Nilapitan ko siya at nakangiting tiningnan ko siya kahit na hindi niya naman kita ang ngiti ko. "Miss Jean, gusto ko po kayong makausap dahil natanggap po ako sa trabahong inapplyan ko po."

"May pa-panyo talaga sa bibig? Shy type ka pala?" Natatawang tanong ni Miss. Parang sinasabi niya na makapal ang mukha ko ah!

"Gusto mong bawasan ang oras ng pasok mo?" nakangiting tanong niya. Miss Jean is a good adviser para pumasok sa room namin at pagtiyagaan ang mga ugali ng mga kaklase ko. Pumalya nga lang siya sa pagpasok nung unang week dahil inasikaso niya ang anak niya na nasa hospital daw. Akala ko talaga wala kaming adviser. Naikuwento rin sa akin ni Tev na mabait daw ito sa kanilang lahat at siya ang pinaka-nakakaintindi sa kalagayan nila.

"Opo sana."

Tumayo siya at hinawakan ang balikat ko. "No problem. Ganun pa rin ang pasok mo. Six ang pasok mo hanggang alas tres. Three hours lang ang pwede nating ibawas. "

"Ayos lang po iyon."

"Bukod sa hindi ka p'wedeng umabsent habang nagtra-trabaho ka, ikaw din ang ma-assign sa paglilinis sa mga ginagamit niyong room. You're aware about that, right?"

Ako naman talaga ang gumagawa no'n.

Tumango ako. "Yes. Thank you, Miss."

"Kailan ang simula mo?"

"Bukas po."

Malapad na ngiti ang gumuhit sa labi niya saka itinaas ang nakakuyom niyang kamay. "Good luck, Luna. Fighting."

Mahina akong napatawa sa inakto ni Miss. "Thank you po."

Nakahinga ako nang malalim pagkalabas ko at ibinulsa ang panyo ko. Bumalik na ako sa klase at binuksan ang laptop saka muling inaral ang report ko. Medyo tahimik sa loob dahil lahat sila ay nasa labas at may kani-kaniyang ginagawa.

Uwian na nang pumasok si Deth kasama sina Storm at Wolf. Mas may titindi pa pala kay Tev na pumasok ng recess.

"We'll be having a party tomorrow. Nine PM sa Fallen Angel Club." Anunsyo niya saka tumingin sa akin. "Don't come."

As if naman gusto kong pumunta, 'no! Invited kaya sina Eunice at Stella?

Papalapit na sana si Eunice at Stella kina Deth, Storm, at Wolf nang matalim silang tinitigan ni Deth kaya napahinto sila.

"No women allowed." Pagkasabi no'n ay nagbaling siya sa akin ng tingin. Saglit lang 'yon at umalis na siya kasabay si Storm. Nahuli naman si Wolf na nagawa pang kindatan ako.

Isinukbit ko ang bag ko at inayos ang mga upuan. Nahinto ako sa pag-aayos nang bigla kong maalala ang sinabing lugar ni Deth kanina.

Fallen Angel Club.

Ang may-ari nito ay ang leader ng Fallen Angel Gang, ang pangatlong gang. The president of that gang is known as Blaze. Just like any other president of gangs, his real name is also hidden. Kahit si Alexus, hindi alam ang tunay na pangalan nito kahit leader at may kasunduan sa pagitan nila. Kasama raw kasi sa napagkasunduan ng Black Panthers at Fallen Angel Gang na hindi dapat manghimasok ang Black Panthers sa kahit anong may kinalaman sa Fallen Angel at ganun din daw ang gagawin nila for fairness. At dahil may isang salita si Alexus, wala siyang ginawang labag sa napagkasunduan nila. Malamang ganito rin ang nangyaring kasunduan sa Blackwing Gang pero duda ako sa pagsunod nila.

Gago kaya 'yung leader nila kaya hindi na nakakapagtakang susuwayin niya ang napagkasunduan.

Ang Fallen Angel Gang ang pangatlo sa pinakamalakaw na gang. Ayon sa mga naririnig ko, mabait ang namumuno sa kanila. Malinis at pasikreto rin sila kung gumalaw at magtrabaho.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon