Gustong-gusto kong magsalita pero pakiramdam ko magkakaroon kami ng malaking problema ni Deth kapag magsalita pa ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Luna at inilagay ito sa tagiliran niya kung saan siya may tama saka ko dahan-dahan siyang binuhat. Gusto kong hintayin ang go signal ni Deth pero kung hindi man siya papayag, ako na mismo ang magdadala kay Luna sa hospital. Wala na akong pake sa utang na loob at pagiging magkaibigan namin ni Deth kung buhay ni Luna ang kapalit.

"You'll help her, Leo, right?" Puno ng pagsusumamong sabi ni Steven na hinihila pa ang damit ni Leo. Napasabunot siya sa buhok niya at matalim na nang-angat ng tingin. "She saved me twice for fuck's sake! Kahit huwag niyo nalang isipin na kaklase na'tin siya. Isipin niyo nalang ako! 'Di ba ako ang bunso ng section natin? Well, ang bunso niyo lang naman ay muntikang mamatay at ang babaeng ayaw niyong tulungan ay ang nagligtas sa bunso niyo! Now, please, I'm begging! Help her kahit para sa akin nalang!"

Binitawan ni Deth ang hawak niyang kutsilyo saka lumapit sa akin. "I'll carry her."

"I will ready the car." Presinta ko saka ko sa kaniya ibinigay si Luna.

"No, we will go inside the club," maotoridad na sabi niya.

"Bakit doon?"

"May clinic ang club na 'yan!" sigaw niya na ikinagulat naming lahat.

"Deth! Pagpapakamatay ba ang hanap mo?!" galit na sigaw ni Xenor.

"Fuck you, Xenor!" sigaw ni Deth saka mabilis na umalis sa harap namin, bitbit si Luna.

Hindi siya p'wedeng pumasok muli sa loob. Katatapos lang ng laban at malamang ay nakarating na sa loob kung sino'ng nanalo at kami 'yon. Ang mga nasa loob ay malamang galit na galit na sa amin kaya pagpapakamatay talaga ang hanap niya.

Wala na akong pake at sumunod sa kaniya. Ganun din sina Steven, Leo, Wolf, Storm, Gabriel, at River.

"Move!" sigaw ni Deth at gaya ng inaasahan ay nakatutok na sa amin ang mga baril ng lagpas benteng katao.

"Blaze!" sigaw ni Deth kaya nakisigaw na rin kami. "Blaze! Lumabas ka sa lungga mo!"

May pumutok na baril pero hindi kami natinag pero nagulat kami nang biglang may lumipad na kutsilyo sa lalaking nagpaputok. Damit lang nito ang natamaan at nakasabit na siya ngayon sa kahoy.

Si Deth ang naghagis ng kutsilyo.

Humigpit ang hawak nilang lahat sa baril na lahat ay nakatutok na sa ulo ni Deth pero mukhang wala naman itong kinatatakutan. Kaya nga Deth, e.

"Blaze! Lalabas ka o sasabihin ko ang tunay mong pangalan!" Pananakot ni Deth na kahit sinong leader ay mapapalabas pero totoo ba? Alam niya? Paano?

"Who the fuck is calling my name?!" sigaw ng isang lalaking nasa itaas na may magulong buhok at nakahawak sa railing. Ikinakabit nito ang mask niya na gawa sa bakal. Kalahati lang nito ang natatakpan sa mukha niya. Mula ilong hanggang baba niya ang natatakpan. May mga butas ito kaya siguradong makakahinga nang maayos ang magsusuot. Matapos niyang ma-secure ang mask niya, nagkusot siya ng mga mata. Makailang beses siyang kumurap. Mukhang dahil sa mga ilaw sa club ay nahihirapan niya kaming makita.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon