things you got is just a decoy. Consider this as my welcoming party."

May mga nagalit ng nakitang walang laman ang bag. Mayroon namang deadma lang at walang pakialam na muling itinapon ang bag sa pool.

"The things you need are already in your quarters. Go back to your real quarters Devils."

Nang mawala ang boses ng babae, bumukas naman ang isang pintuan. May ilang naka-tuxedong lalaki ang pumasok. Kung wala itong dalang stretcher aakalain mong dadalo sila sa isang party pero balewalang kinokolekta ng mga lalaki ang sugatan. 

"I think it's done for today." Sambit ni Drevon.

Inayos ni Hurricane ang kanyang roba at hindi alintana ang sugat sa tagiliran.

"Just a little advice, don't make the devil mad. Baka pag-initan ka niya."

"I don't care," sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad.

...

...

Hindi tulad ng unang silid na pinasukan ni Hurricane, mas simple ang kinaroroonang lugar ngayon. Sunod-sunod na pintuan ang nakita niya na mayroong mga pangalan. Nakapasok na ang iba sa designated rooms pero hindi pa rin niya makita ang sa kanya. Kailangan na niyang lapatan ng lunas ang sugat. May mga pamilyar na pangalan na siyang nababasa tulad 'nung sa ROOM mates, Casseus at maging kay Drevon. Nakarating na siya sa dulo ng hallway saka pa lang niya nakita ang pangalan sa pintuan.

Kaagad siyang pumasok. Tulad ng kanyang inaasahan, walang karangyaan na makikita sa loob at wala siyang pakialam kahit ganoon. Ang mahalaga sa kanya ay mga basic needs. Pinuntahan niya agad ang closet at laking pasalamat niya dahil may laman iyon, maging ang bathroom ay kumpleto rin.

Kumuha lang siya ng isang pares ng damit at nagtungo sa banyo. Nilinis niya ang buong katawan maging ang kanyang sugat. Nang maayos na ang lahat sa kanyang sarili ay saka siya lumabas sa bathroom.

Naghahanap siya ng suklay pero napansin naman niya ang papel na nakalagay sa ibabaw ng maliit na kama. Kinuha niya iyon at binasa ang nilalaman. It's a schedule of the games at kung saan gaganapin ang bawat laro, pero ang nakaagaw sa atensyon niya ay ang restaurant kung saan pwede silang kumain ng libre. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang mahabang buhok. Nasanay din siyang may nag-aayos n'on para sa kanya, kaya kapag wala sa mood hinahayaan na lang niya kung anong itsura n'on.

Dinala niya ang papel at nagtungo palabas ng kanyang silid. Nang buksan niya ang pintuan nakita niyang nagsasara naman ang lalaking occupant sa katapat na kwarto. Nakatalikod ito sa kanya.

Maayos niyang sinaraduhan ang pintuan pero natigilan siya pagharap.

Napasinghap siya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking naniningkit ang mga matang nakatingin rin sa kanya.

Sh't! It can't be. 

"Supremo?"

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon