9: Leo Zennor Trinidad

Start from the beginning
                                    

Tumingin siya sa akin saka kumagat ng pizza at ngumiti. "To avoid being compared to me na nagiging dahilan ng pambubugbog sa kaniya, ibinagsak ko ang ilan sa mga subjects para mapunta sa section natin ngayon and Mom? She was disappointed. Very disappointed..."

Grabe. Hindi ako makapaniwala na grabe ang pagmamahal ni Tev sa pinsan niya para gawin ang bagay na 'to.

"Paano na ang mommy mo? Sa ginawa mo-"

"Mahal ko si Mommy. Since I was a child, palagi ko siyang sinusunod kahit na minsan lang kami magkita. Hindi ako nagreklamo. I never questioned her love to me. Gusto niyang maging magaling ako sa lahat, nagsumikap ako na maging magaling sa mga bagay na mahina ako dati. Tapos ang gusto niya naman, matagal na, na hirap na hirap ako gawin ay ang magkaroon ako ng paninindigan at lakas ng loob dahil kung gaano ako kalakas sa academics, gano'n naman ako kahina sa lakas ng loob at paninindigan. Pero guess what? Nagawa ko siya last year in a ridiculous desisyon at 'yon ay ang piliin kong maging dark student at panindigan itong choice ko kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako. For the first time, nagawa kong manindigan at lakasan ang loob ko gaya ng gusto niyang gawin ko. Tapos disappointed siya?" Natawa siya.

Napailing-iling nalang ako. "Ano'ng sabi ni Leo?"

Malakas siyang tumawa. "Because of what I did, sinuntok niya ako and for the first time, I fought back. Nagsuntukan kami hanggang mapagod kami. I'm not mad at him but I was mad at myself dahil lalo lang lumala ang galit sa kaniya ni tita. Siya kasi ang sinisisi sa desisyon ko. Kesyo bad influence raw kasi sa akin si Leo."

Nagbaba ako ng tingin sa milktea kong hawak habang inaalog. "Sorry to say this, Tev pero mama niya ba talaga ni Leo 'yung tita mo?"

"What do you mean by that?" pagtatakang tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang."

"Sigurado akong anak ni Tita si Leo, Luna," natatawang sabi niya.

Kumagat ako ng pizza saka uminom. "Sa bagay, parehas kayo ng mga mata e."

"Yes, nakuha namin sa mga mama namin," nakangiting sabi niya saka sumubo na ulit ng pizza.

"Are you two done feasting my life?"

Sabay kaming napalingon ni Tev sa pintuan at nakita si Leo na hawak pa rin ang pizza at milktea na wala pang bawas.

So, hindi siya umalis at nakikinig lang siya sa usapan namin ni Tev?

Binitawan namin ni Tev ang mga hawak naming pagkain saka tumayo.

"Leo, let me ex-" Hindi na natuloy ni Tev ang iba niya pang sasabihin nang bitawan ni Leo ang mga hawak niya at mabilis na nakarating sa harap. Mahigpit niyang hinawakan ang kwelyo ng uniform ko.

"Leo!" sigaw ni Tev pero hindi nagpapigil si Leo at itinulak ako hanggang sa madikit ang likod ko sa pader.

"Huwag mong pakialaman ang buhay ko!" sigaw niya, ramdam na ramdam ko ang galit niya.

"Bitawan mo siya, Leo!" Lumapit si Tev at pilit na hinihila ang kamay nito pero masyadongng malakas at mahigpit ang pagkakahawak ni Leo sa kwelyo ko.

Bakit ganito? Wala pang nakahawak sa akin ng ganito kaagresibo. Sapat na itong dahilan para lumaban sa kaniya pero bakit hindi nagrereact ang katawan ko?

Siguro dahil nakikita ko sa mga mata niya na hindi para sa akin ang galit na 'to. Yes, hindi siya gumaganti sa mama niya pero naniniwala ako na naiipon ang sama ng loob niya at kinikimkim niya lang 'yon at ngayon gusto nitong kumawala. Ang mahirap lang, ay mukhang sa akin niya ibubuhos ang lahat.

"She's not, Leo! I'm the one who talked first!"

"Bullshit!" sigaw niya saka umamba ng suntok kaya napapikit na lang ako. Handa ko nang indahin ang sakit pero wala akong sakit na naramdaman hanggang sa maramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Dahan-dahan akong magmulat ng mga mata ko. Nasa harap ko pa rin siya.

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now