Chapter 15 Night woods

2 2 0
                                    

-Night woods-

⚠️WARNING:⚠️
⚠️May Typo⚠️
⚠️May Wrong Grammar(Pasyensiya't hindi magaling sa English)⚠️
⚠️Ang ibang Chapter ay May Bad Words⚠️

******

Ang ending ay pumunta pa rin kami, ngayon naglalakad na kami. Sa sobrang pangungulit ko ay napapayag ko siya.

"Huwag kang bibitaw sa akin kapag nasa Night woods na tayo!" Seryosong saad nito at hinawakan ang kamay ko.

Night woods, pangalan palang nakakatakot na.

"Ang tigas ng ulo mo, kapag may nangyari sa'yo, hindi ko alam ang gagawin ko." Saad nito.

"Wala yan, nandiyan ka naman ehh, I know p-protektahan mo ako!" Nakangiting saad ko.

Nang makarating kami sa Gate na Black, kung saan may sign na Dragon ay binuksan iyon ng kung sino, may Gwardiya pero naka all black sila at nakakatakot. Napakapit ako ng mabuti kay Gian.

"Chix yan ahh, baka naman Gian!" Nakangising saad nito.

"Oo nga, paghati-hatian natin!" Halatang mga manyak, natatakot ako.

Mapagkakatiwalaan ko ba si Gian?

Hinawakan ako sa mukha ng lalaking nasa tabi ko, sa kaliwa.

Umiwas ako. "Aba umiiwas! Huwag ka ng pabebe!" Saad nito at hinawakan ng marahas ang mukha ko.

Naramdaman kong ibinaon niya ang kuko siya sa mukha ko, ang sakit.

Tumulo na lang ang luha ko.

"Bitawan mo siya!" Mariing saad ni Gian, nung binitawan ako nung lalaki ay yumuko ako at pinunasan ang luha ko.

"Gian kanina ka pa hinihintay sa loob!" Malamig na tugon nito at nakakatakot ang kaniyang boses.

Napalingon ako sa kaniya. Sobrang nakakatakot ang mga mata niyang kulay blue, it's like an ocean eyes, diba dapat nakakarelax iyon, pero bakit natatakot ako?, na parang si Yozan, Kahawig din niya si Gian, Gwapo rin kaya lang mas matangkad ng kaunti ang lalaking ito kay Gian, maganda ang build ng katawan at may tattoo rin siya sa kaniya kaliwang leeg.

Anong ibigsabihin nun? Halos lahat ata sila may tattoo sa leeg.

"At nagdala ka pa talaga ng babae rito. Bawal ang babae rito diba, mapapahamak lang siya!" Naiiritang saad nito.

Nagtama ang mga mata namin kaya naman iniwas ko rin yun.

"Ikaw babae!" Sigaw nito kaya naman napayakap ako kay Gian.

"Gian, ayoko na rito! Alis na tayo please huhu!" Naiyak na lamang ako bigla.

"Shhh Don't cry, hindi kita mailalabas sa ngayon, mamaya siguro. Kailangan na ako roon, ayokong maparusahan." Saad nito kaya naman humiwalay na ako.

"Huwag kang matakot, matapang ka diba!" He smiled at me at ginulo ang buhok ko.

"Kuya Kian ikaw ng bahala sa kaniya, huwag mo siyang sasaktan at huwag na huwag mong hayaan na mapahamak at lapitan siya ng mga kasamahan natin!" Makahulugang saad nito at umalis.

"G-gian!" Saad ko pero hindi naman yata ako narinig.

"Wala na si Gian, gawin na natin ang dapat gawin!" Napalingon ako sa lalaking nasa kanan ko at hinawakan ako sa braso nung dalawa at kinaladkad papunta sa isang kwarto.

"Tulong, tulong!" Sigaw ko, pero ang lintek na Kian ay hindi ako pinansin.

"Bitawan niyo ko!" Sigaw ko at nagpupumiglas.

My Endless Fairytale | On-Going |Where stories live. Discover now