"Dapat pala matagal na tayong pumunta dito." Natatawa na wika ni Summer. Ngumisi na lang ako.

"May babae na tumawag sa kanya. Pinsan niya tapos inaaya tayo kung pwede tayo mag dinner with them. Is it okay?" Tanong ko sa kanila.

Napangiti naman ako ng pumayag sila. Tinapos na namin ang pagkain at pumunta ako sa veranda. Sila naman ay mag-aayos na para daw maglibot kami.

I decided to call Amara. Sa ikalawang ring sinagot ito.

I sighed. "Uh, hello Amara. Si Alexandra 'to."

[Hi? Hindi ako si Amara.]

Natatawang sabi nito sa kabilang linya. Pamilyar ang boses!

Tinignan ko yung number at ngayon ko lang na realize na pogi typings rawr rawr ang nakalagay. Hindi siya nagpalit ng number!

"Pero ito yung binigay ni Amara sa akin. Who are you?" Tanong ko baka hindi naman pala talaga siya 'to.

[You don't know my voice. Ouch. Kanina kausap pa kita.]

Pinigilan ko ang matawa. "I'm sorry, Aziel. Pahingi na lang ako ng number ni Amara."

[Okay. Send ko na lang.]

"Thank you. Bye." Paalam ko at ibinaba na ang tawag.

Ngayon ko lang napansin na halos hindi na pala ako humihinga habang kausap ko siya. Napabuga ako ng hangin. Ang ganda ng boses niya talaga sa phone.

Tumunog ang aking cellphone. May nagtext galing kay Aziel. Ngayon ko na lang ulit mabubuksan ang text message mula sa kanya. Hindi ko pa nga napapalitan ang pangalan niya.

Tinawagan ko kaagad si Amara para ipaalam. Nakalimang ring pa bago niya sinagot.

[Hello. This is Amara Defuerzo. What can I do for you?]

"Hi, Amara Defuerzo. This is Alexandra Gail Savedra."

Humahalakhak ito sa kabilang linya kaya napahalakhak na rin ako.

[Oh. Mukhang alam mo na ang ginawa ko.]

Bumuntong-hininga ako.

"Of course. Ikaw ha bakit kay Aziel na number binigay mo?"...meron naman ako non.

[Sorry. Bakit ka pala tumawag?]

"They agreed to have dinner."

Last day na namin ngayon. Paano ba naman ang isang araw sa pagbiyahe lang nagugol. May lipad na si Chelsea at si AC din may fashion show para sa mga bagong gawa na gown.

[Okay. Ako na lang pipili. Okay lang ba?]

"Sure." sagot ko at nagpaalam na.

Nakasuot lang ako ng High-Waisted Shorts na pinaresan ko na lang ng bikini top pinatungan ko rin ng kimono blazer. Nandito kami ngayon sa souvenir shop. 

Naghahanap ako ng pwedeng ibigay kay Mommy. Ipapadala ko na lang sa kanila dahil may sarili na akong condo. Bumili na ako ng t-shirts, bags and barrel man. Naghahanap ako ng dried mangoes pero parang wala 'yon dito.

Luminga-linga ako pero nakita ko ang isang batang lalaki na nasa limang taon yata. Lumapit ako sa gawi nito. Nasaan kaya ang parents nito?

"Hi! What's your name?" Nakangiti kong bati dito at umupo ako para mapantayan ko siya. May kamukha siya! Tinitigan ko ang bata na nagtataka ang tingin sa akin.

He smiled and waved his hand. "Hello po. I'm Alcade Caius."

Nagpakilala rin ako sa kanya para hindi matakot sa akin. Ngumiti ito, "You're pretty po, Tita Gail."

My heart melts. Kinurot ko ang pisngi nito. "Thank you. Where's your Mommy?"

Umiling-iling ito. Hindi niya alam kung nasaan ang Mommy niya.

"Ganito na lang sama ka sa akin and we will find your Mommy, okay?"

Tumango ito at humawak sa akin. Nasaan kaya ang parents nito.

May kamukha siya lalo na kapag ngumingiti. Shoot! Kamukha niya si Aziel! Anak niya ba ito? Napailing na lang ako. Ano namang pake ko kung may anak na siya.

Pumunta kami ni Alcade sa may mga bags baka dito pumunta ang Mommy niya. Habang naglilibot kami dito sa bags station kumbaga may tumawag kay Alcade na boses lalaki mula sa likod namin.

Napatigil kami ni Alcade at humarap sa tumawag. Malayo pa sila. Tatlo silang lalaki parang kilala ko na yung isa. Napasinghap ako ng makitang si Aziel nga ito. Anak niya talaga? Lalo silang naging mukhang tatay ng pumunta si Alcade kay Aziel. Ang dalawa naman na lalaki ay ginulo ang buhok ni Alcade.

"Where have you been, Alcade? Your Mommy is finding you." Tanong ni Aziel. Ngumuso si Alcade kaya napangiti ako. Ang cute niya talaga!

Tumingin sa akin si Alcade kaya napatingin din tuloy sa akin si Aziel at ang dalawang lalaki. Grabe!

"Tita Gail, this is my titos po." Imporma nito sa akin. Tito naman pala.

Sumipol ang isang lalaki na clean cut ang buhok at ngumisi naman ang isa na kung titignan mo para kang manlalamig dahil wala man lang ito kaemo-emosyon! Si Aziel naman ay gulat ng makita ako.

"Uh, hi," nahihiya kong bati. Nagulat ako ng inilahad ng lalaki na sumipol ang kamay niya sa akin.

Nagpakilala ito. "Hi, miss. I'm Lyle Defuerzo."

Nahihiya ko naman na kinuha ang kamay nito. "Alexandra Savedra." Nanlaki ang mata ko ng akma niyang hahalikan niya ang kamay ko. The hell?

Seryoso siyang tinignan ni Aziel. "Tatanggalin mo o tatanggalin ko ang nguso mo."

Tumatawang binitawan ng lalaki ang kamay ko. "Chill, bro."

"Alcade, Tita Gail will go first na." paalam ko kay Alcade at bumaba siya mula sa pagkakakarga ni Aziel so I bent down. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi. Narinig ko pa ang mahinang sabi noong Lyle.

"Si Alcade nakahalik na sa pisngi pero yung isa diyan patitig-titig na lang." Napailing na lang ako.

Nagpasalamat pa sa akin si Alcade kaya naman nginitian ko ito at hinalikan sa pisngi.

"Una na ako, Aziel. See you around." at umalis na. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng babaeng nandito sa souvenir shop nakatingin sa kanila.

Hinanap ko na lang sila Summer at wala na sila dito sa souvenir shop. Iniwan ako! Binuksan ko ang phone ko at tinawagan si Chelsea. Nasa Jonah's Fruit Shake daw sila. Napangiti ako at pumunta na sa Jonah's Fruit Shake.

Perfect StrangersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang