13: Alexus Dreyar Vargas

Magsimula sa umpisa
                                    

Alam niya kasi napagkamalan niyang kwarto ko 'yung kwarto nina Mommy no'ng minsang sinabi ko sa kaniya na itakas niya ako dahil pinaghihigpitan ako nina Mommy. Hindi ko alam kung matatawa ba ako no'n kasi dahil doon, nagkakilala sila nina Mommy at Daddy. Parehas nga lang kaming napagalitan pero nagawa pa nila Mommy na pakainin at makipagkwentuhan kay Alexus.

[Oo.]

"Sa may closet at sa pinakataas may plastic envelope roon. Kunin mo 'yung may name ni Ced."

[Okay. I'll get it now.]

"Tawagan mo na lang ako kapag nakarating kana sa school."

[No, I'll take care of it. Just rest.]

"Okay. Thank you."

[Hmmm... You're welcome,] sabi niya saka pinatay ang tawag.

Nang matapos si Ate sa paglinis ng mga sugat ko at matapalan ulit ito, natulog na ako ulit dahil sa matinding antok na nararamdaman ko. Sinabihan din kasi ako ni Ced na huwag na muna siyang intindihin at magpokus muna ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang sundin. Siguro dahil alam kong safe naman kaming dalawa rito at may mag-aasikaso sa kaniya pansamantala.

Tama sila nina Alexus. Kailangan kong magpahinga para makabawi agad ng lakas. May pasok pa ako bukas.

NAGISING ako nang gisingin ako ni Ced na pinipisil ang ilong ko.

"Ate, gising na. Dinner na, e."

Dinner?

"H-huh?" Nagkusot ako ng mga mata ko.

"Sinubukan kitang gisingin kaninang tanghali pero ayaw mong magising. Inisip ko na lang na mas kailangan mo ang tulog kaysa kain pero ngayon, need mo na talagang kumain." Paliwanag ni Ced kaya dahan-dahan akong bumangon. Nilagyan niya ng unan ang likod ko saka ako sumandal.

"Here, ate," sabi niya saka hinawakan ang tray na may lamang bowl na may sabaw at kanin na nasa gilid ko lang. Tinulungan ko siya sa paglapit nito sa akin.

"Sino nagluto nito, Ced?" tanong ko nang kunin ko na ang plato na may kanin at nilagyan ng kaunting sabaw ng sinigang na baboy.

"Si Kuya Alexus po. Tumulong ako sa kaniya sa pagluto para matuto ako."

Ginulo ko ang buhok niya. "Ang galing naman ng baby ko."

Umiling-iling siya kaya itinaas ko na ang kamay ko. "Ate, I'm no longer baby na."

"Still, you're my baby," sabi ko saka ako sumubo. "Masarap. Kumain kana ba?"

"Yes, Ate. Sinabayan ko na si Kuya Alexus dahil hindi raw po makakauwi si Tito Alexander."

Tumango lang ako saka nagpatuloy sa pag kain.

ALAS-OTSO na nang napatulog ko na si Ced sa tabi ko. Tatayo na sana ako para maghilamos nang biglang pumasok si Alexus na may dalang palanggana kaya bumalik ako sa pwesto ko.

"I said don't move," iritadong sabi niya saka inilapag ang palanggana sa mesa. Lumapit siya sa akin at iniayos ang unan sa likod ko saka siya naupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko. "Wala na bang ititigas pa ang ulo mo?"

"Meron pa. Gusto mo makita?"

"Huwag na. Expected na pala 'yon," sabi niya saka inilublob ang bimpo sa palangganang may tubig at pinigaan. Akma nitong ipupunas sa mukha ko nang pigilan ko siya. "Ako na."

"Huwag makulit," sabi niya kaya napanguso nalang ako at hinayaan ang kamay niya.

"Cute."

Ako? Cute?

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon