Iilan lang ang mga pinapapasok nila rito at ang lahat ay may maskara na espesyal na ginawa para sa lahat ng miyembro o nakikipagkasundo sa kanila. Black Panthers and Fallen Angel Gang are bound of agreements at isa rito ay ang walang alitan sa pagitan ng dalawang gang at walang pasikretong papasok sa lugar. Well, bawat gang kasi ay eksperto sa pagpapadala ng spy kaya gano'n.

Well, hindi naman na ako parte ng Blood Gang kaya labas na ako sa agreement nilang 'yon. 

Pagpasok ko, napakaingay at panay nagsasayawang babae at lalaki sa dancefloor. Lahat ay nakasuot ng maskara. Tumingin ako sa phone ko at nakita 9:10 PM na kaya ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng club. Nanliit ang mga mata ko nang makilala ang likod ng apat na lalaki.

Sina Chaos, Wolf, Storm, at Deth.

May mga kalalakihang sumunod sa kanila na nakamaskara din at kung hindi ako nagkakamali ay mga kaklase namin.

Sa likod ng club ang punta nila. Lumabas ako para umikot papuntang likod ng club dahil ang tutunguhin nila ay kailangang tanggalin ang mask para makilala. Ayokong magkaroon ng issue sa mukha ko kaya pinili kong umiwas. Lumabas ako at sa likod ako ng Club ako dumiretso.

Nang makarating ako sa likod, pumwesto ako sa likod ng dalawang dumpsters at sumilip sa butas sa pagitan nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kaklase ko. Nakatanggal na ang mga maskara nila at may kani-kaniyang hawak ng kutsilyo na nakikipaglaban sa mga miyembro ng FAG. Mukha silang nasisiyahan sa mga ginagawa nila!

What the fuck is happening?! What the hell they're doing? But... they're cool.

Nasa fifteen ang bilang nila habang ang mga kalaban nila ay hindi ko na mabilang pero kahit ganuo'n, walang nababawas sa mga kaklase ko. Para silang halimaw sa bawat suntok, sipa, ikot, at pagsaksak pero kapansin-pansin na hindi naman masama ang mga pinupuntirya nila at paniguradong mabubuhay pa ang mga kalaban nila.

Naalala ko 'yung pinirmahan kontrata dati ni Alexus sa pagitan niya at ni Blaze dahil naghamon si Alexus ng laban, kapalit nito ay wala kaming pupuruhan sa miyembro ng gang ni Blaze at ganun din sa side nila. Wala nga ro'ng kutsilyo o baril, eh. Malamang may nangyari ding kasunduan sa pagitan nina Deth at Blaze kaya ganito.

Maraming dugo ang nagkalat hanggang sa tumuon ang mga mata ko kay Deth na may talamsik na ng dugo sa mukha at ngumingisi pa.

Hindi ako nakaramdam ng takot, tanging pagtataka at admiration lang ang nararamdaman ko. Ang hot niya kasi! Pero teka! Bakit nakipagkasundo siya kay Blaze? Magkakilala ba sila? Part ba ng gang si Deth o ang section namin? At anong gang 'yon?

Tinanggal ko ang mask ko saka inilagay sa bag at kinuha ang kutsilyo.  Tumingin ako kina Deth pero napailing nalang ako nang maalala si Ced.

Hindi dapat ako makisali.

Aalis na sana ako dahil ayaw kong madamay at kailangan na ako ni Ced nang biglang makita ko si Tev na kararating lang at nagtago sa kabilang dumpster. Para siyang may hinahanap dahil sa likot ng mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang makita sa 'di kaluyuan ang dalawang lalaki na nakasakay sa motor at ang mga mata nila ay na kay Tev.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang mga mata ng dalawa. Shit. Sina X at Y! Ano ba talagang kailangan nila kay Tev?!

Tumayo nalang bigla si Tev.

"Leo!" sigaw nito. Natigilan ang lahat at napalingon sa kaniya.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon